Naka ilang dial na ako sa number ni Samson ngunit hindi parin niya ito sinasagot. Pagkalabas niya ng kwarto ko kanina ay mabilis kong inayos ang sarili at sinundan siya ngunit nakaalis na ang sasakyan niya. Napabuntong hininga ako at nag iwan na lang ng mensahe sa kanya.
Ako:
Call me when you read this. :(Sinilid ko ang phone sa bag ko at tumingin sa labas. Pupuntahan ko parin si Felix kahit na alam kong magagalit saakin si Samson. He need to understand his situation dahil ako ang may kasalanan kung bakit nasaksak si Felix. Mamaya ko na siya susuyuin kapag malamig na ang ulo niya.
Dumaan ako saglit sa isang restaurant at nag take out ng pagkain. Mag tatanghalian na. Baka gutom na si Felix. Hindi pa man noon alam magluto pati si Phoenix. Nag tricycle na lang ako papunta sa bahay nila. Nasa labas pa lang ako ay amoy ko na ang mabangong pagkain galing sa bahay.
Sinong nagluto? Siguro ay si Tita Flor. Sa isiping makikita ko ang parents niya ay parang babaliktad na ang sikmura ko. Paano kong sisihin nila ako? Winaksi ko ang bagay na iyon sa aking isipan at tuluyan ng pumasok.
"Felix?" sambit ko.
Napatigil ako sa paglalakad ng maabutan sila ni Jairus sa may sala. Magkaharap silang nakaupo sa sofa. Nang mapansin ako ni Felix ay kaagad siyang tumayo at lalapitan sana ngunit ako na ang lumapit sa kanya.
"Dahan dahan. Hindi pa magaling sugat mo." inalalayan ko siyang umupo.
Tumayo si Jairus at linagay sa lamesa ang hawak niyang platong may pagkain.
"Rosalyn… I thought… mamayang hapon ka pupunta dito." anas ni Felix at nagpalipat lipat ng tingin saamin ni Jairus. Para siyang balisa.
"Sabi ko naman sa'yong babalik ako kaagad." ngumiti ako ng pilit.
Dumako ang tingin ko sa pagkaing nasa lamesa. Nagtataka kung sino ang nag luto. Nang mapansin ni Felix ang malagkit kong tingin sa pagkain ay kaagad niya akong hinila sa tabi niya at kinuha ang hawak kong paper bag.
"What's this?"
"Pagkain. Nag take out ako sa nadaanang restaurant. Pero mukhang kumain kana pala." lumipat ang tingin ko kay Jairus.
Ang tahimik niya. Wala man lang ba siyang sasabihin saakin? I don't want to be rude… pero sa pinapakita niya ay parang tumataas lahat ng dugo ko papuntang ulo. Does she like Felix? Ano siya sa buhay ni Felix? A friend? Kinagat ko ang ibabang labi. No. Hindi ito isang pagkakaibigan lamang. There's something between them at kailangan kong malaman ang bagay na iyon.
"Nagluto si Jairus… pasensya na, ang alam ko ay…" hindi na niya tinapos ang sasabihin at napabuntong hininga.
"Uhm… akin na 'yang hawak mo Felix. Ihahanda ko-"
"Huwag na," nginitian ko ng piliti si Jairus. She's still humble. "Ilalagay ko na lang sa ref. Pwede pa 'to hanggang hapon. Iinitin na lang."
"Hayaan mo na si Jairus, Rosalyn." binigay ni Felix ang paper bag kay Jairus at hinila ako sa sofa.
Hindi na sumagot pa si Jairus at mabilis na pumuntang kusina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at hinarap si Felix. Ang lungkot ng mata niya, at hindi ko alam kung paano papawiin ang lungkot na 'yon.
"She cooked? Nasaan sila Tita at Tito? Where's Phoenix?" luminga ako sa paligid upang iwasan ang titig niya ngunit hinuli niya ang baba ko.
"She's a good cook." naibagsak ko ang balikat. I just lose my self confidence. "Masarap magluto si Jai."
Jai. Jai. Jai. What's with her nickname? Kay lambing ng boses niya sa tuwing sinasambit niya ang pangalan nito.
"Talaga?" I sound amused.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...