Love Is Not Over (Revised)

2.9K 61 1
                                    

Third Person's POV

Magkakasama ang mga magulang nila habang nakikipaglaban. Kasama nila ang ibang mga estudyante sa pakikipaglaban.

Unti unti nang nauubos ang mga kalaban nila. Pero hindi maikakaila na may mga tama rin ang ilan sa kanila.

Hindi naman kritikal ang kanila. Pero hindi ganoon ang lagay ng ilang mga estudyante na unang sumabak sa laban.

"Ezekiel Kim... nagkita rin tayong muli." Nakangising sabi ng isang babae na palapit sa kanila.

"Sino ka?" Tanong nito sa babae na walang iba kundi si Jelina.

Kasama nito ngayon ang asawa na nakilala agad ni Ezekiel bilang si Joseph Montez. Isang makapangyarihang Yakuza boss nung kapanahunan nito. Pero hindi kasing lakas ni Grim at na hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinakamakapangyarihang Yakuza boss sa buong asya. At malayo rin kay Zendrik na pinakamalakas naman sa buong Europa at sa U.S.

"Nakalimutan mo na ako kaagad Ezekiel? Ako lang naman yung babaeng nagmahal sayo na inanakan mo at saka iniwan na lang basta basta pagkatapos mong kunin ang anak ko!" Makikita sa mga mata nito ang galit. At iba pang emosyon na naghalohalo na sa mga mata niya. Tulad na lang ng lungkot at... pagmamahal.

"At ako Ezekiel. Nakalimutan mo na ba? Ako yung batang lalaki na siniraan mo ng buhay ng patayin mo ang aking ama at ina sa mismong harapan ko." Sabi naman ni Joseph. Inalala niya ang mga nauna niyang mission at nagbalik ang kanyang alaala noong nasa 14 years old pa lang siya. Pinatay niya ang isang kilalang Yakuza boss noon na nakilala sa pagbebenta ng mga illegal na baril at drugs na sa totoo lang ay hindi naman masama sa mundo nila. Pero maskilala kasi ito sa panggagahasa at paghuhuman trafficing na itinuturing na hindi na tama sa mundo nila. Hindi na kasi tama sa kanila ang pagdamay sa mga inosenteng tao.

"Hindi naman dapat mamamatay yung nanay mo. Humarang kasi siya eh. Kaya natamaan siya." Sagot nito ng may ngisi. Kahit na iniisip pa rin niya si Jelina.

"Walang hiya ka!-" napatigil ai Joseph sa akmang pagbaril sakanya dahil binaril ito ni Jelina sa ulo na ikinagulat ng lahat ng nakakakita sa nangyaring iyon.

"A-anong? B-bakit?-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nagsalita si Jelina na lumuluha na.

"K-kasi mahal kita... mahal pa rin kita hanggang ngayon Ezekiel. Balikan mo na ako. Iwan mo na si Ellaine. Kakalimutan ko lahat nang iyon." Sabi nito.

"Pagkatapos mong sabihin na inanakan kita? Alam mo na mahal ko na si Ellaine ng mga panahon na iyon. Binigyan mo ako ng tubig pagkatapos ng practice game namin at ako naman si Tanga kinuha ko iyon at ininom. Yun pala pipikutin mo lang ako? Nakakaawa ang mga katulad mong desperada Jelina." Sabi ni Ezekiel sa babae.

"B-bakit mo kinuha saakin si EJ?" Tanong nito na nakaluhod na sa lupa na nagiligan na ng dugo ng asawa.

"Dahil alam kong hindi mo naman siya mamahalin at ginamit mo lang siya para makasama ako. Pero hindi kasi ganoon ang pagmamahal Jelina. Youre not even inloved with me. You mistook your obsession for me as love." Sabi nito.

Tinignan lang ito ng babae at nagsalita.

"Salamat... thank you for making me realize that. After 25 years only now I have realized that. Thank you... and Im so sorry. I hope someday you will forgive me. Please take care of EJ."

*bang*

Napayuko na lang sila dahil tinapos na nito ang sariling buhay.

♥♡♥♡♥♡

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥

The Empresses' Academy (REVISED)Where stories live. Discover now