New School (Revised)

21.9K 402 23
                                    

Sana magenjoy po kayo sa chapter na ito. Ito na po yung pinaka simula so yeah...

♥♡♥♡♥♡

Jamille's POV

"Hello everyone... especially to the boys, I am Princess Jianne Bellatrix Cristoval the new Queen Bee here in U.A." sabi nung babaeng mukhang pok pok sa harapan, akala mo kung sinong maganda eh kung alam ko lang retokada yan.

Ako nga pala si Janelle Lianne Crisostomo, transferee dito sa U.A. pero mamaya na yan magpapakiala din naman ako mamaya sa harap eh.

Malakas ang pagbagsak ng pinto ng class room namin. Idagdag pa na gawa ito sa bakal. Talagang nakakasira ng ear drums.

"Miss Llanes!! You are lalte again. Hindi ka na lang natuto. Hindi ka man lang ba nahiya!?" sermon ng Professor naming matandang dalaga, pano ko nalaman? Eh matindi pa ra armalite kung rumatatat eh kala mo kagandahan mukha namang witch!

"Go to your seat..."kung minamalas nga naman, sa tabi ko lang may mga bakanteng upuan. Witch talaga! Isiniksik ko na lang yung mukha ko sa mga braso kong nakalapag sa mesa. Mabuti pa at matulog na lang ako.

Grabe naman kasi eh yung feeling ba na kalilipat niyo lang ng tirahan tapos malaman laman ko naka enroll na pala ako. Edi nganga!

Ilang minuto kong inenjoy yung katahimikan hanggang sa napatalon na lang ako sa gulat.

Nak ng tokwa naman oh!? Kung kailan makakatulog na ako eh! Saka naman kakalabog yang pintong yan!!

"Ah, kayo ba ang mga late enrolees?" Iba rin eh kanina ang sungit sungit. Ngayon naman kala mo anghel. Pare parehas lang naman kaming mga estudyanteng nagbabayad ng tuition para makasweldo siya. Hambalusin ko yan eh. Tsk. Iba na talaga pag pinagiinitan.

"Opo Mam..." naramdaman kong lumapit yung dalawa papunta sa tabi ko, ano pa ba ang magagawa ko eh kahit gustuhin kong mapagisa kakaunti lang yung upuan dito sa class room at sa tabi ko na lang yung wala pang nakaupo maliban dun sa sinermonan ni Witch.

Tumayo yung katabi ko kanina na Llanes ang apilyedo siguro siya na yung magpapakilala.

"Ako po si Gelica Llanes, 19 years old." Pumunta na siya sa upuan niya, ibig sabihin ako na.

Tss. College na kami, bakit pa kailangan magpakilala? Elementary teacher siguro to, o kaya naka topak lang kaya ganyan.

"Ms. Crisostomo, pupunta ka ba sa harapan o ililipat kita ng section?" Kababaw naman itong matandang dalagang to. See what I mean nung sinabi kong witch siya? Tsk tsk tsk.

Pikit mata akong pumunta sa harapan ng klase. Ayoko na talaga dito sa school na to. Bakit pa kasi ako nilipat nila Tito at Tita.

"Jamille Crisostomo, 20." dumeretso ako sa upuan ko pagkatapos.

"I'm Chloe Mae Manalo, 19" isang matamis na ngiti ang ibinigay niya, maputi siya at matangos ang ilong rosy cheeks din at maganda ang hubog ng katawan, bagay sakanya yung suot niyang maroon na sleeveless hoodie at tight jeans. Nakasuot din siya ng black ankle boots.

"I am Clea Mae Manalo and please be good to me." May pagkaisip bata siya kung di lang siya maganda nakakasuya na siyang tignan. Naka pink and black striped blouse siya na medyo mahaba, naka fitted jeans din siya na kulay purple at ankle boots na white.

Since last na siya si profesor witch naman ang nagpakilala. Kahit hindi ko gustong pakinggan. Nagalala ako na baka ipatapon ako nito sa lower section pag hindi ko siya tinignan.

"Ako si Ms. Mariana Julios at ako ang magiging bantay niyo for the rest of the academic year." What!? The hell! So pagtitiisan namin ang mukha at ugali ng witch na yan buong year!?

"Okay, ngayong magkakakilala na kayo, enjoy the rest of your day." Yes naman!! Sa wakas! Akala ko talagang kasumpa sumpa na tong school na to eh.

"Uhm, ate?" Bulong nung babae na kanina pa nangangalabit saakin.

"Can we be friends?" Patuloy siya sa pangangalabit saakin. Hindi ko pinapansin. Pero tuloy tuloy pa rin siya sa pangalabit.

Tinignan ko siya, mukha siyang maliit para sa isang college student pero okay naman, naka suot siyang white semi crop top, black tank top sa loob, white fitted jeans, red converse at cap na baymax.

"Umm, s-sige." hindi ko na siya matanggihan tutal naman eh magsasawa rin siya saakin. Sanay naman na ako doon eh.

"Cool!" Okay now... i do regret. Tsk.

♥♡♥♡♥♡

Tapos na ang first chapter! Sana naenjoy niyo.

Vomment and Share.
-PinkPoisonYanna♥

The Empresses' Academy (REVISED)Where stories live. Discover now