CHAPTER 4:The Kidnapping

56.9K 1.3K 29
                                    

CHAPTER 4: The Kidnapping

*

KEITH'S POV:

I was on my way home when I noticed that someone is following me. But I can't help but to feel disappointed, they are too obvious. Sabagay kahit naman maraming tao ay mapapansin ko kung may nakasunod sa akin kahit pa man malayo ito.

Binilisan ko na lang ang aking paglalakad dahil wala ako sa mood na pag-aksayahan ng panahon ang mga tulad nila.

Ilang metro na lang ang layo ko sa aking tirahan nang may biglang tumakip sa aking ilong. Papalag pa sana ako pero nahilo ako sa masangsang na amoy na mula sa panyo. Sunod na nakita ko ang ilang lalake na nakapalibot na sa akin then everything went black.

*

Nagising ako na nakatali sa silya pero hindi naman masyadong mahigpit. Siguro ay minamaliit nila ako dahil lamang sa ako ay isang babae. Tss, stupid kidnappers.

Inilabot ko ang aking mga mata sa paligid. I think I'm on a warehouse, mukha kasing bodega yung lugar at saka malawak at may kakaibang masangsang na amoy pa. Tsk, Filipino style nga naman. Everytime ba na may ikikidnap talagang kailangan sa bodega lagi nilalagay?

Napansin naman ng isa sa mga nagbabantay sa aking lalake na gising na ako kaya tinawag niya ang mga kasamahan niya.

"Boss, gising na siya." tawag niya sa isang matangkad na lalake na may suot na maskara kaya lumapit sa akin which is maybe their leader.

"Saang pamilya ka galing?" The man asked in a deep voice. He's trying to scare me. As if naman matatakot ako sa kanya. Sa kamatayan nga hindi ako takot sa kanya pa kaya.

Di na lang ako sumagot, I am thinking of a way to get out of the place. Nangangati na ako, dagdag pa na medyo mainit at mabaho ang lugar na pinagdalhan nila sa akin.

"Boss pipi ata 'to, paano tayo makakakuha ng ransom sa pamilya nito kung di yan magsasalita?" singit naman ng isang lalaki sa kanilang boss. Napailing na lang ako. Angkitid naman ng utak nito, porke't ayaw sumagot pipi na agad?

So ransom pala ang habol nila. Tsk. Oo nga naman, I am studying at El Greco University na puro mayayabang este mayayaman ang mga mag-aaral. Pero tanga ba sila? Saan ka ba nakakita ng mayaman na mag-isang naglalakad pauwi?

Tss, isn't it obvoius na wala silang mahuhuthot sa akin sakaling manghingi sila ng ransom? Ay, oo dahil isa akong El Greco. Mayroon pala pero as if naman hahayaan kong mangyari ang bagay na iyon.

"Pipi ka ba?" tanong nung boss nila sa akin.

Tumango tango na lang ako bilang pag-sang-ayon. Go with flow na lang ako sa katangahan nila. Dapat di ko na 'yon tinatanong sa sarili ko kanina pa. Halatang halata sa mga kilos nila.

"Kalagan niyo sya, di yan makakalaban sa dami natin. She's just a mere girl." Aba, umi-ingles ang boss nila ah! Siya lang ata ang medyo may utak sa kanila.

Mabilis na tumalima ang mga tauhan niya at agad na kinalagan nila ako sa pagkakatali which is their biggest mistake. Mga tanga, di ba nila alam ang mga katagang 'Never put your guard down'? Oops. Let's make that saying simplier. 'Bawal bobo!'

Nagkita kong nagpalitan muna sila ng tingin muna bago ako inabutan ng papel at ballpen na sa tingin ko ay galing sa mga gamit ko. Tss. Anong gagawin ko dito? May ibibigay ba silang quiz sa akin? May lecture ba?

"Isulat mo dyan ang contact number ng pamilya mo kung gusto mo ng umuwi at kung ayaw mong masaktan." utos nila sa akin pero hindi ako sumunod at sa halip ay tumayo ako. Sino ba naman kasi sila para sundin ko, ano sila sinuswerte.

DEMON PRINCESS-The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon