❤CHAPTER 32

85.3K 2.4K 63
                                    


HERA'S POV

"SO ?? What now?." Tanong ni Eris at talagang hinihintay niya ang sagot ko.

"Anong So What now ka diyan?'' Tanong ko din pabalik. Tsk. Minsan sarap batukan nito.

"We need to know your answer." Sirene said.

"Ha? Siyempre No." Straight forward kong sagot. Bakit ako oo? Ayoko nga.

Napakunot noo silang dalawa. Anong Masama sa Sagot ko? Eh sa Tingin ko naman tama ang Desisyon ko. Isa Para naman kay Eris Ang No ko eh.

Nandito kasi kaming tatlong babae sa Canteen. Hindi ko alam kung nasaan yung dalawa eh. Dalawang linggo na ang nakakalipas Mula ng Makaharap ko ang mga Gods and Goddesses. Well I could say that We succeeded. Ready na rin kami para sa Tournament next week. Sabi rin ng committee Sa tournament daw namin makukuha ang Regalo. Ah Ewan ko sa kanila! Wala na sila ibang ginawa kundi pahirapan kaming lima. Tapos Last week (Monday) Ganito ang nangyari.

*FLASHBACK*

Hindi ko alam kung Paano kami naka-uwi sa Dorm namin. Basta kahapon Pag-gising namin ay nasa Dorm na kami. Ako nga nagising ako na ganun paring ang damit ko Pero Wala na akong sugat at Parang Ang Gaan ng pakiramdam ko. Yung bang Wala na yung pagod at sakit ng katawan na inabot ko. Sumagi rin sa isip ko na Hindi kaya Ang Elemental Gods and Goddesses ang Dahilan kung paano kami naka-uwi?

Nalaman ko rin ang nangyari sa kanila kahapon habang nasa loob ako ng templo. Marami silang nakalaban at Dahilan yon kung bakit ang dami nilang galos at sugat na natamo. Hindi lang ako ang humarapo sa pagsubok. Pati sila. Pero Buti nalang natapos nilang lahat ang pagsubok. Yun nga lang dahil tulad ko ay ibinuhos nila ang lahat ng lakas ay Hindi kinaya ng mga katawan namin ang sobrang pagod. Hindi kasi kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan diba? So Ayun. Haaay,, See? Ang hirap kaya Maging kami..

Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng Breakfast. Tulog pa Yata sila. Hindi ko naman sinilip mga kwartoi nila. Basta gusto ko lang magluto. Ang dami naming hirap na dinanas kaya Ipagluluto nalang sila para kahit papano magkaron kami ng Masayang breakfast. Training ulit kasi Ang aatupagin namin sa mga susunod na araw.

"Hera....." Natigil ako sa paghihiwa ng ingridients ng marinig ko ang boses ni Aki.

"Hhmmm? Good morning." I said without Looking at him and continued Chopping The Garlic.

"Ahhmmm. Ano, Aish! A-ano..." Why Is he Stuttering?

"Ano? May problema ka ba Aki?" Tanong ko at humarap sa kanya. Ang pula ng mukha niya ang namamawis ang noo. Mukhang galing sa Training eh. Ay Baka nag work out.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Dun niya nakuha ang buong atensiyon ko. Heto na naman tayo sa pwede ba tayong mag-usap na yan. Ayoko ng mga simula ng usapan na ganyan feeling ko may kasunod na pressure at tension.

Masiyado siyang seryoso kaya parang nailang ako. Napatingin ako pinto ng kitchen. Ipinagdarasal ko na sana kahit isa lang ay may pumasok. Please! Savior! Kailangan ko ng magliligtas sa sitwasyon na ganito.

"Parang ang seryoso mo at ngayon. Sige. T-tungkol saan ba?" Pinilit kong gawing normal ang tono ng pananalita ko.

Tumalikod ako para ilipat ang sangkalan saa lababo at dun nagpatuloy saa paggayat ng sibuyas. Narinig kong humila siya ng upuan.

GENOVIA ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon