Chapitre 1

92.3K 1K 184
                                    

Un


Friday, labasan na namin. I'm Grade 10 now. Patakbo akong lumabas ng campus namin para salubungin ang aking boyfriend. Nasa ibang school siya na malapit lang sa school namin. He's in college now.

"Hey, babe! Kanina ka pa?" Tanong ko.

Tumango lang siya. Para naman akong natigilan doon. He used to be charming and alive kapag nagkikita kami. Lagi siyang may dalang pagkain para sa akin. At wala siyang dalang bibimbap ngayon. Kinabahan agad ako sa pinapakita din niyang hitsura sa akin.

"Okay ka lang, babe?" Hinalikan ko siya sa pisngi.

We never kiss sa lips. Nagkasundo kami sa ganiyang set-up. I was happy dahil bago kami ni Freud, I've known him as a big asshole ng school nila. Lahat ng nagiging girlfriends niya ay natikman niya na. Kaya noong niligawan niya ako ay basted agad.

I took it as a challenge for him. Challenge lang ako dahil bata pa ako. Well, I'm just 15 and that's too young.

He changed. He made a rule himself. No sex before marriage.  No momol.  No overnights. Marami pang do's and don't ngunit nalagpasan niya 'yon lahat. I am really proud of him. Kaya naman ay umabot kami ng three months.

Nakatingin lang siya sa akin at ako din pinag-aaralan ko ang kaniyang mukha. Ilang sandali, pumikit siya at huminga ng malalim.

"Let's break up." Freud said.

Natulala ako. Ano daw? Come again? I heard it all wrong.

"Eh?" It sounds like easy to him so I took it as a joke.

Nakita kong umiwas siya ng tingin pero hindi nakatakas sa akin kaniyang ang nagbabadyang luha. What is happening now? Kumalabog na ang puso ko.

"We are over Rafaela." Matigas nitong sabi.

Sa sakit ng naramdaman ko hindi na nakayanan ng mata ko, nahulog agad ang luha ko. What the hell is happening? Why is he breaking up with me? What is this all about now? May nagawa ba akong mali o anuman? Bumubuo ako ng mga sasabihin sa utak ko ngunit isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"W-Why?" I cried.

Lumunok siya at nagmura. Tsaka ito nagsalitang muli, "I realized I don't like this set-up. You know my dedication and I can't reject it. I'm a f-ucker Rafaela. And you're just a kid." Tumalikod na siya na parang ang dali dali lang sa kaniya.

At ako naman itong walang maintindihan ay pinigilan siya. Niyakap ang kaniyang likod at umiiyak na wasak.

"You are leaving me because I can't give you my virginity?" Say no Freud. Babe, say no!

"Yes!" Walang pag-aalinlangan.

Nanghina ang kamay ko at iyon ang nagpakawala sa kaniya. Tulala ako habang tinitignan siyang lumalayo. Hindi niya nakaya ang set-up namin. Hindi ko matatanggap iyon. Napakababaw ng rason. Mababaw nga ba? Nature na niya 'yon at dahil akala ko kaya niya ay hindi na 'yon babalik. He's mature, hindi iyon mababaw para sa kaniya.

Pasakay na siya ng sasakyan ng kaniyang kaibigan nang matauhan ako.

"Freud Brilliantes! Come back here! Babe!" I shouted and cried.

Maraming nakatingin sa akin pero hindi ko na ininda. Ang sakit sa dibdib. He left me over sex or kung ano man ang kalibugang dahilan. Totoo ba talaga? Boys will be boys and Freud will always be Freud? Ang hirap tanggapin!

Sa gabi ay tinadtad ko siya ng tawag at texts.

Me:

I'm crying...

My Brother is Nasty (Nasty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon