#46 For Good

578 36 1
                                    

Warning: MEDYO SPG (Wag mag assume. xD)

--------

Sumakay ako sa taxi. Ayaw ko munang umuwi ng King. Gusto kong mapag isa.

"Miss. San tayo?" Tanong ni manong driver.

"S-Sa may daan po papuntang Bakan." Sagot ko.

Humahagulgol lang ako ng humahagulgol sa loob ng taxi habang papunta kami sa may bukana papuntang Bakan.

Tinitignan tignan ako ng Driver siguro ay nagtataka kung bakit ako umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

"W-wala po." Sagot ko.

"Mahal mo padin?" Tanong niya na parang alam niya yung dahilan ng mga pag-iyak ko.

Napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya sakin ng tipid.

"Nagtataka ka kung bakit alam ko? Halata naman sa pag-iyak mo eh. Halatang nasasaktan ka dahil sa pag-ibig." Sabi ulit niya.

"Isa lang ang kakahantungan niyan eh. Kung na ipaglaban mo siya sasaya ka, pero kung di mo man lang sinubukang ipagpaban siya pag sisisihan mo yan habang buhay, pag sisisihan mong hindi mo ginawang maipag laban siya." Sabi niya.

"Na-naipagpaban ko na po siya eh. Pero talo po ako." Sagot ko.

"Walang natatalo sa tunay na nagmamahal." Tanging sagot niya.

Tumigil ang taxi. "Oh andito na pala tayo." Sabi niya. "Mag iingat ka hija." Ngumiti ulit siya.

Bumaba na ako sa kanyang taxi at umalis na si manong driver.
At dahil hindi naman pwedeng pumasok ang mga taxi sa parang gubat na dadaanan ay mag lalakad nalang ako papasok. 2pm palang naman ng hapon, Kaya pa yan.

Ang sarap balikan ng mga alalang nangyari dito noon. Ang sarap sariwain ng lahat lahat.

Pag kadating ko sa spot na pinuntahan namin ni Kris noon ay ibinaba ko ang mga bag, libro at nag tanggal ako ng uniform ko. Gusto kong maligo, gusto kong maramdaman yung tubig galing sa ilog.

Buti nalang at may fit akong sando at may shorts ako sa ilalim ng palda ko.

Naalala ko pa noon si Kris, pumupunta lang daw siya dito pag nalulungkot siya. Pano ngayon? Magiging masaya na siya sa pamilya niya. Ibig sabihin di na siya pupunta dito.

Pero wag kang mag alala Bakan, siguro'y kung pwedeng araw araw pupunta ako dito.

Lumusong ako sa tubig. Lumangoy langoy ako. Nakakawala ng stress, sana pati tong depression ko matanggal din, sana yung sakit at lungkot na nararamdaman ko anudin ng ilog palayo.

Napalingon ako sa malaking bato kung saan nag dive si Kris noon. Kung saan isinigaw niya kung gaano niya ko kamahal. Lumangoy ako palapit doon at may napansin akong naka ukit sa bato.

I still love her

Sino kayang nag ukit nito? Si Kris kaya ang nag ukit nito? Nag aassume ako masyado. Siguro ay madami pang nagpupunta dito dahil ang ganda ng ilog na to.

Lumangoy na ulit ako papunta sa lupa para sana magbihis at umalis na ng may narinig akong paparating na kotse. Sht! May tao.

Binilisan ko ang paglangoy ng natanaw ko kung sino ang lalaking lumabas sa kotse ay napatigil ako sa pag langoy. Tumibok ng malakas ang puso ko. Anong ginagawa niya dito? Oh destiny stop playing games with me.

Natigilan din siya ng makita ako. Napatitig siya sakin, may kung ano sa mga mata niya. Galit, lungkot at sakit.

Ng umahon ako ay dumeretso agad ako kung saan naroon ang mga damit ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon