Chapter Twenty-Two

61.7K 1.9K 171
                                    

Ngayong araw na ang flight ni Daddy at Logan papuntang Massachusetts. Kagaya ng plano ay doon sila magce-celebrate ng New Year. I won't be going with them since I already made plans with my friends.

Nasa byahe na kami papuntang airport. Logan's driving and I'm at the backseat. We used my car since I'll be driving it back home alone.

I reached for my phone to check the time. It's almost five. Pinili kasi nilang dalawa ang gabing flight. Sa sobrang workaholic nila ay mas ginusto nilang magtrabaho ngayong araw bago umalis kaysa magpahinga.

Kanina nga lang rin sila nagpack ng dadalhin. Their luggages were light. Palibhasa kasi ay babalik din agad sila ng January 2. So, they'll only be gone for three days.

Naputol ang iniisip ko nang tumunog ang phone ko. Umilaw ang screen at lumabas ang buong pangalan at seryosong mukha doon ni Grant. Napangiti ako.

"Low, lower down the volume please." pakiusap ko dito, tinutukoy ang player ng sasakyan na tumutugtog.

Nilingon ako ni Logan sa rear view mirror. Nagtaas siya ng kilay at bungisngis na ngumiti naman ako sa kanya bilang ganti.

"Please?" malambing na sambit ko. Hindi na siya nagtanong pa at sinunod na lang ang gusto kong mangyari.

I blew him a kiss and scooched to the side of the car door before finally answering my ringing phone. I paused, bottling my enthusiasm.

"Hey," I said in what I think a less ecstatic tone.

"Where are you?" iyon agad ang pambungad niya sa akin.

It didn't faze me. Sanay na ako sa kanya. And I still haven't moved on from what what he did last night that it was acting like a free pass. I think I might be dosed with happiness for a week.

"Car. Papuntang airport. Ngayon na yung flight papuntang Massachusetts."

"What?" his voice turned from cold to panic real quick. I laughed silently to myself. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang tungkol sa plano ni Dad at Logan.

"Dad and Logan will be celebrating New Year in Massachusetts. I'm just seeing them off." I heard him let out a deep breath after he heard my explanation. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "Were you worried that I was going to leave?"

Hindi siya nakasagot at mukhang natahimik sa mapang-asar na tanong ko. Malaki na naman ang ngisi na nakaguhit sa mulha ko.

"Yeah. I was." bigla niyang sabi. Naglaho ang ngisi ko sa narinig sa kanya. Hindi ko inaasahan nag deretsong pag sagot at pag patol niya sa pang-aasar ko.

Great. Now, I'm the one who's speechless!

I bit my lip and quickly thought of a new topic. My mind's always a mess whenever I'm talking to him. I don't know if I'll ever stop being affected.

"Ah... Nasa work ka pa ba?"

"Hmm." I heard him hum. I think it was his way of saying yes. He sounded exhausted. "But I'll be leaving in a minute."

Bigla kong naalala na nakikinig... o naririnig ni Daddy at Logan ang lahat ng sinasabi ko, kaya nakaramdam ako bigla ng hiya.

When I Chase (When #1)Where stories live. Discover now