CHAPTER 59: War of the Underworlds 2 Final Blow

36.5K 767 61
                                    

CHAPTER 59

C/N: sorry of the typo-errors. It was kinda rush. sa 2016 ko na lang ipopost yung edited ud:) please enjoy:)




Outside the GUC:

Kahit papaano ay nagagawang tapatan nina Elle ang lakas ng Bolsheviks sa labas ng GUC. Nagkalat na ang napakalaking bilang ng mga bangkay at naghihingalong katawan sa paligid. Paubos narin ang bala nito kahit pa man kompleto siya ng armada nang dumating siya sa lugar na iyon. Masyadong napaghandaan ng Bolsheviks Mafia ang labanang iyon kaya't tagilid talaga sila.

"Shit!" Nasabi na lamang niya nang tuluyan maubusan nang bala ang dalawang baril niya. Wala narin siyang extrang na bala. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar. Muli siyang napamura sa isipan niya at agad siyang dumukmo nang may nagpaputok sa kanyang direksyon.

Kinabig niya at sinaksak ng dala niyang combat knife ang isang miyembro ng Bolsheviks at agad na ginamit bilang pangharang sa mga nagpapapaputok sa direksyon niya. Nang tumigil ang mga ito ay agad nitong kinapkapan ang hawak niyang katawan at may nakuha siyang ilang magazine ng baril mula rito at isang pares ng pistol. Huminga ito ng malalim tsaka nagkasa at bumalik na siya sa dating ginagawa.

She can't risk herself into close combat especially in the midst of this war. Alam niyang hindi lahat ng nakakalaban niya sa gabing iyon ay baguhan, she needed to be more careful. Hindi niya maaaring hayaang mapahamak ang kanyang sarili dahil alam niyang kapag nangyari iyon ay mawawasak na naman ang puso ng kanyang minamahal.

Sa kabilang banda ay abala parin sina Sabrina, Venice at Sheila sa kani-kanilang mga kalaban. Hindi naman nila maipagkakaila na sadyang malakas ang ilan sa mga ito at dagdag pa na halos karamihan sa mga nakakasagupa nila ay mga lalake.

"Aahhh!!!" Napasigaw at nawalan ng ulira't ang isang assassin dahil sa sobrang sakit at hapding naramdaman nito nang sinaksak ni Sheila gamit ang kanyang paboritong katana. Isang katana na mas gugustuhin mo pa sigurong mamatay ng biglaan kaysa sa madaplisan lamang nito, it's full of different painful chemicals and poisons.

"I will never really dream of becoming your enemy Sheila." Nakangising turan sa kanya ni Venice habang abala sa pagbato ng ilang shurikens sa leeg o mukha ng mga sumusugod sa kanya tsaka muli ay hihilain dahil may matibay na sinulid na nakakabit sa mga ito.

"Oh, shut up Venice. Nakakaboring na rito. May mas thrill pa nang yung nerd na kalaguyo ng kapatid ni Sab ang sinaksak ko. Atleast siya ay nagawa pang pagtawanan ako at hindi nawalan ng malay." Bagot na sagot nito sa kaibigan.

"Tss, stop chatting guys. Can't you see? Mahihina nga sila, hindi naman maubos-ubos ang bilang ng mga sumusugod. Arg! Bakit pa kasi ako nagpaiwan dito sa labas!" Sigaw naman ni Sabrina bago binaril sa mukha ang isang lalaki sabay saksak naman sa isang sumugod sa kanya galing sa likod nito.

"Tss, desisyon mo yan. Pagdusahan mo! I can't believe na panglabas na lang pala ang beauty ko ngayon!" pinandilatan ng mata ni Venice si Sab.

"Tss, gayahin niyo na lang si Elle. Nananahimik oh." Sita ni Sheila sa dalawa.

"Hmn, I can say that she's good. Hindi ko kasi siya nakitang makipaglaban nun sa Japan." Sabi naman ni Venice nang magawi ang tingin nito sa direksyon ni Elle na abala parin sa pagbaril sa kalaban.

"Tss, mali kayo. Can't you notice the flaws on her skills? Magaling siya sa range but her close combat skills is too poor! Yan lang ba ang kakayanan ng future ruler natin? Kung oo, puwes dito palang ay papatayin ko na siya para si Demon Princess na lang ang makatuluyan ng kapatid ko." Iritang turan ni Sabrina. Hindi niya kasi masigurado sa kanyang sarili kung tama ba ang napansin niya rito. The confidence of the Elle she knew is off and most especially, nanibago siya dahil baril ang hawak nito ngayon gayong puro blades ang nakukwento ng kapatid niya na madalas na dala ng babae.

DEMON PRINCESS-The Gangster QueenWhere stories live. Discover now