Chapitre 3

53.9K 757 68
                                    

Trois

Hindi siya nagsalita. Pulang-pula na ako sa galit but he didn't answer. Ano ba talaga ang tingin niya? Pwede niyang gawin 'yon anytime? Paano kung may mga paparazzi sa paligid. Mga netizens na umaaligid. Baka makunan kami at ma-issue dahil hinalikan niya sa labi ang sarili niyang kapatid. That's gross! And that will be a scandal.

Wala ba siyang pakialam sa sarili niya at sa career niya? Baka magkaroon ng misunderstanding or something at madadawit ang pangalan ko. I don't want that to happen. My image is important to me and I'm so old na para i-baby pa niya. That's unacceptable!

"You don't do that to me kuya!" I hissed.

Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin. Ngumiwi nalang ako sa kaniya. Ayaw niyang matuto na malaki na ako at hindi na niya dapat ginaganito. Pwes! Dapat sa kaniya binabalaan para magtanda.

"The next time you ever do this... again. Isusumbong kita kay daddy and I'll hate you forever!" sigaw ko at bumaba ng sasakyan.

Mabilis kong tinahak mag-isa ang pinto ng bahay namin at pumasok na hindi siya nililingon. Ni-lock ko narin para sigurado at pinako ang sarili sa pintuan.

Kumalampog ang puso ko sa nangyari. I know it was just a siblings intimacy. Close kami ni Kuya Rafael since bata pa at nag-iisa akong babae sa amin.

Hindi naman makatarungan na mag-isip ako ng kung anu-ano. That would be unfair to Kuya Rafael.

I took a deep breathe, "take it easy, Rafa. You're just stress or something."

Madali kong napagaan ang sarili. Hindi naman ako masyadong maarte o anuman. Hindi naman din kasing taas ng Eiffel Tower ang pride ko para hindi humingi ng tawad kay Kuya Rafael. Siguro nag-overreact lang ako sa ginawa niya and all. I felt like, I need to say sorry.

Pero kasi...

Gusto ko lang naman ipaalala sa kaniya na hindi na pwede 'yon at para din 'yon sa career niya. He's famous! He's being loved by the people. At dahil diyan, pakalat-kalat ang mga desperadang fans at scoop-desperate para makakuha mga information. I know that all... and Kuya Rafael is just so careless about it.

I'm just overreacting. Wala naman 'yon sa kaniya e, pero ako itong sobra kung makareact. He is just intimate. Ganiyan lang talaga siya kung magpakita ng affection.

Dumiretso ako sa kama ko. Humiga at napatingin sa kisame. Hinahaplos ang aking labi, nandito pa rin ang halik niya. Nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kaniyang labi.

"It's so soft," bulalas ng bibig ko.

What? Umiling ako. Baliw ka na! Rafa, you did not say that. Patuloy akong umiiling hanggang sa mahilo. I need to do something or else, I will be thinking it until I fall asleep. Nakakadiri 'yon! Hindi ko pwedeng isipin ang ganoon.

Gumawa ako ng sketch. Hindi naman ako best in art o talagang may talent sa art pero nakakagawa pa rin ako kahit papaano through abstract. Malaya ang utak mong paglaruan ang lapis, ang mga kulay, at ang kamay mo. Ginagawa ko itong past time kapag bored na talaga. At madali akong nadala sa ginagawa ko hanggang dumating ang gabi.

My phone's ringing.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Winona. Mabuti nalang at naisipan niyang tumawag dahil wala naman akong ginagawa ngayon. Just normal boring night alone.

"What's up?" Bungad ko.

"Want to go out?" Pag-aaya nito.

"At anong nakain mo't nag-aaya ka?" Tumaas ang kilay ko.

My Brother is Nasty (Nasty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon