❤CHAPTER 44

81.9K 2.2K 114
                                    


HERA'S POV

"Waahhh!! namiss ko pumunta dito. Tambay muna ako dito pwede?" Sabi ko at In-spread ko ang mga braso ko at dinama ang hangin. uhmmm!! ang sarap talaga ng hangin dito.

"Kamusta ka? kamusta ang Ibang Elemental Users?" Biglang tanong ng Goddess of water. Hindi ko siya nilingon at pumikit ako.

"okay naman po kami. Eto busy po sa paghahanap ng Mga Elemental stones." I said.

"Isa palang ang nahahanap niyo." Sabi ng Fire god At humigop ng kape. walastik! may kape pala dito. naka Upo kasi ang apat na god and goddesses habang ako ay nakatayo at kaharap ang waterfalls na naglalabas ng rainbow color na tubig.

Matagal tagal na rin mula ng napadpad ako dito. After ko silang makausap noon at malampasan ang pagsubok ay hindi ko pa sila tinatawag para kausapin man lang. Buti nga at napadpad ako ngayon dito.

"Madali nalang naman na po yun. Tinulungan kami ng mga bagong kaibigan, uhm, binigyan nila kami ng Map."

"Hindi sapat iyon Hera. kailangan niyo ng bilisan. Time's running," Sabi ng Light Goddess at ipinatong ang kamay sa balikat ko. Napayuko ako. Haaayy,,

"Sige na. Gumising kana at kailangan niyo na magsimula." sabi niya.

"Ha!? eh wait lang po. Pwede dito muna ko. Please!?"

Amg sarap sarap kaya dito. Nag-pout ako para magpa-awa effect kaso talagang umiiling-iling ang Light Goddess.

"No, Pag maayos na ang lahat you're free to come here anytime together with the other Elemental Users." I nodded tapos hinalikan niya ako sa noo at uniti-unti ng naglalaho ang katawan ko.

Napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa mga kasama ko na tulog din sa kani-kanilang higaan. Mahimbing na natutulog.

"Sige na, Gisingin mo na sila." Dinig ko ang boses ni Light Goddess sa utak ko. Napahilamaos ako at napilitang bumangon.

Isa-isa ko silang ginising at Pupungas pungas na nagsibangon sila. Mediyo naawa pa ako kasi halatang mga pagod. Pero wala talaga kaming Choice.

"Hera, bakit? May problema ba?" Tanong ni akira na nagkukusot ng Mata,

"I talked to the Gods and Goddesses. We need to start this early." I said. At sa sinabi kong yun sabay sabay silang napa—

"WHAT!?!?"

"Bakit? Anong nangyari? May problema ba?" Humahangos na pumasok ang kambal at halatang nagising lang. Ang gulo pa ng mga buhok nila at halatang antok pa.

"naku, Sorry kung nakaistorbo kami. Kailangan na kasi naming mag-simulang maglakbay." Hinging paumanhin ko.

"Masiyado pang maaga Kamahalan. Sigurado ho ba kayo?" Sabi ni Yen.

"Tama siya Hera. Anong trip ng mga God and Goddesses at naisipang mang-gising ng alas tres ng madaling araw. Are they insane!" Reklamo ni Clyde. natawa ako sa itsura niya. Ang gwapo kahit kagigising lang. Drools!! *___*

"Narinig ko yon!" Napangiwi ako ng magsalita ang Fire God sa utak ko.

"I don't care!" sagot ni Clyde. I'm sure na narinig niya ang sinabi ng Fire god. Afterall, Fire User naman siya.

GENOVIA ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon