Sinend ko ang mensahe ko kay Felix bago muling hinarap ang salamin upang makapag-ayos ng mukha. I find myself smiling from the mirror. Ewan ko ba pero kinikilig ako ng sobra kay Felix. He's so sweet, kind, gentleman, fabulous and adorable. Gods. Oras-oras niya akong kinakamusta kahit nasa trabaho siya. Although dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Hectic kasi ang schedule niya. Minsan pa kasi ay madaling araw siyang nag tratrabaho. Mabuti na nga lang at hatid sundo sila ng bus ng Holcim. Kung hindi ay mag-aalala ako ng sobra kung magmamaneho pa siya kahit pagod sa trabaho.
Felix:
Don't wear make up, please, Rosalyn. Masyado kang maganda kapag may kulay ang mukha mo. Mas gusto ko iyong simple.Napahagikhik ako.
Ako:
Felix, required to. Dapat presentable akong papasok sa trabaho. I'm the Dean's secretary.Felix:
Tss. Okay. I missed you :(Ang bilis lang talagang magbago ng isip niya at sinusunod niya ako kaagad. Napangiti ako. Isa pa ito sa minahal ko sa kanya. Hindi siya masyadong mahigpit, though, pinagbabawalan niya ako minsan. So lovable!
Ako:
Missed you too :) See you tomorrow? Mag-aayos na ako at baka malate ako sa trabaho.Felix:
Okay. See you tomorrow then. I love you, Rosalyn. Mwah!Tumawa ako sa huling salitang nabasa. Nag apply ako ng foundation sa mukha. Konti lang ang linagay ko. Parang ang bigat kasi ng muka ko kapag makapal ang linalagay ko. At isa pa ay hindi pa ako masyadong maalam sa pagmamake-up. Kung hindi pa ako tinuruan ng pinsan kong si Carmina ay hindi na makakatakim ng make up ang mukha. Except special events na required talagang mag make up.
Hindi naman kasi talaga ako nag mamake up. Ngayon lang nag katrabaho na ako. Noong college days ko ay polbo lang ang linalagay ko sa mukha. Hindi naman ako nacoconscious sa mukha ko. Sa katunayan ay wala akong pakialam kung namamawis ang mukha ko. Lalagyan lang ng polbo ayos na. Not until 'he' entered my life. Natutunan kong mag-ayos at mag damit ng mga pang dalaga. Jeans and shirt will do. Not until I met him. Winaksi ko ang ulo ko. Ba't ko nanaman ba iniisip ang gagong 'yon? God, Rosalyn.
"Kapatid," napatingin ako sa pintuan ng bigla na lang pumasok ang magaling kong kapatid. Naka boxer lang siya at hawak hawak ang dalawang damit na nakahanger.
"Kuya Ronnie, uso kumatok." tinaasan ko siya ng kilay. He just gave me his boyish smile.
"Chill," tinaas niya ang hawak. "What do you think? Anong mas bagay saakin? Red or white?" linapitan ko naman siya at hinaplos ang V neck shirt niyang hawak.
"Parehas lang naman 'yan, a. V neck shirt."
"Does red and white the same?" inikutan ko siya ng mata ng pilosopohin niya ako. He grins at me.
"Parehas namang V neck shirt 'yan. And, lahat naman ay babagay sa'yo."
"Thanks, Rosalyn, you really helped me. A lot." napangisi ako ng ikutan niya ako ng mata at tinapat ang damit sa katawan niya.
Totoo naman kasi ang sinabi kong babagay sa kanya kahit anong klase ng kulay. Mapuputi kasi ang lahi namin at namumula ang balat namin kapag naiinitan. Atsaka ang weird naman kasi ng tanong niya. Papiliin ba naman ako sa dalawang V neck shirt na mag kaiba lang ang kulay.
"Saan ka ba pupunta? At bakit ka umuwi? Wala kang trabaho sa Manila?" He works as a Graphic Artist in a Publishing Company. Minsan naman ay binabayaran siya upang mag edit ng mga commercial videos. Nagtataka nga akong kung bakit siya umuwi e ang dami niyang kliyente.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...