#38 May Kapalit

513 37 0
                                    

"Basta asahan ka namin sa Friday ha? Mag enjoy ka naman. Puro ka aral." Irap ni Lea.

"Anong puro aral. Sumasama kaya ako sainyo. Tss. Jan na nga muna kayo. Pupunta muna ko sa mall. May bibilhin ako sa National book store." Sabi ko at di ko na sila hinintay magsalita. Dali dali akong naglakad palabas ng campus.

Ng makarating ako sa hintayan ng mga jeep, taxi at bus ay tumigil na isang pamilyar na kotse sa harap ko. Kay Kristoff to ah.

Ibinaba niya ang salamin ng kanyang kotse.

"Oh! Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sabay kaway sakanya.

"Ah..Wala naman. Napadaan lang. San punta mo? Uwi kana?" Tanong niya.

"Hindi pupunta akong mall."

"Ah ganon? Sakto! Pupunta din ako doon. Tara! Sabay kana sakin. Mahirap sumakay daming estudyante." Binuksan niya ang pinto sa passenger seat.

Luminga ako at nakita ngang madaming nakikipaghabulan sa mga sasakyan para lang makasakay. Kaya sumakay na ko sa kanyang sasakyan.

"Thank you ha? Palagi kang sumusulpot pag kailangan kita." Sabi ko.

Bahagya siyang tumawa "Naku. Wala yun."

Pagkarating namin ng mall ay tinanong ko siya kung anong gagawin niya dito oh kung anong bibilhin niya.

"San ka niyan?" Tanong ko.

"Ahmm. Nagutom ako. Tara lunch? Treat ko." Alok niya.

"Naku wag na. Nakakahiya na." Sabi ko naman sakanya.

"Ayy. Ngayon lang kita yayayain tatanggi kapa. Sige na." Nagpuppy eyes siya. Ewan ko pero ang gaan ng loob ko sakanya. Siguro dahil nailigtas niya ako noon.

"Oh sige na nga." Pag suko ko.

Himawakan niya ko sa bewang na siyang nag pagulat sakin. Nahihiya ako pero hinayaan ko nalang. Baka ganyan lang talaga.

Pumasok kami sa isang mamahalinh restaurant. Well. Mukhang afford na afford naman niya eh. Umupo kami sa pang dalawahang table.

Pagkatapos naming umorder ay nagsimula na kaming kumain.

"Anong year kana ba ulit?" Tanong niya habang nagpupunas sa kanyang bibig.

"3rdyear na ko." Sagot ko naman sakanya.

"Kabatch mo pala sana yung kapatid ko. Kaso tumigil siya ngayong sem. Kakauwi kasi niya galing sa ibang bansa."

"Ay ganon? Sayang naman? Eh ngayon? Anong ginagawa niya? Habang di nag aaral?"

"He's living alone sa King tower. Ewan. Nangchichiks? Naging hobby niya yun nun. Nabroken hearted ata noon." Sabi niya sabay mahinang tumawa. "Teka? Sa King tower ka din nakatira?" Tanong ulit niya.

"Oo. Dun ako. Sinasanay ko kasi maging independent. Sang floor ang kapatid mo?"

"I forgot. Kanina lang kasi ako nag punta." Bahagya siyang nag isip.

"Dapat makilala ko yang kapatid mo. Siguro mabait at gwapo din yun kagaya mo." Biro ko sakanya.

"Bolera ka ha. Hay naku! Sabi mo pa. Every 3 days ata bago magpalit ng babae eh. Nagsimula siyang naging ganyan kasi nasaktan daw siya noon eh. Well yun ang sabi ni Mommy. Pero tagal na nun. Bata pa siyang masyado noon. Di panga ata naka move on eh." Tumawa ulit siya.

Parang nakikita ko yung sarili ko sa kapatid niya ah. Ganon din ako eh. So baka pag nakita ko yung kapatid niya at makilala baka magkasundo kami. Hehe! Samahang di uso move on.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon