Kabanata 41: Master Shin

1.4K 63 34
                                    

xxx

Kabanata 41: Master Shin

Hyro's PoV

  "Nanay Loring?" tawag ko pero isang magandang binibini ang niluwa ng pinto ng tindahan ni 'nay Loring

  "Ano kailangan mo?" masungit nitong tanong.

  "Nandiyan ba si 'Nay Loring?"

  "Wala e. Bakit? Ano ang kailangan mo sa kanya?" tanong nito.

  May pagkasungit ang pinopormahan nitong si Hyrus ah.

  "Wala. Gusto ko lang ibigay itong bi-nake kong cupcake bilang pasasalamat," nakangiti kong sabi.

  Tinignan naman niya ang hawak kong box kaya dali-dali ko ito binuksan at pinakita na cupcake ang nakapaloob rito.

  Tinignan ko ang reaction niya. Nagulat ako nang ngumiti siya ng maliit.

  "Marunong ka pala ngumiti," usal ko pero bigla niya ko inirapan at kumuha siya ng isang pirasong cupcake at sinuri.

  "Walang lason 'yan," dugtong ko.

  Napataas ang kilay niya at kinagatan nito ang cupcake na hawak niya. Isa pang kagat, isa pa uling kagat, na umulit uli ng kagat hanggang sa naubos ang hawak niya.

  Tumawa siya ng mahina at nginitian ako habang nakalahad ang kanyang kamay, "I'm Skye Jimenez Devergin. Nag-iisang babae na apo ni lola Loring Sanchez. Sorry sa pagiging masungit," usal niya sabay nagpeace sign. "By the way, ang sarap nung cupcake. Pwede pahingi ng isa pa?" tanong nito sabay kuha ng isa pang cupcake sa box at kinain ito.

  "Kahit ubusin mo na itong laman ng box

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  "Kahit ubusin mo na itong laman ng box. Igagawa ko na lang uli si nanay Loring," saad ko at ibinigay sa kanya ang box. Tinanggap naman niya agad ito na tuwang-tuwa. "I'm Hyro Rocher. Kapatid ni Hyrus Rocher. It's nice to meet you, Skye," nakangising sabi ko na nagpahinto sa kanya sa pagkain.

  "Ka-kapatid mo yung damulag na 'yon?" I nod. "Pero bakit may saltik sa utak ang mister na 'yon kaysa sa'yo, Hyro? Ang gwapo na niya sana kaso mayabang, arogante at sobrang hangin! Buti hindi ka katulad nung lalaking iyon 'no," madadal na sabi niya.

  "Ganun talaga siya," usal ko habang pinipigilan ko ang tawa ko.

  "Ano sabi mo miss?" Napatingin kami pareho sa likod ko.

  Ang lakas talaga ng pandinig nito ng tenga o ng malaki niyang ilong?

  "WALA!" singhal ni Skye kay Hyrus.

Guyabanong Baklang Gangster!Where stories live. Discover now