Kabanata 1

2.3K 19 0
                                    


Kabanata 1

The Plan

"Hoy!"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat sa presensya ni Koko na ngayon ay prente nang nakaupo sa tabi ko.

"H-hindi mo naman kailangan na gulatin ako, K-koko." In-adjust ko ang aking eyeglasses para makita nang maayos ang nakangisi na palang kaibigan ko.

"Gags, Ai! Pampatanggal gulat 'yung ginawa ko sa'yo." Halakhak niya.

"W-well, feeling k-ko aatakihin ako sa ginawa m-mo." Utal-utal ko namang tugon sa kanya.

Noong bata pa ako, edad lima kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon ng malakas na pagsabog, na marahil galing sa gasul ng kapitbahay namin. Muntik na ding madamay sa sunog ang bahay namin pero dahil sa mabilis na pag-responde ng mga bumbero, naagapan agad ang sunog para hindi na kumalat pa. Nasa kwarto ako nang mga panahong iyon at naglalaro nang nangyari 'yun. It took me years bago nawala ang trauma ko sa pagsabog pero hindi na nawala ang pagiging magugulatin ko... at kaakibat na din nun ang pagiging utal ko dahil ilang taon din akong hindi nakapagsalita dahil sa trahedyang 'yun.

Tinawanan lang ako ni Koko at tumingin din sa field, kung saan ako nakatunganga kanina pa.

"Naku, Ai. Tulala ka na naman kina Brielle! Matutunaw na yan sa katitingin mo. Tignan mo yung laway mo, oh. Tumutulo na. Punasan mo, bra!"

Napahawak naman ako sa bibig kong nakanganga nang bahagya pero wala namang laway kaya lalong napahagalpak si Koko.

"Kaya ka nauuto ng mga kaklase mo, bra, eh. Ang bilis mong maniwala sa mga sinasabi nila. Tss!" umiling na lang ako bilang tugon sa sinabi niyang patutsada.

Since senior year namin noong high school, kung saan naging kaklase ko si Elisha Brielle, o mas kilala sa tawag na Bree, lagi na siyang hindi nawala sa isip ko. At ngayong third year college na ako, apat na taon na din akong may lihim na pagtingin sa kanya. Sumikat agad si Bree sa school pagka-transfer niya. Oo, agad. Active kasi siya sa mga school activities-academic o extra-curricular activites man yan. Maliban sa amin ni Kang-na kaibigan din namin ni Koko, isa siya sa mga nagta-top din sa klase namin dati.

Sa pagkakaalam ko, dean's lister din siya sa department nila ngayon. Kumukuha siya ng kurso na BS Psychology. Isa din siyang cheerdancer kaya naman andito ako sa bandang field tumatambay at tinitignan kung gaano siya kagaling sumayaw.

Ako din naman, eh. Sikat ako sa University namin. Yun nga lang sa kakatwang paraan. Sikat ako sa pagiging sablay. Kumbaga sa kanta, isang tama, sampung mali. Ganyan ako katanga. Minsan nga kahit ako sa sarili ko napapa-facepalm na lang sa katangahan ko. Ganyan ako.

Aliw na aliw ako sa panunuod sa pagsayaw ng Triumph Dance Group, ang grupo nina Bree, nang biglang tumama sa ulo ko ang soccer ball na nilalaro ng mga varsity players . Tuluyan na akong nahulog sa upuan dala ng pagkahilo.

Talaga naman, Azrael Ian Montefalco. Sobra kang pinagpala ngayon, boy. Umupo ako sa semento at naipilig ang ulo ko. Pagkaangat ng paningin ko, nandun ang Triumph Dance Group at nakita ko ang babaeng matagal ko nang tinatangi. Halata sa kanya ang pag-aalala at pagkaawa sa akin. Lintik, Ai. Makikita ka na lang niya, sa ganyang estado mo pa. Napakurap ako at napatayo nang bigla kaya nahilo na naman ulit ako. Buti na lang at inalalayan ako ni Koko dahil kung hindi, malamang bagsak na naman ako nito.

"Sorry, tol. Napalakas ang pagsipa ko sa bola." Ani Gavin na parang hindi naman talaga apologetic dahil mukhang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa sa akin.

AIMIFKMO (FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon