Kabanata 5

534 7 0
                                    

Chapter 5

For you only

Tumakas na ata lahat ng kulay sa mukha ko dahil sa pagkakarinig ko sa boses ni Ai. Lumamig ang mukha ko at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis na kabog ng puso ko.

Sa simula pa lang, alam kong mali na magustuhan siya—scratch that, ang mahalin siya. Pero masisisi niya ba ako kung magkaroon ako ng pagtingin sa kanya?

Hindi siya ang 'ideal' para sa isang babae. Who would fall for a guy with a clumsy personality, a nerd look, and a 'tatanga-tanga' attitude? Well, siguro, ako na iyon. But they never saw him grow. Ako, nakasama ko siya simula noong bata kami. Nakita ko siyang mag-grow into better person, nakita ko siya bilang lalaking pinapangarap ko.

Kung sa pisikalan ang usapan, gwapo si Ai. Well, for me. Natatakpan lang naman ng salamin ang mga mata niyang chocolate brown. Sobrang expressive ng mga mata niya at marahil kung hindi siya 'yung tipong may pagka-nerd at tanga, madaming babaeng mahuhulog sa kanya. Makapal ang kilay niya na nababagay sa kanya. 'Yung buhok niyang laging mamantika dahil sa baby oil, bagay sa kanya, pero dahil para siyang pinaglipasan ng panahon, walang may pakialam sa kanya. Who would have fall for the guy, anyway? Eh, ang uso sa mga babae ngayon 'yung mga pabida at pa-bad boy na itsura. Well again, they're not my type.

Matalino si Ai. Lagi kaming naglalaban para lamang makuha ang pinakamataas na parangal sa academics. Masunurin siya kina Tito at Tita. He was raised well by his parents. Paanong hindi, eh, ni wala nga 'yang inaaway. Nabu-bully na at lahat, wala pa din siyang reaksyon. Minsan, kami pa ni Koko ang umaaway sa mga nang-aapi sa kanya. Ayan si Ai.

Why did I fall for him? When? How? Hindi ko din alam. Basta, ang naalala ko noong grade five ako, 'nung nakita ko siyang nakangiti sa akin, sobrang lumakas ang tibok ng puso ko. Ang bata pa para maranasan ang ganoon, kaya nag-focus ako sa pag-aaral. Nagkaroon ako ng diversion. Somehow, nawala 'yung atraksyon na naramdaman ko sa kanya noong mga panahon na iyon. Not until we entered college.

Lagi siyang nabu-bully sa department nila. Lalo 'yung Pedro na 'yun. Epal 'yung punggok na 'yun, eh. Akala mo kagwapuhan pero kinulang naman sa height. Mukha siyang si Humpty Dumpy, mukha siyang itlog. Noong mga panahon 'din na iyon ay sobrang hooked siya kay Elisha. Oo, alam kong may gusto siya sa sikat na babaeng 'yun. Anong namang laban ko 'dun? Eh, kung tutuusin, kaibigan lang naman ang turing niya sa akin. Ni wala akong panama sa babaeng natitipuhan niya. Lagi niyang kinekwento na kesyo si Elisha ganito, si Elisha ganiyan. Bilang kaibigan, sinuportahan ko siya. Tinulungan ko siya na umamin kay Elisha. Kahit na gusto kong ipangalandakan na, 'Huwag na siya! Andito naman ako, ah? Pansinin mo naman ako! Nagseselos ako sa mga kwento mo tungkol sa kanya!" insecurities were eating me up. Wala akong karapatan, kasi kaibigan lang ako.

Noong umamin siya kay Elisha, nakita ko 'yung effort niya, sobrang nainggit ako. And it was my first heartbreak. Kaya naman sobrang nanggigil ako noong hindi man lang in-appreciate ng babaeng 'yun ang ginawa ng kaibigan ko.

"Ganyan ka ba talaga ka-ruthless, Elisha? Why not appreciate the effort Azrael has done? You're ungrateful." Gusto kong idagdag na, "Ako, gustung-gusto ko na gawin 'yan sa akin ni Ai, samantalang ikaw, ni pagpapasalamat, hindi mo magawa? How dare you hurt the feelings of the man I love?"

Unang heartbreak din 'yun ng lalaking minahal ko noon pa lamang kaya naman para ma-ease ang sakit na nararamdaman niya, inaya ko siya sa ice cream parlor. Nag-come up din sa akin 'yung idea na ayusan siya. Ang gara, 'no? Sa ibang tao, ang galing kong tumulong. Samantalang sa sarili ko, hindi ko matulungan na maka-move on kay Azrael Ian. I'm so pathetic.

Noong tinignan ko ang mga mata niyang walang salamin, muntikan ko ng maamin ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Pero natatakot akong tumakbo siya palayo at iwan ako. I could keep him as my guy friend forever, kahit na hindi ko na aminin ang pagmamahal ko sa kanya, basta huwag lang siyang lumayo sa akin.

AIMIFKMO (FANFIC STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon