Kabanata 2

477 11 0
                                    

Kabanata 2

Confession

Paggising ko sa umaga, kaba agad ang nararamdaman ko. Oo, kakausapin ko si Bree tungkol sa tunay kong nararamdaman sa kanya. Four years is enough. Hindi ko na nga dapat na ilihim pa ito. Tama si Kang. Tamang umamin na ako kay Elisha Brielle de Castro.

Hindi ko maiwasang huwag kabahan. Paano kapag i-reject niya ako? Paano kapag sa pag-amin ko, itatwa lang niya ang nararamdaman ko? Pero mas mainam ng umamin, hindi ba? Kaysa habang-buhay ko itong kimkimin at baka pagsisihan ko pa.

Bago ako natulog kagabi, kinuha ko lahat ng sulat na nasa kahon at ginawa ko itong bouquet. Kiligin kaya siya sa gagawin ko? Mainis? Matuwa? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang kinakalamay ang kalooban ko.

Inayos ko ang aking sarili at nagpahatid na sa driver namin. Ayaw ng magulang ko, pansamantala, na mag-aral akong mag-drive. Saka na lang daw. Sinunod ko na lang sila, kaya heto. Nakaupo lang ako sa backseat ng sasakyan namin.

Pagkarating ko sa school, nakita ko agad sina Koko at Kang na sabay pang napatayo pagkakita sa akin. Nakita ko ang ngising-aso na si Koko, samantalang si Kang naman ay parang hindi mapakali sa mangyayari.

"Are you.. are you sure about this, Ai?" tanong niya na ikina-kunot ng noo ko.

"Pwede ba Kang, hayaan mong dumiskarte ang brader natin! Binata na 'yan! Kaya na niya yan. Kasama naman niya tayo, eh. Diba, bra?" sabay tapik niya sa balikat ko.

"O-oo, Kang. Diba, ikaw pa ang nag-encourage sa a-akin nito? H-hangga't hindi pa huli ang lahat, magba-baka sakali a-ako sa k-kanya." Sagot ko naman na kahit nanginginig ay nilakasan na lang ang loob.

Natigil ang usapan namin nang narinig naming tatlo ang malakas na tawanan nina Brielle kasama ang mga kaibigan niyang ka-kurso niya din. Tinapik ako sa balikat ni Koko at bahagyan itinulak palapit sa kanila. Muntik pa akong matalapid sa nakausling bato sa daanan. So close. Buti na lamang at nabalanse ko ang sarili ko. Baka mamaya masira pa yung bouquet na pinagpuyatan ko pa kagabi.

Napahinto sa pag-uusap ang magkakaibigan at nagbulungan sila nang nakita akong papalapit sa gawi nila. May mga nakita akong ngumiwi, may mga ngumisi. Ang tanging hindi ko mabasahan ng ekspresyon ay si Bree na nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko. Medyo nanginig ako sa klase ng titig niya sa akin. Pinagpawisan pa ako ng malamig nang nakarating na ko sa pwesto nila.

"Oh, Azrael. Sinong hanap mo sa amin? Anong kailangan mo?" tanong ni Christine, kaibigan ni Bree.

"A-ah, a-ano.. P-pwede bang makausap si B-brielle?" I stuttered. Damn!

"Oh, beh. Ikaw hanap ni Nerdy. Usap na kayo!" hagalpak ng kasamahan pa nila sabay tulak palapit sa akin si Bree.

"Pwede mo naman akong kausapin na kasama ko sila, ah? Ano ba 'yun, Azrael?" sabi niya na tumingin pa sa wristwatch niya. Halatang naiinip.

"A-ano, para sa iyo nga pala." Maingat kong inabot sa kanya ang bouquet na pinaghirapan kong gawin.

"Wow, lover boy na si Nerdy!" pang-aasar ni Thea habang tumatawa-tawa. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagtawa at pagbubulungan pa ng iba niyang mga kaibigan.

"Stop it, guys. Will you?" saway ni Bree sa kanila sabay tingin sa akin. "May gusto ka ba sa akin, Azrael?" tanong niya sa akin.

"A-ah, Bree... g-gusto ko lang sabihin na m-matagal—"

"Cut it, Az. I'm not interested." Putol niya sa sinabi ko. Aray.

Lalong lumakas ang tawanan ng mga kaibigan niya sa sinabi niya sa akin.

AIMIFKMO (FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon