Kabanata 38: Unpredictable

1.2K 79 27
                                    

xxx

Kabanata 38: Unpredictable

Kabanata 38: Unpredictable

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kyle's PoV

  "Oh naririto ka pala Irene," usal ni Hypo na kakatapos lang maligo. Lumapit siya sa sofa kung saan nakaupo ang hinayupak.

  "Hindi, wala siya rito. Salamin lang ito," sarkastiko kong sabi at ngumisi.

  "Affected ka lang," bulong nitong sabi nang dumaan sa gilid ko.

  Ano sabi ng loko?

  Umupo si Hypo sa sofa, katabi ni Irene.

  "Nasabi na ba sa'yo ni Kyle na kung pwedeng magperform ka sa event na gaganapin sa school namin?" tanong nito.

  "Obvious ba?" singhal ko kay Hypo na parang wala ako rito.

  "Payag ka na ba Irene? Please, kailangan na namin makumpleto ang list na magpeperform. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan na sumali dahil may nakaabang na premyo na mangyayari sa buhay mo," seryosong sabi ni Hypo sa kanya.

  Nakaabang na premyo?

  Ngumiti si Irene sa kanya. "Kailan ba ko magsisimula?"

  "Yes!" sabi ng aking isip.

  "Kung gusto mo ngayon na," nakangiting sabi ni Hypo.

  Tumingin siya sa direksyon ko at nginitian ako. Nginitian ako ng isang anghel.

  "Ikaw Kyle, gusto mo ngayon na tayo magpractice?"

  "Ta-tayo?" napakashunga kong tanong.

  "Ehem! Maiiwan ko muna kayo at dahil marami pa kong gagawin. Ehem!" ubo-ubuhan na sabi ni Hypo at walang pang segunda ay parang kidlat kung umalis. Sarap batukan amputs.

  Umupo na ko sa tabi ni Irene.

  Napakunot ang aking noo dahil sa kanina pa niya ko tinititigan.

  "May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko rito.

  Umiling lang siya at patuloy lang sa pagtitig sa akin.

  "Parang.. may nagbago sa'yo," mahina niyang sabi.

  "Ano?"

  "Basta..," saad niya.

  Habang patuloy pa rin siya sa pagtitig sa'kin ay bigla kong naalala ang huling chat niya sa'kin.

  "Irene.."

  "H-huh?"

  Huminga muna ko ng malalim, "Anong ibig mong sabihin sa huling sinabi mo kagabi? Na.. gusto mo ko?" tanong ko rito.

  Napataas ang kilay niya at inaalala ang kagabi.

  Napahagikhik naman siya agad ng bigla iyon naalala. "Papikit pikit na ang mata ko that time dahil sa sobrang antok. Kaya kapag ganun ay lagi ko nasasabi ang mga bagay na hindi ko na namamalayan sabihin. Minsan kulang pa nasasabi ko. Parang lasing lang e 'no? Kung iyon ay hindi pa ko lasing, more what kung lasing ako, 'di ba? Baka kung ano pa gawin ko.."

Guyabanong Baklang Gangster!Where stories live. Discover now