❤CHAPTER 43

93.2K 2.4K 94
                                    

HERA'S POV

 
 

 
"Nakahanda na ba ang Lahat?" Tanong ko kay blizo. Nasalubong ko siya sa May Pintuan at sigurado kakagaling niya lang sa Labas. Inutusan ko kasi siyang I-check ang karwaheng gagamitin namin sa pag-alis.
 
 
"Nakahanda na po Kamahalan.''
 

"Maraming salamat Blizo." Nag-bow lang siya at nagpaalam na aalis na.
  

 Paglabas ko ng Palasyo ay Nasa labas na ang Karwahe at Ang Ilang gamit na kakailanganin ko. Hapon na at Ang usapan naming lima ay Aalis na kami ng Ala cinco ngayong hapon. Well, Four Thirty Palang naman kaya siguro Wala pa sila. Umakyat muna ako sa Kwarto ko.

 
Isang Linggo na mula ng Mangyari ang Gulo sa mismong birthday celebration ko. Mula nun ay Hindi na nanggulo pa ang mga Drashiere. Yung tungkol naman sa pagkawala ni Mom ng Halos Eighteen Years at ang Pagkaka-kulong nilang dalawa nito na Six Years sa Puder ng Mga Drashiere ay ipinaliwanag nila sa amin. Pero sa Amin lang at sa mga Hari at Reyna. Hindi nila sinabi sa Committee ang buong Detalye. Totoo din Na Yung paraan ng pagpapalaki sa akin ay Si Mom at tito ang nagplano nun. Naintindihan ko din naman agad dahil Six years ago ay Hindi na ako Pinipuntahan ni tito dahil noong time na yun—My 12th Birthday ay ang mismong araw na Nahuli silang dalawa ni Mom sa Bundok. Lahat ng Plano ay Binago na rin dahil dun sa Clone ni Tito.
 

Ang Nangyari noong Birthday ko ay Ikinuwento naman sa akin nila Kier at Shanon. Hindi daw sila makapaniwala na Nagamit ko ang Lumen Power. Actually nung time na yun Hindi ko alam ang ginagawa ko. Basta Ang Alam ko ay Dahil yun sa Puting Bato na nakuha ko kung saan Nakatayo si Mom at May nakatutok sa likod niyang Arrow. Speaking of , Yung Gem na yun ay Pagmamay-ari ni Mom. Mula pa raw iyon sa Pinaka-unang User ng Aether. Si King Arthur. Kaya Ako Halos dalawang araw na tulog nun dahil sa Nabigla ang katawan ko sa paggamit ng Lumen. Buti nga raw at dalawang araw lang. Pwede ko lang pala yun gamitin kung naipasa na sa akin ni Mom Formally. But, I'm Glad na Nagamit ko ng maayos kahit hindi ko kontrolado ang utak ko ng gabing iyon. 

 
Kung iatatanong niyo naman ang tungkol sa Lalaking laging nagbabantay sa akin Lagi at Ang nagturo sa akin kung Paano banggitin ang Protection Spell. Gosh!!! Sinong mag-aakala na siya si King Arthur!!! Ilang Libong taon na siya pero Mukhang binata siya at sobrang gwapo. Nanging Crush pa nga ni Eris, Kaso Ayun, Immortal pala si King Arthur. Alam ni mom Ang Tungkol sa Spell pero kahit minsan ay hindi niya natutunang banggitin ito. Kaya Namangha sila ng magawa kong Banggitin. Pero May Pangontra pala sa Spell na yun. Yung Spell na Binanggit ni Kris at Chloe.

 
  Pabalik-balik rin kami sa Academy nitong mga nakaraang araw dahil nag-iimbestiga kaming lima. Nasabi ko rin kasi sa kanila ang mga napansin kong kakaiba sa mga kasama namin. Nabanggit ko ang Tungkol kay Headmaster Leur, Pam at Mien. Binanggit ko rin na nakita kong mag-kausap sina Mien at Chloe. Wala na rin kaming naririnig na balita tungkol Kay Ayu at Jiro. Pero ang Sabi ni Clyde ay Hindi totoong Kalaban ang dalawa. Bihag ni Norm ang mga magulang nilang Dalawa kaya Pinaplano din naming iligtas sila. Hindi lang yan. Sa sobrang dami ng Problemang kinakaharap ng buong Genovia ay Dumagdag pa ang Biglang Pagkawala ni Ziara.
 

''Ang tagal naman nila Prinsesa. Ang Tagal tagal tagal tagal. Hindi ka ba naiinip? Hindi ka ba naiinip Prinsesa?" Hulaan niyo kung sino ang nagsasalita. Yup. Si Gandalf yan. Sa tuwing kakausapin ako niyan lagi kong pinapa-alala na wag siyang pa-ulit ulit kaso hindi niya kaya eh. Pagkagaling namin kahapon sa Academy ay sumama siya dito. Ayaw nga ni Clyde kasi ayaw nun ng maingay ay paulit-ulit. Pff!! Parang dati nagtatwanan sila ah. Nung binitin niya ako patiwarik.
 
 
"Hindi naman. Kasama naman kita eh." Sabi ko at Kinuha ang jewelry box na pinaglagyan ko ng Necklace. Hindi na siya invisible.

 
"Yiieeehh.. Kinikilig Si Gandalf. Kinikilig si Gandalf. Hahaha Sasabihin ko kay Fire Prince, Sasabihin ko kay Fire Prince." Sabi niya ng tuwang tuwa.
 
 
  "Sige sabihin mo. Inggitin mo para Habulin ka ulit niya ng Fireball." Sabi ko.
 

GENOVIA ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon