Tago ng Tago

4.4K 52 1
                                    

Ayan nanaman ang mga ngiti mo,
Nabumighani sa aking puso,
Kaya't sa bawat oras na ika'y nakakasama ko,
Para bang may sarili syang buhay tumatalon palabas sa dibdib ko,

Matagal na kitang minamahal,
Matagal na akong may nararamdaman sayo,
Matagal na kong may pagtingin sayo,
Matagal ko na itong tinatago sa puso ko,

Hanggang dumating ang araw na diko na napigilan pa ang aking nadarama,
Nagkasalubong tayo at sabay tayong nagsalita,
May sasabihin ako sayo;
Kumabog ang dibdib ko! Inaalam ano ang sasabihin mo,
Nginitian mo ako't sabay sabing may nobyo na ako! Nakita ko ang saya sa mga labi mo,
Ngumuti nlg ako sinabing congrats sainyo,
Pero sa kaloob-looban ko ay nagdurugo na ang puso
Tumakbo ako ng tumakbo,
Hanggang sa makita ko ang isang puno at doon ay nagiiyak ang torpeng tulad ko,
Napakawalang hiya nga namn ng mundo,
Kung kailan kapa ba naman kase handa ipagtapat lahat ng nararamdaman mo,
Doon pa may hahadlang at pipigil sa pagsabi mo neto,
Napakahirap maging torpe,
Napakahirap magtago ng nararamdaman,
Pero mas mahirap palang tanggapin ang taong matagal mo ng pinangangalagaan,
Ngayon puso niya'y may iba ng laman,

Nagsisi ako! Sana matagal ko ng nakuha ang lakas ng loob ko na ito!
Edi sana'y nakapagtapat na,
Nung wala pang nagmamayari ng puso nya!
Edi sana naunahan ko pa sya,
At mas malaki ang pag-asa na maging kami pa!
Pero hinde! Kase torpe ako! Torpe ako!
Ngayon ako'y luhaan, Na may naiwang tanong sa aking isipan,
Kung ako ba ay nagtapat sa kanya ng maaga tatangapin kaya nya ang pag-ibig na iaalay ko sakanya?
Nawa'y totoo nga ang sinasabi nila na ang mga taong PATAGONG NAGMAMAHAL PATAGO DING NASASAKTAN.

- - - - - - - -

Nakarelate at nagustuhan mo ba?
Click the vote button

Mga Tulang May HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon