Special Chapter

744 22 2
                                    

Nakabalik na ako ng office at hanggang ngayon ay di ko padin makalimutan ang mga batang yun. Ang tanga ng lalaking nakabuntis at nangiwan kay Victoria.

Habang paikot ikot ako sa aking swivel chair ay biglang nagvibrate ang phone ko. Nagtext si si Charles.

Charles:

Tonight at 8pm. See you at dimensions.

Itong mga to to talaga ay hanggang ngayon ay ganyan padin ang mga gusto. We're almost 26 pero kung makapag yaya ng inuman akala nila mga bata pa kami.

I went home to rest para may lakas akong pumunta mamaya sa dimensions. Nakakamiss din kasi ang ganito kaya hindi ko papalagpasin to.

-------

Hindi padin ako makapaniwala sa sinabi ni Marie na andito si Kris at nakausap niya ang mga anak ko. Bigla akong kinabahan ng dahil doon. What if malaman niyang siya ang papa ng mga anak ko?

Nalaman ko ng hindi talaga si Kris ang nakabuntis kay Celine noon. Sinabi sakin ito ni Alli na fiancée na ni Allen ngayon. They used to be twin. Pero nalaman nilang hindi sila tunay na magkapatid.

Parang konti ay nakaramdam ako ng kasiyahan dahil doon. Gustong gusto kong sabihin sakanya na anak niya si Aphy at Achi kaso hindi ko alam kung pano. He'll hate me at natatakot akong baka dahil sa galit niya ay kunin niya ang mga bata sakin at hindi ko makakaya yun.

Habang nagbabake ng cookies ay biglang nag vibrate ang phone ko.

Vonn:

Mamaya ha? Sa dimensions. 8pm. I will not accept your no. Susunduin ka ni Alli at Allen.

Kumunot ang noo ko. Matagal na pala noong huling makipag bonding ako sakanila. Dahil mommy na ako ay tinutukan ko ng husto ang mga anak ko. Pano pag andoon si Kris? Alam kong andoon siya mamaya at hindi ko yata kakayanin pag nakita ko siya. Ang tagal na simula noong umalis siya. Ang tagal ko nading inililihim na mahal ko padin siya. I'm not hypocrite, alam ko sa sarili kong mahal ko padin siya pero itinatago ko nalang to sa sarili ko. Masakit syempre pero na immune na ata ako kaya minsan nakakalimutan kong masakit pala.

"Pupunta ka sa dimensions?" Tanong kay Marie. Andito siya sa condo ko tumitira dahil bored daw siya sa kanila. "Nope." Mabilis na sabi niya.

Hanggang ngayon ay kagaya ko, hindi padin siya makamove on kay Vonn. Nung grumaduate sila, ay nagulat nalang ako ng isang araw pumunta si Marie sa bahay at umiiyak. Itong si Vonn ay akala ko hanggang sa dulo ay sila kaso nagulat nalang kami isang araw ay ikinasal na pala siya.

Palagi niyang sinasabing nakamove on na siya pero palagi ko namang nakikitanv umiiyak. Ayaw niyang aminin sa sarili niyang hanggang ngayon ay mahal padin niya yung taong hindi na siya mahal.

"Punta tayo. Ipakita mong naka move on kana." Pag uulit ko. Gusto ko din sanang malaman pag nakita ko siya kung mahal ko pa ba siya o hindi na. O naniniwala lang ako sa sarili kong mahal ko padin siya.  matapos ang ilang taon, i want to know if he's still here in my heart. I want confirmation. Wala na kasi si Leo, ayun at nasa America nakikipag honeymoon. Yes, si Lea ay si Leo na ulit ngayon. Ewan ko pero naging lalaki na si loka. Nainlove ata ng sobra.

"Nakamoved on na ako. Sige. Pupunta ako." Sabi niya and she sighed.

-------

Pagkagising ko'y dumeretso na ako sa banyo at naligo. Sinabi nila na lahat ng kaibigan namin ay nandoon. Pupunta din kaya siya? Ayaw ko namang magtanong sa mga kaibigan ko kung pupunta siya. Alam nilang wala na akong nararamdaman. Alam nilang hindi ko na siya mahal at ganon din siya sakin. Kaya kahit gustong gusto kong tanungin ay hindi ko na ginawa. Malalaman ko din naman mamaya e.

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis ako ng isang faded blue jeans at isang long sleeves na kulay itim na tinupi ko hanggang sa siko. Bumaba na ako at dumertso na sa basement kung saan nakapark ang kotse ko.

Ng makarating ako sa dimensions ay sumalubong sakin ang napakaingay na music galing sa loob. Andito din si Dj Veronica yung girlfriend ni Chrismon. Lahat ata ng mga kaibigan ko ay masasaya na at nakahanap na ng sinasabi nilang forever at masaya ako para sa kanila.

Nag lakad ako patungo spot namin at nakita kong umiinom na sila. Si Vonn na katabi ang asawa niya, si Allen at Alli, Si Sheldon at si Isa, Si Sanford at si Kenna, Si Allen at si Alli na super sweet sa isa't isa, si Charles at si Chandria na nag uusap, si Chrissmon at andun nakikisigaw para kay Veronica. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng gustong gusto ko ng makita at hindi ako nabigo. Katabi niya si Marie na nakatunganga lang sa kanyang shot glass at parang lasing na.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. Buhay pa pala to. Buhay lang dahil anjan yung dahilan kung bakit tumitibok ito.

"Bro! Late ka nanaman. Palagi nalang" Sabi ni Vonn ng makarating na ako sa table namin. Walang bakanteng upuan kundin sa tabi lang ni Vic. Wag mo kong paglaruan tadhana.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya makatingin sakin. Binati ko silang lahat at nag salin na ng alak sa aking shot glass.

"Uhmm..Hi Vic." Bati ko sakanya. Gusto ko siyang kausapin kaya nag lakas loob ako.

"H-hello." Awkward siyang ngumiti. "You have a wonderful kids." Sabi ko sabay ngiti sakanya. "T-thankyou." Sagot niya. Ng nabanggit ko ang tungkol sa mga anak niya ay parang naging iba ang ekspresyon ng mukha niya, para siyang natatakot at nag tataka ako kung bakit.

"Wala ka parin bang boyfriend hanggang ngayon?" Tanong ko sakanya. "W-wala. I'm happy with my kids." Sagot naman niya. "Pag nakita ng tatay ng mga anak mo ang mga anak mo. Manghihinayang yan. Ang gago niya para iwan ka." Sabi ko.

Bigla siyang tumayo at parang balisa. "M-mag ccr l-lang ako." Sabi niya at nag madaling umalis. Siguro ay ayaw niyang mapag usapan ang lalaking yun. Nag sisis ako kung bakit ko nabanggit ang tungkol doon.

------

Ng pumasok siya ng dimensions at nakita ko siya ay nakompirma ko sa sarili ko ang isang bagay na matagal ng palaisipan sa utak ko. Mahal ko padin pala talaga siya.

Sobrang kaba ko ng mabanggit niya ang mga anak ko at tungkol sa ama nila. Pano ko sasabihin sakanyang siya pala yun? Pero alam kong hindi ko naman pwedeng ilihim sakanya to pang habang buhay. I need to tell him. Kahit ang mga bata ay nag tataka na kunh bakit wala silang daddy at nasasaktan ako sa tuwing makikita ko silang nakatingin sa lalaking may karga kargang bata. Pero paano ko sasabihin sakanya?

Pagkatapos kong mag isip isip sa Cr ay bumalik na ako sa table namin.

"Ang tagal mo. Bagot na bagot ako dito." Sabi ni Marie sabay irap. "Makipagsayaw ka kasi. Daming boys oh." Sabi ko naman sakanya. Umirap lang siya sakin. I wonder kung naka ilang irap na siya ngayong gabi.

Ilang sandali pa ay napatigil ang music dahil sa pag pasok ng yaya ko na yaya na ng mga anak ko at ni daddy sa dimensions. Nag mamadali nila akong tinungo sa table namin. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi na nagawang bumati pa ni Daddy dahil mukhang tarantang taranta siya "Vic! Naiwan mo ang cellphone mo sa bahay kaya pala walang sumasagot. Nasa hospital si Achilles. Kailangan na nating mag madali." Sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon