❤CHAPTER 26

97.4K 2.9K 74
                                    


HERA'S POV

Pagkatapos kong makawala sa Pagkakatali ko ay Agad akong Lumabas ng Training Hall. Aba! Mabuti at Gumagamit ako ng utak no! Sinira ko yung tali. Uhhmm,,,Siguro mga Ten minutes bago ko nakalagan ang paa ko dahil sa sobrang higpit at tibay ng spell na ibinalot doon.

Nakarating ako sa kabilang building. Nasan na yung dalawang yun? Patay sila sakin pag nahanap ko sila. Tama bang iwan ako mag-isa dun at sila eh nagpapahinga at nagsisikain.

"siya yun diba?" 

"Oo nga, Ang Ganda niya sa malapitan." 

"Walang duda siya nga ang Aether User." 

"Nabalitaan niyo ba? Isang Drashiere pala yung Kris na yun!" 

"Kapatid nga daw nung Hari eh" 

Habang Naglalakad ako papuntang Canteen, yan ang ilan sa mga usapan sa paligid na nahagip ng pandinig ko. Ewan ko ba. Basta mula nang Malaman ng mga taga dito ang pagkatao ko naging tampulan na ako ng Usapan. Pero nakaka mangha lang na Kahit ang layo nila ay Narririnig ko parin. Mas tumalas pa lalo ang pandinig ko. Kahit kaluskos nga lang ay Dinig ko na agad. Isa din yun sa mga Nag-improve sa amin.

Hindi ko nalang pinansin ang mga naririnig ko sa paligid at tuloy tuloy na pumasok sa Canteen. Wooo! Syeet!! As usual pinagtitinghinan nanaman ako. At ngayon naka Armor pa ako. O diba Agaw eksena? Ngumiti nalang ako ng Alanganin sa mga Nakatingin sa akin. Yung iba yumuko at yung iba ay ngumiti din. Nahihiya parin talaga ako hanggang ngayon.

"Pam! Mien!" Sigaw ko ng makita ko Si Pam at Mien na Nasa isang Table sa dulo. Pero Hindi nila ako nilingon. Baka hindi lang ako narinig. Pero Napansin ko na mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil halos magbulungan sila. Hay naku!

Malapitan na nga lang. Malay mo naman nakita pala nila si Clyde o di kaya sila Sirene. At gutom na ako. Haha! Papalibre nalang ako.

"P-Princess." Biglang may humarang sa aking isang babae? Nakayuko ito at naka spread ang mga braso niya para hindi ako makadaan. problema nito? Napatingin ako sa Pwesto nila Mien! Nakita ko na Tumayo na sila at Sabay na naglakad pa-alis at Palabas na sa kabilang dulo ng Canteen.

"Ah bakit Miss?" Tanong sa kanya at sinubukang Tignan ang mukha niya. Kainis naman! istorbo diba?

"H-Hera." Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko ay ang panlalaki ng Mga mata ko Dahil sa gulat. Gulat sa Babaeng nakatayo sa harap ko. Bakit sa lahat ng pwedeng humarang sa daan eh siya pa. 

"Chloe!?'' I exclaimed, Nahihiyang tumango naman siya. Hinila ko siya papunta sa isang bakanteng table."Anong ginagawa mo dito?" Magkaharap kaming umupo.

"Tulad mo Hindi rin ako ordinaryong Tao. Dito ako lumaki." Hindi ko alam kung anong Itsura ko ngayon. Baka mas lumaki ang mata ko or baka mas nakanganga na ako ngayon. . Ibig sabihin Sa Mortal world palang ay Hindi lang Si Jinny at sila mommy ang Genovian na nakakahalubilo ko? To think na mismong Isang Drashiere ay Nakasama ko pa ng ilang taon.

"Huwag mo sabihing Napunta ka rin sa Mortal World dahil sa akin. Come on! Ano pa ba ang mga dapat kong malaman!?" I asked at Napalo ko ang ibabaw ng mesa. Mediyo napalakas din siguro ang boses ko dahil may ilang napatingin sa direksiyon namin.

"H-hindi. Hindi ko alam na Ikaw ang Aither heiress. Noong Nalaman kong Nandito ka na at Dahil sa huli nating Pagkikita noong gabing Sinundo ka ni Lyra ay Hindi na ako bumalik pa sa Mortal World dahil Pati si Kris ay Hindi na rin pumasok. Ang huling sabi niya sa akin ay kailangan daw ng tulong ng Kuya niya,Pero laking gulat ko ng makita ko rin siya dito. Sabi niya Transferee daw siya at wala pang kapangyarihan. At Yun na nga, Pinaghinalaan pang Aether user siya. Ngayon ko lang din nalaman na Ang kuyang tinutukoy niya ay ang hari ng Drashiere." Sabi niya. Malumanay lang ang boses niya at Halatang Sincere siya.

GENOVIA ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon