Kanina pa ako hindi mapakali at tingin ng tingin sa relo ko. Mag tatanghalian na pero hindi parin tumatawag si Samson. Hindi naman niya sinabi saakin kagabi kung anong oras siya pupunta dito. Ayoko naman siyang itext dahil baka isipin niyang excited akong makita siya. Ni hindi ko nga siya nakita kaninang umaga dahil hindi niya hinatid si Talia.
Bumuntong hininga ako at sinandal ang ulo sa swivel chair. Naaatat na akong makita si Samson. Ang tagal naman yata niya! O baka mas inuna niya si Talia? Sa isiping iyon ay parang nilalakumos nanaman ang puso ko. Para akong number two at siya ang number one.
"Rosalyn, nasaan na ang dokumento? Kailangan ko na ngayon." napabalikwas ako ng tawagin ako ni Dean.
"Opo! Nandiyan na!" mabilis kong kinuha ang pinaayos niyang dokumento at pumasok sa opisina niya.
"Pasensya na po, Sir." napayuko at ngumiti ng hilaw.
"Mukhang gutom ka na at wala ka sa sarili. Bakit hindi ka na lang kumain?" anas niya at kinuha saakin ang dokumento.
"Mamaya na po, Sir, may hinihintay pa kasi ako."
"Ganoon ba… siya sige."
Lumabas na ako sa opisina ni Dean at bumalik sa lamesa ko. Sumimangot ako at inayos ang nagkalat na papel nang biglang tumunog ang phone ko. Sa sobrang gulat ay binitawan ko ang hawak, nag kalat iyon sa sahig ngunit hindi ko na pinansin pa at kinuha ang phone ko. Baka si Samson na 'yon!
Calling ST
Ang nabasa ko sa phone. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko bago sinagot ang tawag niya.
"Hello?" anas ko at pinulot ang mga papel sa sahig.
"Labas ka na, nandito na ako." binalik ko ang papel sa lamesa at nagpigil ng ngiti.
God! Nandito na siya! Excited man ay binahiran ko ng pagtataka ang tono ng boses ko. Syempre at iisipin noon na kanina ko pa siya hinintay. Tutuksuhin niya ako panigurado!
"Talaga?"
"Yeah… dalian mo. Iyong Ranger ang gamit ko. Bye."
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at binabaan ako ng tawag. Mabilis kong linabas ang salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko. Syempre at ayokong haggard ako sa paningin niya! Nag-apply ako ng konti pang lipstick at nag spray ng pabango. Baka naman isipin niyang pinaghandaan ko ang pagdating niya at nag paganda pa ako!
Bahala na nga, ang importante ay makita ko na siya. Lumabas ako ng opisina at halos takbuhin ko na ang daan palabas. Nang makita ko ang Ranger na itim ay linapitan ko na at kinatok ang bintana. Tumunog ang pinto kaya naman binuksan ko na at pumasok.
"Hi," parang nahulog ang bahay bata ko kasama ang panty ko ng masilayan ang napakagwapo niyang mukha.
Naka long sleeve siya ng kulay grey na may itim na neck tie. Naka tuck iyon, nakaekis ang kamay niya sa dibdib kaya naman umuubok na naman ang muscle niya sa braso. Ang macho niya!
"Hi," ganting bati ko. Nginisian niya ako at bigla na lang hinila, pinaupo niya ako sa hita niya at lumandas ang kamay niya sa bewang ko.
"Bango mo ah," sinighot pa niya ang leeg ko at pinanggigilang pisilin ang bewang ko.
"Hindi naman,"
"Oo kaya. Nag paganda ka pa ano? Kaya ka natagalan."
"Hindi nga! Kaninang umaga pa ito." pagsisinungaling ko at hinampas siya ngunit tinawanan niya lamang ako. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil nahuli niya ako.
"Okay, sabi mo, e." natatawa niyang sabi.
"Saan ka galing? Pormal na pormal ka yata ngayon?"
"Sa pier, may meeting kanina at inasikaso ko ang mga transactions ng mga barko."
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...