#47 Kompleto

596 35 0
                                    

"Hoy Victoria! Anong sabi mo? Di ka pupunta?!" Sunod ng sunod si Lea sakin dito sa condo ko.

"Masama pakiramdam ko. Nilalagnat ako." Tamad kong sabi sakanya.

Hinawakan niya ang noo ko.

"Di ka naman mainit ah! Ano ba naman yan. Napaka KJ mo. May big announcement daw si Charles ngayon. Dapat present tayo." Sabi ulit niya.

Umupo ako sa sofa at isinindi ang TV. Sumunod siya sakin.

"May dalaw ako. May dysmenorrhea ako." Palusot ko ulit sakanya.

"Hoy Victoria! Alam ko ang mga dates ng pagregla mo. Wag ka ngang KJ. Magtatampo si Marie at Vonn sayo!" Hay nako mapilit talaga tong baklang to.

"Oo na! Oo na! I'll go na." Pagsuko ko.

"Then good. Maligo kana!" Hinila niya ako at itinulak papunta sa banyo. Tss. Excited lang to makakita ng lalaki eh. Hay nako.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng kulay itim na dress. Para lang akong Magluluksa ako sa puso kong namatay na. Kinulot ko din ang aking mahabang buhok. And I'm done.

"Tara na?" Sabi ko sa kaibigan kong tutok na tutok sa laptop ko. Nag youyoutube siya.

"Ang pogi talaga ng mga asawa ko. Shocks!" Sabi niya sa tonong kinikilig.

Tinignan ko kung anong pinapanood niya. EXO.

"Duhhh! Asawa ko yang mga yan no." Sabi ko sabay irap. "Halikan na shut down mo na yan." Sabi ko ulit sakanya.

Habang nasa byahe ay di ko maiwasang hindi isipin si Kris. Nang hihinayang ako para sa aming dalawa. Oo nga't mahal ko siya at mahal niya parin ako pero di na kami pwede. I don't want to be a home wrecker. Ayaw kong maging masamang babae. Siguro nga ay ito talaga yung tadhana naming dalawa.

Hindi na siguro mawawala yung sakit, ang kailangan ko lang talaga ay maging immune sa lahat ng sakit pang mararanasan ko.

"Lilipat na ko sa bahay ulit." Sabi ko out of no where.

"Huh? Bakit? Kakalipat mo lang ah." Kunot noo niyang tanong.

Iiwas na ko sa lahat. Hindi ako ganon katatag na araw araw makikita ko doon si Kris at Celine, oh isipin manlang na isang pader lang ang pagitan ko sakanila. Kung di ko kayang tanggalin ang sakit, iiwasan ko nalang.

"Miss ko na sila mommy at daddy eh. Ipapaupa ko nalang siguro muna yun." Sagot ko.

"Kaw bahala. Bahay mo naman." Kibit balikat na sabi ni Lea.

Ng makarating kami sa Parking lot ng dimensions ay agad ko ng narinig ang sigawan at malakas na music sa loob. Mukhang maraming kaibigan ang andito dahil halos mapuno ng sasakyan ang parking lot.

Pagka pasok namin sa loob ay naamoy ko aagad ang amoy ng pinaghalong pabango, alak at usok ng sigarilyo. Madami nading lasing yung iba ay nagmamake out na sa iba't ibang gilid ng dimensions.

Ng makarating kami sa usual spot namin ay nakita ko si Vonn at Marie na naglalampungan. Umirap ako sa hangin. Oh yeah! Love birds.

"Andito na pala kayo. Tara shot!" Sigaw ni Vonn. The alcoholwhore.

Umupo kami sa bakanteng sofa.

Si Chrissmon nakikipagtawanan sa iba pa naming kilala sa school. Mambubully nanaman siguro.

Si Sanford naman ay busy sa kanyang cellphone at pangiti ngiti pa.

Si Allen naman ay tahimik lang ding umiinom habang pangiti ngiting tinitignan ang mga love birds.

Win Him BackWhere stories live. Discover now