Kabanata 23: Murahan Couple

2.8K 164 74
                                    

xxx

Kabanata 23: Murahan Couple

Kabanata 23: Murahan Couple

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hyro's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hyro's PoV

  "Khaile! Mag-usap tayo." Napatingin ako sa pagbiglang pagbukas ng pinto. Si lang Khaile pala at kasunod niya sa likod si Spy. Problema ng lovers na 'to.

  "Oh Khaile, nanjan ka na pala?" tanong ni Hypo na kakalabas lang ng CR. Tinignan niya si Hypo. "Hindi kuya, picture ko lang ito," 

  Napahinto si Hypo sa pagpupunas niya ng kanyang buhok. "Sige! Ganyan naman kayo. Lagi na lang ako binabasag. Nagtatanong lang ng maayos," irita niyang saad sabay pasok niya sa kwarto.

  "Hoy Khaile, para kang pinagbagsakan ng tae ah," saad ko. Lumingon siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin at padabog na umakyat sa taas.

  "Khaile! Sorry na o--"

  "Hep!" Hinarangan ko si  Spy na parang may balak siyang sundan sa taas si Khaile.

  "Anong nangyari?" tanong ko agad. "Eh kasi.."

  "Ginalit mo 'no?" tanong ko uli.

  "Pinikon ko lang.."

  "Pero nainis?" Dahan-dahan siyang tumango kaya napailing ako.

  Nagpunta ako sa kitchen para ituloy ang aking binabake. Napansin ko sa gilid ng mata ko na sinundan niya ko.

  "Eh Hyro.. ang gulo niya kaya, ewan ko ba kung naiinis o nagpapainis lang. Oh baka trip lang ako. Per--" Napatahimik siya nang padabog kong binaba ang kutsilyo sa lamesa.

  Tumingin ako sa kanya kaya napalunok siya. "Hindi ka na nasanay sa insan ko."

  "Eh ang gulo ng utak niya kasi!"

  "Alam mo Spy.." saad ko habang inaayos ko ang cupcake na binake ko.

  "Gwapo ako Hyro, alam ko iyun." Napatingin ako sa kanya. "Gusto mong mamatay ng maaga?" tanong ko habang nakatutok sa kanya ang hawak kong kutsilyo.

  "Sabi ko nga, mas gwapo ka."

  "Tss.." Binaling ko na lang ang tingin ko sa cupcake. "Ang mga babae parang pirma ng doctor."

Guyabanong Baklang Gangster!Where stories live. Discover now