Coffee (Revised)

3.6K 82 4
                                    

Giann's POV

Nakaupo kaming lahat sa Kwarto ni Amy. Tanggap ko na hindi ko siya kapatid at ganon din kay Jianne.

Hahimatay si Amy kanina. Buti na lang at nasalo siya ni Jianne, Tita Emerald at Tita Ellaine.

Katabi ni Momsy si Dadsy. Nakaupo sila sa tabi ng kama ni Amy kung saan siya nakahiga. Habang sa kabilang gilid naman si Tita Christene at Tito Allegro.

Katahimikan...

Walang ibang marinig kundi ang katahimikan sa loob ng kwarto. Sabi ni Rio kanina shock at stress lang daw ang sanhi ng pagkahimatay ni Amy. Ako ang nagdala sa kanya dito sa taas. Hindi kasi magkasundo si Tito Allegro at Dadsy kung sino sa kanilang dalawa ang magbubuhat sakanya.

Hindi naguusap si Tita Christene at Momsy. Cease fire yata sila dahil sa nangyari kay Amy.

Hindi ko naman kasi masisisi si Momsy dahil pati saakin naman ay napamahal na si Amy. Pero may pamilya siya eh. Pamilya na matagal na siyang hinahanap.

Hindi namin tinago si Amy kung iyon ang iniisip niyo. Sabi ni tito Allegro pinakalat daw sa buong bansa yung picture ni Amy. At hindi talaga namin nakita iyon. Oo nabalitaan namin na nawawala nga ang anak nila pero hindi namin alam na si Amy yun. Amielette naman kasi yung sinabing pangalan sa balita.

Nasa U.S. kami noon. Dun kasi madalas sina Momsy dahil sa Business kaya isinama na nila kami.

"Ummh..." napalingon ako sa higaan ni Amy nang marinig lo siyang umungol. Hindi lang pala ako ang lumingon. Silang lahat din pala.

Umupo siya sa kama. Inalalayan naman siya ni Charm.

"M-mommy... M-momsy... W-where am I?" Tanong niya.

"Youre in your room Amy."
"Sa kwarto mo Kzyrielle."

Sabay na sabi nila Momsy.

"Uhmm... bumaba muna tayo. Lets have some drinks down stairs." Sabi ni Jewellaine. Oo Jewellaine muna. Ang weird kasi kung tatawagin ko siyang Ellaine kung nandito si tita Ellaine diba? Diba!? DIBAAA!!?

Anyway. Sumangayon naman silang lahat. At lahat kami ay bumaba. Inalalayan ko si Amy pababa ng hagdan dahil mukhang hindi niya pa kayang tumayong magisa ng tuluyan.

"S-salamat k-kuya..." napayuko naman siya at napa ngisi lang ako.

"Ano ka ba? Kahit iba ang mommy mo. Kuya mo pa rin ako! Hindi naman tayo others diba?" Sabi ko na ikinangiti naman niya.

Dumiretcho kami sa labas ng Academy. Sumakay kami sa kanya kanyang sasakyan.

Si Satana at Jianne dun sa Mettalic Black 2013 Porche 911 Carrera niya.

Kami ni Amy sa Lambourgini Gallardo Spyder ko.

Sina Sataniel at Crystal sa Lambourgini Venenom Spyder niya.

Chevrolet Corvette Zora naman kina Charm at Xander.

At dahil tinatamad na akong sabihin yung iba. Isipin niyo na lang na sobrang gagandang sasakyan ang nag convoy papunta sa coffee shop sa tabi ng School.

Pagkapasok pa lang namin sa Coffee shop napatingin na saamin lahat ng tao sa loob.

Kay Rio itong Coffee shop. May pagaari pa siyang isang bar dito sa lugar namin pero hindi naman kami madalas magpunta dun... si Sataniel lang.

Nagseserve sila dito ng iba ibang drinks. At masarap lahat. Hindi lang naman kkasi Chemicals at liquids ang pinaghahalo ni Rio. Ipinangalan niya ito kay Gem.

'Gem's Coffee Shop'

Too common? Yah.

Pinagawa niya ito nung nawala sina Gem kaya hindi na nila ito naabutan. Parang yung Academy Hall.

"Amy... what do you like?"
"Kzyrielle anong gusto mo?"

Heto na naman sila. Haaay. Atleast may Cease fire diba?

"Eto baby... Vanilla Fresh Milk Frappe. Mahilig ka ng gatas noon. Masmarami pa nga ang naiinom mo kaysa kina ate mo noon eh." Sabi ni Tita Christene habang nakangiti at tinuturo yung menu.

"Eto Anak diba eto na yung mas gusto mo... Iced Jasmine tea. Nahiligan mo ito noong nagpunta tayo sa Japan?" Hindi ko atam kung magaalala pa ako na magaway si Momsy at Tita Christene. Natatawa talaga ako. Para kasing pinagaagawan nila si Amy. Sabagay pinagaagawan nga nila pero parang hindi dalaga yung pinag aagawan nila. Parang isang bata.

Tapos ang pinangsusuhol pa nila Jasmine Tea at Gatas. Eh ang alam ko pinaghahalo niya yung dalawang yun eh. Milk tea daw. Masarap naman.

"Kzymi! Eto oh kape. May gamot akong inihalo jan. Para gumaan ang pakiramdam mo." Sabi ni Rio kay Amy. Nasa Counter na siya at naka Apron at nagmimix ng drinks nung mga nakaorder na. Teka Kzymi? Kzyrielle at Amy! Ang galing!

"Salamat." Sabi ni Kzymi. Haha simula ngayon Kzymi na ang itatawag ko sa kanya.

"Kzy!! Simula ngayon Kzymi na ang itatawag namin sayo!!" Sigaw koo habang nakaturo kay Kzymi.

"Kzymi?" Takhang tanong niya. Napatingin naman saamin yung ibang tao sa loob ng Coffee shop.

Naglalakad kasi kami papunta sa isang private Room.

"Oo Kzymi! Hihihi..." sabi ko at tumakbo palapit kina Jewellaine.
"Guys! Simula ngayon... Kzymi na ang itatawag natin kay Kzyrielle ngayon ha!" Sabi ko habang malawak ang ngiti.

"K."
"Sure!"
"Fine..."
"Whatever you say Kuya."
"Cool! Kzymi!"
"Astig Bro"

Sagot ng ilan habang yung iba naman ay tumango lang at yung iba no pansin.

Yey Kzymi!

♥♡♥♡♥♡

Vomment and Share!
-PinkPoisonYanna♥




The Empresses' Academy (REVISED)Where stories live. Discover now