Chapter Eleven

2.9K 140 10
                                    


CHAPTER ELEVEN

NAGING mabilis ang pangyayari. Hindi na naawat ang mga fan at maging ang mga media. Noong gabing iyon din mismo ay kinailangan ng kompanya ko na isakay ahora mismo sa eroplano boarding Incheon si Sir.

The news had spread like wildfire. Nagsimula ang lahat nang mag-leak ang ibinahagi ni Love sa bestfriend nito na mga stolen shots nito kay Sir sa bahay namin sa Bulacan. Natatandaan ko ang gabing iyon nang pumasok ako sa silid ng kapatid ko at agad nitong itinupi ang laptop nito. Sabi na, e.

Pero hindi ko magawang magalit sa kapatid ko. Kahit ngayong nakaupo ako sa harapan ng boss ko at ng CEO ng Publicity Manila at naghihintay ng hatol sa mga ito.

Ayon kay Love ay nagkaroon ako ng hate page sa Facebook. At hindi lang basta isang hate page ang meron. Mabuti na lamang at wala akong Facebook o anumang account sa mga nauusong social networking sites sa Internet.

I thought what I didn't know wouldn't hurt me. Pero kumalat na sa Internet ang larawan kung saan hinalikan ako ni Sir sa hotel lobby. Hinahanap ako ng maraming tao. Tinatanong ng marami kung sino ako. Lumabas ang mga larawan sa local at international news sa telebisyon, sa Internet at maging sa mga diyaryo. Hindi naitago sa akin ang libu-libong mga comment ng mga namba-bash sa akin na mga die hard fan mula sa iba't ibang panig ng mundo. May nagsasabing 'ambisyosa' at 'chaka' ako. May mga nagtatanggol din naman sa akin ngunit mas maraming mga nakasasakit na salita ang ipinukol sa akin ng mga tao.

Minsan ay hindi ko mapigilang maiyak sa mga nababasa ko. Sa isang iglap ay naging kaaway ko ang mundo. Alam kong matatagalan bago bumalik sa normal ang takbo ng buhay ko.

Kinailangan kong magtago sa maraming tao. Maraming naghahanap kung sino ang babaeng nagnakaw ng halik sa prinsipe nila.

May lungkot ang ngiti ko nang magpasalamat ako sa mga boss ko. Malayo sa iniisip ko ang nangyari. May trabaho pa rin ako.

Kasabay kong lumabas ng conference room ang boss ko. Nagulat ako nang may inabot ito sa akin na nakatuping papel.

"Don't worry, hindi ko 'yan binasa," may ngiting sabi nito na marahang tinapik ako sa balikat bago nagtuloy sa opisina nito.

Nagtuloy ako sa C.R. at sandaling napatitig ako sa hitsura ko sa salamin. Ako na muli ang dating Joy na kung manamit ay tila librarian. Naisip ko na mabuti na ang ganoon nang hindi ako makilala ng mga tao.

Binuklat ko ang nakatuping papel na inabot sa akin ng boss ko, iniisip kung kanino galing iyon.

Pagbuklat ko sa papel ay may nahulog na tuyong talulot ng bulaklak sa ibabaw ng marmol na lababo. Pinulot ko iyon at gayon na lamang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang pamilyar na talulot ng dama de noche.

May pananabik na binasa ko kaagad ang nakasulat sa papel habang pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko.

I'm sorry if I had to leave without saying good bye.

I miss you already.

I feel like crazy if you aren't by my side.

Why are you so likeable?

Please remember me.

Don't forget me.

I will return for you.

I promise. *pinky swear*

Wait for me.

Don't turn into a flower.

Pumatak ang luha ko sa papel at nag-smudge ang mga letra niyon. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Paulit-ulit kong binasa ang sulat. Hindi ko na mabilang kung ilang beses. Nakatakip na ang isang kamay ko sa aking bibig upang pigilan ang paghikbi ko.



The K-Pop Star and IWhere stories live. Discover now