Chapter Twelve

61.2K 1.8K 160
                                    

"Why am I giving you a ride again?" Noelle asked as soon as I entered her car. Inayos niya ang gear stick at pinaandar na ang sasakyan paalis ng estate.

"Because I don't have my driver's license with me." sagot ko habang inaayos ang seat belt.

"What? Still?" gulat na tanong ni Noelle sa akin. Napanguso na lang ako at tumango.

I left my driver's license along with my credit card at Grant's car. I forgot about placing it on his dashboard the night I convinced him to illegally break into a club house and sneak a swim. It's also the same night that he got mad at me because we almost got caught.

Simula nung gabing iyon ay hindi ko pa rin siya nakakausap. Hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi niya ako tinawagan o kahit isang text man lang ay hindi niya ginawa.

"That's crazy, Fall. It's been four days!"

"Galit pa rin yata siya sa akin." I sounded like a wounded puppy. I'm embarrassing.

Ngumiwi si Noelle. "Hindi ka pa rin niya tinatawagan? Kahit text?"

"No." I pouted.  "And I don't want to be the first one. Baka hindi lang siya sumagot."

Hindi ko na mabilang ang beses na kinuha ko ang phone ko at nagtangkang tawagan si Grant. I really wanted to call him and check if he's still mad at me. Kung galit siya, gusto ko ulit humingi ng sorry.

I get why he's mad. Hindi sanay si Grant sa mga kalokohan ko. He's too matured for my quirks. He's a COO for God's sake. And maybe being four years older than me is another reason? Iba na ang takbo ng utak niya. I'm still in the fun stages of my life while his mind is set on their company.

Buong morning classes ko ay hindi ko nagawang makinig sa lecture. Wala akong ginawa kundi ang mag-isip ng posibleng gawing para mapatawad ako ni Grant at hindi na siya magalit sa akin.

Ngayong vacant time ay magkakasama kami sa food court sa loob ng university. Nakasubsob lang ang mukha ko sa lamesa. Binilhan ako ng pagkain ni Noelle pero hindi naman ako makakain. Hindi ako nagugutom.

"What's wrong with her?" narinig ko ang boses ni Nikolai kasunod ang paglapag ng tray sa ibabaw ng lamesa. Kahit hindi ko iangat ang ulo ko ay alam kong kasama niya si Johan dahil sila lang naman dalawa ang huling nakabili ng pagkain.

"Grant." tipid na sagot ni Noelle. The boys didn't have any follow up questions. Para sa kanila ay sagot na ang pangalan na iyon sa lahat ng magiging tanong nila.

My friends know about what happened. I told them about it. I rarely keep things from them. Hindi ko naman kailangan ilihim sa kanila ang pangyayari.

"I don't know what to do." I mumbled, not even bothering to raise my head.

"Maybe you should serenade him. Sing him an apology song." Rio suggested while munching on her food. I raised my head from the table at her idea.

"Oh my god!" Maia placed her plastic spoon in her yogurt cup and looked at me with twinkling eyes. "You should sing Justin Bieber's Sorry!"

"Oh! Oh! Maybe we can do a flash mob!" malaking na ang ngiti ni Rio. She looked thrilled from her own idea. Maia nodded and did a high five with her.

"Or." madiin na sabi ni Noelle na nagpalaho sa ngiti ng dalawa. "Fallon can just sincerely apologize to him without the flash mob and any special number."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Noelle. "You're right."

"Mas gusto ko pa rin yung flash mob." umirap si Maia at sumubo ng yogurt.

"I don't get it. Bakit mo kailangan mag sorry? It's not your fault that he's got a stick up in his-" mabilis na isinubo ni Noelle ang maraming fries sa bibig ni Johan bago niya maituloy ang sasabihin niya. She glared at him before looking back at me.

When I Chase (When #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon