Kabanata 27

2K 44 3
                                    

"Akala ko ba mag dadate tayo? Papunta sa bahay niyo itong daanan." anas ko ng mapansing pamilyar saakin ang daanang tinatahak namin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Sa bahay tayo mag dadate."

"Bahay ninyo? Nanaman?" sumimangot ako at inirapan siya. Itinuon ko ang tingin sa labas ngunit tinawanan niya lamang ako.

Bakit sa bahay nanaman nila? I want a real date. Iyong lalabas kami at mamasyal… hindi iyong magkukulong nanaman sa kwarto niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko, e, ito naman ang lagi naming ginagawa noon. Ang salitang date para sa kanya ay pagkukulong sa kwarto niya, mag-uusap at maglalambingan hanggat gusto niya. Although gusto ko ang date para sa kanya, pero mas okay parin iyong lalabas kami.

Nang makarating sa bahay nila ay nakasimangot akong lumabas. Maganda ang bahay nila… hindi nakakasawang pagmasdan. Pero sana naman ay naisip niyang babae ako. May mga fantasies ako at mga bagay na gustong gawin kapag mag dadate.

"Why are you so sad?" ani niya at pinagsiklop ang daliri namin. Inirapan ko siya. Seriously, Rosalyn?
"Rosalyn, mag gagabi… hindi kita pwedeng dalhin sa labas. Kung sana kaninang umaga tayo lumabas." tinaasan ko siya ng kilay ngunit inismiran lamang niya ako.

"Ako pa ngayon itong sinisisi mo?"

"Hey, it's not like that." mas lalo akong sumimangot. Bahala siya! Kung ayaw niya sa set up naming ito ay ititigil na lang namin.

"Shit. Fine… babawi ako sa susunod na date natin, okay?" bahagya akong lumayo sa kanya ngunit hinila niya ako at inakbayan.

"Rosalyn, ngumiti ka naman. Ano ba ang gusto mo? Just fucking smile, okay? Mas maganda ka kapag nakangiti."

"Huwag mo akong bolahin!" tumawa siya at iginiya ang daanan.

"Hindi kita binobola, Rosalyn. I'm just saying the truth. Maganda ka, pero mas maganda ka kapag nakangiti."

Nanghina ang tuhod ko at hindi nakasagot. Uminit ang pisngi ko sa simpleng puri niya. Kita mo ang epekto sa'yo ni Samson, Rosalyn? Hinalikan niya ang buhok ko at mas humigpit ang akbay niya saakin.

"Na miss kita, alam mo ba 'yon?" sinulyapan ko siya. Seryoso lang ang mukha niya ngunit punong puno ng adorasyon. Nang hindi ako sumagot ay nginitian niya ako ng pagkatamis tamis at hinila sa kusina.

Kinagat ko ang ibabang labi at nagpigil ng ngiti. Pakiramdam ko liniligawan niya ako… well in f act, alam at kabisado ko na ang bawat galaw niya. How he utter a word is so genuine. Parang noong kami pa lang.

"Kumain ka na? You want to eat?" tumango ako. Pinaghila niya ako ng upuan, umupo ako doon. Napalunok ako ng maamoy ang aroma ng pagkain. Hindi ako nabusog sa kinain namin kanina ni Felix.

"How was your date?" umangat ang ulo ko. Tinignan ko siya ngunit nakatalikod siya saakin at may kung anong ginagawa sa sink.

"Uh, ayos naman."

"Ba't ka natagalan kanina? Hindi ka pa nagrereply, I thought hindi matutuloy ang date natin."

"Sorry, kailan ko pa kasing mag-isip ng idadahilan para iuwi na niya ako." lumapit siya sa lamesa at linapag ang pitsel ng juice.

"Where did you go? Anong dinahilan mo?" umayos ako ng upo.

"Nag mall lang kami, Samson. Sinabi kong, uh… may gagawin kami ni Daniela para sa isang even bukas sa school." tinungkod niya ang kamay sa lamesa at linapit ang mukha saakin. I can feel and smell his breath on my face. Ang bango, amoy mint.

"Mabuti at pinayagan ka niya?" tumango ako at umiwas ng tingin. Sobrang lapit niya! Naiintimidate tuloy akong kumilos at magsalita.

"Sa susunod siguro ay mag set tayo ng date. Iyong wala kang ibang gagawin para saakin ka ng buong araw."

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon