Chapter Thirteen

5.9K 200 74
                                    


CHAPTER THIRTEEN

"WHAT did you do this time, Joy?" mariin ang tanong ng boss ko na tinawagan ako sa cellphone. Kung pagkain lamang ang mga salita nito ay nadurog na iyon sa mga ngipin nito. Bigla akong kinabahan pero wala akong alam sa ibig nitong tukuyin.

"Ano'ng ibig mong sabihin, boss?" nagtatakang tanong ko. Nakaupo ako sa passenger seat ng taxi at malapit na ako sa opisina. Na-sense ko na may malalim na dahilan ang pagtawag sa akin ni boss kung kaya hindi na nito nahintay ang pagdating ko sa opisina upang doon na lamang ako kausapin. Kung kaya ganoon na lamang ang kaba ko.

"May mga media sa labas ng building. Ikaw ang hinahanap nila."

"Ha?" Napatingin ako sa unahan ng taxi at sa dulo ay natatanaw ko na ang building ng opisina. May mga media van na nakaparada sa tapat niyon. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Wala akong matandaang anoman upang tumawag ng atensyon ng media.

"B-bakit daw?" pinanginigan ako ng boses sa kaba.

"It has something to do with that K-Pop artist, Joy," mariin pa rin ang salita ng boss ko. "You better get your ass here now."

Dumiin ang pagkakahawak ko sa cellphone sa narinig kong sinabi ng boss ko, pakiramdam ko ay huhulas iyon sa kamay ko sa biglang panghihina dahil sa pagkatarantang naramdaman ko.

Siyam na buwan na ang halos nakalilipas simula nang sumiklab ang balita nang biglang pagbisita ng K-pop Idol sa Pilipinas at kumalat sa Internet at sa mga publication ang larawan kung saan hinalikan nito ako. Iyon na naman ba ang posibleng dahilan kung bakit hinahanap ako ng media?

Nang ihinto ng driver ang taxi sa mismong tapat ng building ng opisina ay parang huminto rin sa pagtibok ang puso ko. Muli na naman bang nabuhay ang balita? Hindi ko alam kung kakayanin ko pang muling pagdaanan ang torment na pinagdaanan ko noon sa mata ng mga mapanlibak na tao.

Inabutan ko ng bayad ang driver at may pag-aalinlangan ako kung lalabas pa ba ako ng taxi. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto sa gilid ko at lumabas. Sandaling tinapunan lamang ako ng tingin ng mga reporter na nagpupulong doon. Of course, hindi nila ako kilala.

Ngunit nang matanaw ako ng security guard ng building na may kausap na reporter ay agad akong itinuro nito. Naging hudyat iyon upang salubungin ako ng mga reporter at batuhin ako ng napakaraming tanong na ni isa ay walang naka-penentrate sa pandinig ko. Mas nangingibabaw ang mala-tambol na pintig ng puso ko. Binilisan ko ang paglalakad ko papasok ng building nang nakayuko upang iwasan ang mga camera na nakatutok sa akin.

Bagaman hindi na sila nakapasok sa loob ng building dahil sa napakaraming guard doon ay nagtuluy-tuloy ako sa elevator. Nang makapasok ako sa elevator ay doon ko pa lamang pinakawalan ang hiningang hindi ko namalayang pinipigilan ko pala. Nanginginig ang mga tuhod ko at maging ang daliri ko nang pindutin ko ang floor kung nasaan naroon ang opisina.

Napapitlag ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen na tumatawag si Love.

"Ate!" Halos nag-echo sa loob ng elevator ang boses ng kapatid ko sa lakas ng bungad nito pagsagot ko sa tawag nito. "Ate! Ate!"

"Naririnig kita, Love," mahinang tugon ko. Pinagpapawisan ako dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang nagaganap noong umaga na iyon. "Mamaya mo na lang ako tawagan. Hindi kita makakausap nang maayos..."

"You have to listen, Ate!" putol nito sa sinasabi ko. Hindi ko alam kung bakit may excitement sa boses nito. "Kanina pa kita tinatawagan pero out of reach ka. May in-email ako sa iyong link sa Youtube, Ate! Kailangan mong makita 'yon—"

The K-Pop Star and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon