Chapter 7

25.5K 607 12
                                    

Chapter Seven

"You look gorgeous hija! Bagay na bagay sa'yo ang dress na iyan." Her mom gushed upon seeing her.

She just smiled as she look at her own reflection in the mirror.  She is wearing a simple red and whit lacey dress which is designed and made by Therine herself.
[For Ianna's dress,  please see or click the media]

She opted to wear a simple one dahil napagkasunduan nilang para sa mga ipamimigay na wedding invitations na lang muna ang isho-shoot nila ngayong araw. Minsanan na ang photoshoot sa mismong araw ng kasal. Gagawan kasi ng footage ang kabuuan ng kanilang kasal, magmula sa pag-aayos sa kanya hanggang sa reception na siyang suggestion ni Erin. Dahil sa director naman ang kaibigan, ito na ang bahala sa bagay na iyon.

"Kanino pa ba ako magmamana, mom?" She winked at her.

Her wavy hair is secured on her right side with a diamond clip na regalo pa ng isa sa mga kaibigan niyang jewelier sa London.

"Tara na sa baba hija. Nandoon na si Mercy pati narin iyong photographer at si Lia."

One last look in the mirror and they went out of the hotel room they used for her to get dressed. Nasa Belladona sila ngayon dahil dito gaganapin ang photoshoot. Maganda kasi ang bagong garden ng Belladona dahil kakarenovate lang nito, kaya dito ang napili niyang perfect location. It has a touched of Japan mixed with South Korea theme.

"Ianna! Wow! You really are getting married! I thought you're just playing a prank on me when you called yesterday." Salubong ni Noli nang marating nila ang garden.

"I told you. Ikaw lang talaga itong ayaw maniwala sa akin eh." Nakangisi niyang saad habang bumibeso dito. Tinawagan niya kasi ito kahapon nang malaman na hindi makakapunta ang photographer ng Wedding Planner na kinuha nila. At halos ayaw pang maniwala nito nang sabihin niya kung para saan ang isasagawa nitong photoshoot.

"Well, ang pakilala mo sa amin kay Blake ay boyfriend mo lang. Then kahapon nag-viral iyong picture niyo tapos ngayon ikakasal ka na. Wow! That was fast."

"Well, we are both concenting adults so why not? Besides our parents are good friends, lagi kaming nirereto that's why they are so supportive with us." She lied. Siyempre hindi niya pwedeng ikwento na para lang naman talaga iyon sa kumpanya. No feelings attached. Ay teka wait, siya kasi ay may kaonting feelings attached na. Si Blake na lang talaga ang kulang. Speaking of which, inilibot niya ang paningin sa buong tent na isinet-up para sa mga kasama nila.

"And I must say, the place is amazing! I never thought paradise like this exist near the city."

"Yeah. Have you seen the beach? "

"Yeah. Kung titignan pwede na siyang pang-line up sa El Nido, Bali Indonesia, Hawaii..."

Nangingiting tumango siya. Well, Sierra is just so good in maintaining the whole place.
"Where's Blake?" Tanong niya habang umuupo sa tabi ng kanyang mommy. Ang tanging kasama nila ngayon ay si Lia slash Leo na siyang wedding planner na may kasamang dalawang babae, siguro ay staff nito, si Noli at ang assistant nito, ang mommy ni Blake at ang mommy niya.

"I'm contacting him hija. Nang inihatid ka niya kagabi ay hindi na siya umuwi sa bahay. Nagpaalam na sa condo nito siya uuwi. Let's wait for him baka na-traffic lang." Paliwanag ng ginang.

Tumango siya at inabala na muna ang sarili sa kanyang cellphone. May mga pending phone calls kasi siya sa kanyang mga clients kaya iyon muna ang aatupagin niya.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now