Balikat

5K 57 1
                                    

Eto nanaman ako lumuluha at nasasaktan,
Oh, Walang hiyang buhay to bat di ako tigilan,
Pero sa mga panahong buhay ko ay nais ko ng sukuan,
Tumitingin ako sa langit na parang wala ng katapusan,
Ina-alala ang kasunduan,
Na kahit anong mangyari ay walang sukuan,

Kahit ika'y ngayo'y wala sa piling ko,
Alam kong darating ang araw na magkakasama din tayo,
Magiging masaya ako sayo,

Alam mo bang halos araw-araw kong hinihiling na ika'y nandito sa aking tabi,
Hinihiling ko na sana'y nandiyan ka sa tuwing ako'y humihikbi,
Sa mundong ito na napakaraming pagsubok ay alam kong ikaw ang kakampi,

Oh, Kailan ka ba babalik mahal ko?
Kailan kaya ulit ako makakatulog sa mga balikat mo,
Na walang inaalalang pagsubok kase alam kong pagtatanggol mo ako,

Oh mahal, Ang mga balika't mo na nagsilbing aking unan,
Nagsisilbing unan kapag ayaw ko ng tumahan,
Mahal, Ang balikat mo na aking sinasandalan,
Mga balika't na aking sinasandalan kapag nahihirapan,

Mahal, Malayo kaman sa piling ko,
Matiyaga akong naghihintay sayo,
Bumalik kana mahal ko,
Nais ko ng maramdam ulit ang init ng balikat mo.

- - - - - - - -

Nakarelate at nagustuhan mo ba?
Click the vote button

Mga Tulang May HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon