Chapter Seven

3.4K 169 26
                                    


CHAPTER SEVEN

SA LOOB nang mahabang sandali ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nangingibabaw ang pagpatak ng ulan sa pawid na bubong. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Naririnig ko ang panay na paghikab ni Sir at sa lumalamlam nitong mga mata, halata na ito ay inaantok na.

Dumidilim na at nagsisimula nang mag-ingay ang mga kuliglig sa paligid. Tiyak na hinahanap na kami ni Lola, kaso hindi ko dala ang cellphone ko upang ipagbigay alam kung nasaan kami.

Naisip ko na makitawag na lang sa phone ni Sir na hindi naman nito iniiwan. Ngunit nang harapin ko ito ay hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa panginginig sa matinding lamig na nararamdaman ko. Napayakap ako sa sarili ko.

Hinubad ni Sir ang jacket nito nang marahil mapansin nito na giniginaw ako. Umupo ito sa tabi ko at isinuot mula sa likuran ko ang jacket nito.

"K-kam... sa... h-hamnida..." Hindi ko mabuo ng tama ang pasasalamat ko sa labis na panginginig ko. Bagaman naginhawaan ako sa bahagyang init na dulot ng basa nitong jacket ay hindi ko pa rin mapigilan ang mangatog sa ginaw.

Naramdaman kong dumikit ang katawan sa akin ni Sir. Wala nang nakapagitan sa amin. At halos manigas ako sa posisyon ko sa sumunod na ginawa nito.

Mahigpit na niyakap ako nito mula sa likuran. Ikinulong ako nito sa kanyang mga bisig.

"Still cold?" he said in a soft voice. Bakas sa tinig ang pag-aalala. His warmth breath gently fanned my face.

A small smile lit up my face as the warmth of his embrace engulfed me. At ang init ng kanyang hininga na humahalik sa aking pisngi ay gumapang sa buong pagkatao ko na naghatid ng kakaibang mainit at napakasarap na pakiramdam.

Hindi ako nakasagot. Hindi ako nakapagsalita. Umiling na lamang ako. I felt his hold tightened around me.

Parang gamot ang yakap ni Sir na pinawi ang ginaw na lumulukob sa katawan ko. Ginaw na hindi nagawang patayin ng jacket lamang.

A soft sigh slid from somewhere down my throat. Hindi ako makapaniwalang nakakulong ako sa mga yakap nito. Nararamdaman kaya nito ang malakas na kabog ng dibdib ko?

Patuloy ang paghampas ng malamig at basang hangin sa aking mukha. Ngunit hindi ko ininda ang ginaw na dala niyon dahil sa init ng yakap nito.

Buhos pa ulan. Please, huwag ka nang tumila pa, I silently prayed.

Maya-maya'y narinig kong humikab si Sir at pagkatapos ay naramdaman kong ipinahinga nito ang baba sa ibabaw ng balikat ko at isinandig ang ulo sa akin. I felt my heart skipped a beat.

At wala pang ilang sandali nang makarinig ako ng tahimik na paghilik mula rito.

Masayang napangiti ako. I wanted to stay in his arms forever. Ngunit ang lahat ng ito ay katulad lamang ng isang magandang panaginip... may katapusan din. Hindi kailanman mahuhulog ang isang Prince Charming sa ambisyosang frog. Pero kahit paano'y masuwerte pa rin ako kaysa kay Cinderella. She had only till 12 midnight. May dalawang araw pa ako.

Wait. Parang maling anology 'yon. Cinderella got her happy ending. Habang ako pagkalipas ng dalawang araw... nganga. Hay.

Kaya isang katalinuhang isipin na huwag magpadala sa pantasyang ito. Hindi ko dapat sanayin ang sarili ko sa bagay na alam kong mawawala rin.

Ngunit nagtatalo ang aking puso at isip. Bulong ng puso ko'y huwag isipin ang bukas.

Kung maaari ko lamang pigilin sa pag-ikot ang mundo upang hindi na dumating ang bukas.

Bakit kailangan pa kasing tumakbo ang oras?

Bakit kailangan pang umandar ang panahon?

Naghihilik pa rin si Sir sa ibabaw ng balikat ko. Nakapagtatakang kahit tulog ito'y hindi pa rin humuhulas ang pagkakayakap nito sa akin mula sa likuran. Gusto ko sanang iangat ang kamay ko at haplusin ang buhok nito, ang mukha nito.

Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito isang romantikong relasyon. Ito pa rin ang Sir ko.

Idinikit ko na lamang ang ulo ko sa ulo nito. Siguro'y kahit iyon ay puwede. "Ikaw ang pinakamagandang isang linggong nangyari sa buhay ko," bulong ko.

I was so thankful for this moment. It was nice to have your heart skip a beat, your stomach flutter, and to feel like you're floating on air. Noon lamang ako nakaramdam ng ganoon, simula nang makilala ko si Sir.

Ang magical ng feeling. Parang huminto sa amin ang oras at nagkaroon ng spark ang paligid. Nakakakita ako ng mga mumunting liwanag na sumaboy sa madilim na paligid.

Hala! Totoong nakakakita ako ng spark sa paligid! Ano na 'tong nangyayari sa akin? Hindi ito pelikula. Bakit may lighting effects?

Napakurap-kurap ako. Masyado na yata akong nadadala sa pantasyang ito. O may mali na yata sa salamin ko sa mata?

Nang dumapo ang munting liwanag sa ibabaw ng kamay ko ay napangiti ako nang labis at gusto kong matawa.

Alitaptap lang pala.

Gusto kong gisingin si Sir upang makita nito ang napakaraming alitaptap na aandap-andap ang liwanag sa buong paligid. Napakaganda. Doon ko napagtanto na tumila na pala ang ulan.


****


그녀를 꼭 안았다.

그녀와 이렇게 가까워질 수 있도록 나는 잠이 든 척을 했다.

파파라찌도, 기자도 없다. 함께 있으면 온전한 진짜의 내가 되는 그런 여자를 여지껏 좋아해본적이 없다. 마치 주문에 걸린것 처럼, 그렇게 너에게 빠지게 되었다.

그녀가 어떤말인지 속삭인다. 내가 이해할 수 있다면 좋으련만.

오, 내가 떠날때 난 너를 그리워 할꺼야.

아. 저 반딧불들 말이니?

아름답다.

하지만 내가 안고 있는 그녀보다 아름답지 않아.

이렇게 그녀와 영원히 함께할 수 있다면...

[I held her tightly in my arms. I pretended to be asleep so I'd have a reason to be this close to her. I've never liked a girl before with whom I can be the real me. No paparazzi. No reporters.

Just like being under a spell, I've fallen for you.

She whispered something. I wish I understand it.

Oh, I will miss you when I leave.

Ah. Are those fireflies?

They're beautiful.

But not as beautiful as the woman I am holding in my arms.

If only I could stay just like this with her forever...]



The K-Pop Star and IWhere stories live. Discover now