Kabanata 3

364 10 0
                                    

Kabanata 3

The Transformation

Sabado ng umaga, may kumakalampag na kaagad ng pituan ko. Tumingin ako sa bedside table at kinuha ang salamin ko. It's just 8'o clock in the morning. Ang aga pa!

Just 10 more minutes...

Patuloy sa pagkatok ng pintuan ang maid kaya naman nagtalukbong ako ng comforter. Can you just let me sleep?

Tumigil na ang pagkalampag nila sa pintuan ko. Kaya naman pala, biglang bumukas ang pinto at nagtatalon sa kama si Kang.

"Ayaw mong magpagising sa maid, ha? Pwes, ako ang gigising sa'yo!" sigaw niya kaya nayanig ang sistema ko. Napabangon ako bigla pero sa kasamaang palad, nalaglag ako sa kama. Awesome way to start your day, Azrael Ian Montefalco! Napapikit ako sa sakit ng pang-upo ko.

"A-ano ba 'yan, Kang. Hindi ka ba m-makapaghintay?"

"Oo naman. Today is Oplan: Papogiin si Ai! Kaya kilos-kilos din kapag may time! Dalian mo, ha. I'll wait for you at the living room. Ciao!" baba niya sa kama at naglakad na paalis. Ugh.

At dahil andito na nga siya, nag-ayos na ako ng sarili at dumiretso na sa kumedor. Living room? Nah, panigurado kumakain 'yun sa dining room. Siya pa ba? Siya ang babaeng walang kapaguran sa pagkain. Hindi naman tumataba.

"Hindi makakapunta si Koko kasi may klase 'yun. Alam mo naman, nagpapakasunog sa araw ang tropa nating 'yun." Pag-iimporma niya na sarap na sarap sa pagkain.

"A-alam k-ko naman 'y-yun." Sagot ko naman na tinitignan siyang lumamon.

"Ah! This is food. Thank you, Tita Claud, Tito Azi. Ang sasarap po talaga ng pagkain niyo." Sabi niya kina Mama at Papa na tuwang-tuwa kay Kang.

"Walang problema, Keren. Saan ba kayo pupunta ni Ai at mukhang ang aga niyo atang aalis?" tanong ni Mama sa kay Kang.

"Eh, Tita. 'Yun na nga po. Magme-make over si Ai! Okay lang po ba? Saka po bibili po kami ng magagandang damit. Sasamahan ko po siya. Hindi po ba nasabi sa inyo ni Ai 'yun?"

Napangiwi ako at napatingin kay Papa na nakakunot ang noo pero kalaunan ay ngumiti.

"Alam mo, Keren, bagay kayo ng anak ko." Biglang sabi ni Papa kay Kang.

Namilog naman ang mata ni Kang at namula ang mukha, hanggang sa tumawa siya nang malakas. Walang poise, tss. Napatigil siya sa pagtawa at pinunasan ang luha na nasa gilid ng mga mata niya. Tumikhim siya at nag-peace sign. "Sorry po, Tito at Tita. Si Ai po? Naku, ang tipo po niya ay 'yung maganda. Hindi po ako papasa sa standard niyang babae." Ngisi niya.

Umangat naman ang labi ni Papa pero nanatili lamang na tahimik.

Tumikhim si Mama at may ibinulong kay Papa. Ngumiti at tumango si Papa at hinalikan ang gilid ng ulo ni Mama.

"Oh, siya siya. Ibibigay ko ang debit card ng Papa mo. May laman 'yun. Tutal ngayon ka lang naman gagastos. Keren, ikaw na bahala kay Ai, ha! Ingatan mo 'yan. Alam mo naman ang pin ng ATM Card, diba?"

"O-okay, Mom. Aalis na po k-kami."

"Okay anak, see you later!"

"Wait lang Ai! Kuha lang ako sandwich!" hinatak ko kasi si Kang pero nakakuha pa din ng tinapay na nasa hapag. Ang takaw talaga ng babaeng 'to.

Nagpahatid kami sa driver at sakto naman ang pagdating naming sa mall dahil halos kabubukas lamang ng mga establishments. Hinatak niya ako agad sa men's salon.

AIMIFKMO (FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon