Chapitre 4

49K 615 78
                                    

Quatre

Tahimik ako habang dinig na dinig ang tili at tawa ng dalawa sa likod. Naririnig ko ang mga click ng mga phones nila.

"OMG! Nandito kami sa sasakyan ni Rafael De Guzman! OMG!" Tili ni Winona.

"Uy, Rafael... say hi naman diyan." Utos pa ni Blanca habang tinututok sa kaniya ang camera. I think they're recording. Binuksan pa nila ang ilaw na hindi humihingi ng permiso sa nagmamaneho kong kapatid.

Humalakhak si Kuya Rafael. "Uh... hello?" Makikita mong nagniningning ang kaniyang mata habang nakatingin sa daan.

"OMG! I still can't believe it." Tili ni Blanca.

Nilingon naman ako ng phone ni Blanca. "Ikaw din... mag hi ka naman." Ani Winona.

Mga baliw. Kumaway ako at ngumiti sa camera. Kung hindi lang talaga nila ito ipo-post sa Facebook o Instagram kanina pa ako nakasimangot at pinag-aaway na silang dalawa. Nakakahiya silang kaibigan!

Nang maihatid na sila sa kanilang mga bahay naging tahimik ang sasakyan. Nagmamaneho lang si Kuya pauwi sa bahay namin. Itinuon ko rin ang mga mata sa daan. Hindi na masyadong traffic sa EDSA dahil maghahating gabi na pero sa lane ng mga truck ay hindi mausog-usog dahil sa dami. Pagkauwi namin ay halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan.

Hindi rin gumalaw si kuya na parang hinihintay lang ako sa kung ano ang gagawin ko.

I have to apologize. Hindi ko dapat siya sinigawan. Mabait si kuya sa akin at intimate lang talaga siya. Yun lang 'yon. Pero alam na niya kung ano ang hinanain ko. Hindi ako magsosorry sa bagay na 'yon.

"I w-want to say sorry, I shouted at y-you." Utal kong sabi.

Nakayuko ako. Nilalaro ko ang aking mga kamay dahil nahihiya akong tumingin sa kaniya.

"Uh huh?"

"And I don't want you kissing me..." nakayuko pa rin ako na parang malaki talaga ang aking kasalanan, "and... and... I don't want to destroy your name. Maraming pwedeng makakita no'n. Marami kang tagahanga. Marami-"

"I get it. You don't want me to kiss you in public. I get it..." aniya.

"Kuya-"

"I get it. Pasok na tayo. I'm tired, Rafa."

Nahulog ang aking panga. Hindi ako sigurado kong nakuha ba niya ang sinabi ko. Halos pandilatan ko siya o pagsabihan sa opinyon ko pero hindi siya makikinig. What the freaking hell?! Iniwan niya ako sa sasakyan at pumasok.

End of story.

End of talk.

Okay na kami ni Kuya Rafael. 'Yon ang alam ko pero ang hinanain ko ay hindi niya dinidinig.

Sa sumunod na araw, late akong nagising. Ngunit dito pa lang ay nalalasap ko na ang bango ng agahan. Dad's home! Mabilis ako bumangon. Nagsipilyo. Nagbihis. Naghilamos. I feel so excited!

Paglabas ko ng kwarto, kalalabas lang din ni Kuya Rafael na bagong gising. Ni hindi man lang naghilamos at nagbihis. He doesn't really care about his image when he's at home. Nakaboxers lang ito at suot ang kaniyang magulong buhok. What a sight for a morning.

Nagkamot pa ito sa loob ng kaniyang boxers. At doon dumapo ang mata ko. What's he scratching there? Inangat ko ang tingin sa mukha niya. Wala siyang pakialam!

"Dad's home." Sabi ko.

He yawn. "Good morning..." bati niya.

"Baba na tayo," sabi ko at hinila na ang tamad kong kuya.

My Brother is Nasty (Nasty Series #1)Where stories live. Discover now