Chapter 3 - Nicolo

75 8 2
                                    

"Woahhhhh!!!! Go Jungkook!" Ang saya sa concert ng BTS kahit nasa pinaka huling upuan ako. Oo ako lang mag isa , taghirap kasi yung mga kaibigan ko.

Sa sobrang pagtatatalon ko naapakan ko ang paa ng katabi ko.

"Ano ba yan miss! tatanga tanga oh!"dak dak nya habang nag pupunas ng paa nyang Di ko naman talaga sinasadyang apakan

"Sorry" mahina Kong sabi

"I don't care shit!" Nag init yung tenga ko sa narinig ko sa bruhitang babaeng yon

"Tang nah mo ! Nag sorry na nga yung tao eh! Ibaon ko yang pugita mong mukha kasama ng luya mong paa eh!" Bulshit Kong sigaw . may mga napatingin sa gawi namin kahit ang lakas ng tugtog sa Dome

"What did you say?!" Ay tanga. Bobo ba to

"Sabi ko I'm gonna make baon your octopus head in the soil including your ginger feet...awww!"tapunan ba naman ako ng malamig na gatorade. Rich kid ! Kailangan Gatorade pa talaga

Napatakbo nalang ako ng comfort room. Atleast don may mag kokomfort sa kin.

Pero habang naglalakad ako nararamdaman Kong may sumusunod saakin. Di ko nalang pinansin kasi nga normal lang naman na may taong pupunta ng cr sa mga ganitong event.

Ahhh nahihilo ata ako. Sinandal ko ang kaliwang balikat ko sa pader at naramdaman kong unti unting tumutupi ang mga tuhod ko ng may.....

"Miss are you okay?" Tung unu nemen bakit ngayon pa ko nahilo?

Di ko man maaninag ang mukha nya Pero natatandaan ko yung suot nyang red na collar shirt at cross na kwintas. At binuhat nya ako papunta sa isang upuan.

"I love you Miss" ano raw?! Pakyu to ah. Sino ba to.

"I love you too Mr." Mga salitang lumabas sa bibig ko

"Den den gising na" hala kilala nya ko! ni Di ko nga sya kilala eh. Baka pagsamantalahan ako neto.

"Den den" gosh bat ganto Di ako makagalaw

"Den den! Puchang INA mong bata ka gumising ka na!kanina Pako gising ng gising sayo!" Ano ba yan si mama lang pala. eto sya katabi ko at naka dantay pa ang mala baka nyang hita sa katawan ko, kaya pala ako Di makagalaw eh.

"TSS. Nu ba yan kala ko yun na,ginising pa kase ako eh!"maktol ko

Narinig kaya ni mama yung 'i love you'??

"Gaga kang bata ka, 5:30 na ng umaga! Anong gusto mo?" Sermon nya habang naglalaro ng Farmheroesaga ba yun?

" ma!!! Alas otso pa ng umaga ang misa !" Kainis gisingin ba naman Ano ng gantong oras

"Den den tandaan mo Di kita anak, pagong ka! pagong!!!!!"

Ge!!!!! ipangalandakan mo pa na makupad ako

"TSS. K fine"

Iniwan ko yung mama ko na level 453 na sa laro nya

Hayss makaligo na nga

'Banyo'
Check in-5:37 am

"Den den dalian mo!" Sigaw ni mama

"Baket?!" Ako pa may ganang manigaw

"Late ka na!" OA tong nanay ko, 5:30 palang nung pagligo ko

"Ano dinadasalan mo ba mga sabon Dyyan!" Ang ingay nya ah. Di ko nalang sinagot. Hayaan natin syang magdadadakdak.

"Tang Igit mo Den den !" Hala! Bat to nag wawala

"Baket nga?!"

"Natatae ako!"

SOULMATES (love at 6 size)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon