Unexpected (Revised)

4K 87 6
                                    

Jewel's POV

"H-hindi pa Kambal... hindi pa tayo kumpleto." Sabi ni Crystal saka umakyat ng hagdan. Narinig namin ang pagbagsak ng pinto. Malamang magkukulong nanaman yun.

"Haaay... ano ba yung sinasabi ni Ate na hindi pa kami kumpleto? Ako, si Ate, si Mom, si Dad... sino pa ba? Wala naman kaming alaga dati ah..." sabi ni Charm habang kinakamot ang ulo. Kung ano ano na naman ang iniisip niya.

"Hay nako Charm... wag mo nang pasakitin ang ulo mo sa kakaisip ng kung ano sa sinabi ni ate mo. Alam mo naman na maraming alam yon na hindi natin alam." Sabi ko na lang. Alam ko kasing proproblemahin niya lang iyon hanggang sa hindi niya malaman ang totoo.

"Sabagay. Sige ate. Sasakit lang ang ulo ko dun pag inisip ko pa yung mga iniisip niya. Nga pala... akyat muna kami sa taas ni Alexander my heart and soul. Kyaaah! Landeee." =___= tsss baliw.

"Tsss. Sige na umalis ka na! Para kahit papaano naman matahimik ang mundo namin." Sabi ko.

"Kami rin. Dun muna kami sa lab ni maylabs. Namiss ko na rin kasi yun eh. Ikaw rin! Hindi ka pa yata nakakaakyat sa 3rd at 4th floor simula nung dumating tayo dito." Sabi naman ni Gem at ginamit yun Elevator pababa sa basement.

May limang floors ang Emperia. Yung basement ay yung lab nila Gem. Yung first floor ay kungsaan yung living room, kitchen, dining room etc. Sa second floor ay yung mga kwarto namin. Sa third floor naman nakalagay yung mga weapons namin at yung iba pang gamit na natapos nang imodify ni Rio. At sa fourth floor naman yung training and assesment room. May elevator sa Emperia pero ginagamit namin yung hagdan pag aakyat lang naman mula first floor hangang second.

Tama si Gem. Hindi pa nga ako nakakaakyat sa third and fourth floor. Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw.

"Ellaine! Bakit ka naka pikit sa sofa!? May sakit ka ba!? Saan!? Wag mo muna akong iwan!!!-" hinampas ko siya ng medyo malakas lakas para matauhan.

"Baliw! Pwede bang nagpapahinga lang ako!? Tsss. Dun muna ako sa kwarto ko." Bakit ko ba mahal yung alien na yun? Tsss.

Dibale na nga!

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Wala naman kasing bago dito sa Emperia. Wala pa akong magawa. Haaaay.

Saan ba magandang magpunta ngayon... sa U.G.! Tama!

Nagpalit ako ng damit. Isang green sports bra at black leather vest. Nagsuot naman ako ng black leather jeans at ankle boots. Nagsuot din ako ng isang itim na face mask na natatakpan yung ilong at bibig ko. Nagsuot ako ng itim na leather gloves na walang daliri at hanggang wrist ko lang. Tinali ko yung buhok ko sa isang messy bun saka lumabas.

May daanan mula dito sa Emperia papunta sa U.G. na kami lang nila Crystal, Charm at Gem lang ang may alam.

"Giann. Punta lang ako sa U.G." Sabi ko at saka dumirecho sa may shelf sa ibaba nung double staircase.

"Ha? Eh san ka dadaan? Wala namang daan jan eh!" Sabi niya habang naka pout.

"Meron. Hindi niyo lang alam." Sabi ko saka tinulak yung shelf. Hindi siya automatic para kahit palit palitan yung libro dito hindi mabubuksan.

"Hanggaling! May ganyan pala!" Sabi niya at pumalakpak. Tsss.

"Oo na. Sumunod ka na lang kung sasama ka." Sabi ko at tinulak pabalik nung nasa loob na ako.

Binuksan ko yung ilaw gamit yung tablet ko na inupdate ko nung isang gabi.

"Hello Empress." Then and there I saw the least person I thought I would see that day.

♥♡♥♡♥♡

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥

The Empresses' Academy (REVISED)Where stories live. Discover now