Chapitre 2

74.8K 930 126
                                    

Deux

Today, wala na naman sila daddy and kuya. Nasa bahay lang ako at naghihintay ng grasya. Walang assignment at tamad talaga akong mag-aral. Nanonood ako ng Korean Drama at kanina lang din ako kinikilig dito. I'm totally moved on with Freud... wrong, I'm still trying to move on.

It has been 2 months.

Akala siguro ng iba ay wala na pero sa loob ko kinikimkim ko lang.

"Baek Seung Jo oppa!" Tumili ako dahil sa sobrang gwapo niya.

Ang swerte ni Oh Ha Ni, may genius na napangasawa. Isang cold guy na super genius. If it wasn't Oh Ha Ni, hindi niya maeexperience ang iba't ibang klase ng buhay. Oh Ha Ni is not dumb, she's pretty and cheerful. Pagkatapos kong manood ay lumabas ako para maghanap ng makakain ulit. Lagi na akong gutom and I wonder, buntis ba ako? Was I r-aped when I'm asleep? I don't know but I have craves.

"Boring talaga ang mag-isa, let's do selfies nalang red velvet cake." Kinuha ko ang phone ko at nagselfie.

Pinost ko agad sa instagram, twitter and facebook at sisikat na naman ako buong araw. May magp-promote ng products nila, may magtatanong kung saan nila ipapadala ang mga products nila sa akin, may mga paparazzi na magtatanong about my personal life and mostly about my kuya's whereabouts. Okay lang atleast I am sikat. Kung social climbing man 'to! E 'di panindigan na.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Boring talaga mag-aral. Mas gusto kong mag-Facebook all day, all night.

Natulala ako sa kama. And I remember him...

"GOSH! ANG BORING TALAGA!" Tumili ako at nagpagulong-gulong sa kama.

Mas napatili ako ng mahulog ako sa kama, "Aw-wuch!"

Ano ba talagang pwedeng gawin sa ganitong boring na life? Tumayo ako at ininda ang sakit ng pwet at likod ko. Hindi dapat ako maging mahina ngayon. I need fun! Wala ba akong friends? Wala nga! May bestfriends ako si Winona at Blanca pero nasa mga bahay sila. Nag-aaral. They are so boring!

Kailangan ko sila ngayon. Kailangan nila akong sundin. May crush sila sa kuya ko kaya ako ang masusunod. I made a conference call.

"Ano?" Pagalit na sagot ni Blanca.

"Manahimik ka muna diyan. Tatawagan ko si Winona," Hi-nold ko siya at tinawagan si Winona.

"Ikaw'ng bitch ka! Nag-aaral ako pwede ba!" Singhal ni Winona sa akin.

"Oo nga! Pwede ba wag mo kaming idadamay sa kalokohan mo. Seryosong edukasyon 'to!" Sabat ni Blanca.

At dahil namention na rin 'yan. Nakabawi ako sa mga exams namin. Dahil sa pagiging broken hearted ko 2 months ago akala ko hindi na ako mapapasama sa honors. Maliit lang naman ng percentage ng exam na 'yon kaya nakabawi ako agad. Bumalik ako sa dating sigla at halos maiperfect ang mga exams, quizzes, assignments, and other tests.

"I'm bored! Huwag na kayong mag-aral," I commanded.

Humingang malalim ang dalawa. Halatang nadisturbo ko. I'm the bad influence here but I don't care. I'm top bored.

"Manahimik kang babae ka! Wala akong oras sa 'yo." Sabi ni Blanca.

"Bukas ka na manggulo. Papatayin kita kapag tumawag ka ulit. Hinihintay ko ang tawag ng ate ko!" Sabi ni Winona.

Sabay nila akong pinatayan ng tawag. Shockness! What the EF! Ang bad talaga ng mga friends ko. Ngayon ko lang naman sila kailangan bakit ayaw pa nilang ibigay sa akin? Mga ganid! Solo flight ako sa buhay ngayon. Hindi uuwi si kuya at lalong lalo na si daddy.

My Brother is Nasty (Nasty Series #1)Where stories live. Discover now