Epilogue

43K 722 17
                                    

Epilogue

"How's being a mom so far?"

Nginitian niya ang mga reporters na nakapaligid sa kanya. "Still adjusting because you see, Althea is our first born. Though it is very fulfilling at the same time because whenever she smiles, it feels like all the sleepless nights were payed off."

Katatapos lang ng fashion show ni Therine kung saan siya rumampa bilang isang model. At pagkalabas niya nga sa backstage ay napaligiran na siya ng mga reporters.

"How do you still manage a good body figure?"

"I don't actually have time for gym. Siguro sa kakabuhat na rin kay Althea, she's so big and heavy for an eight months old baby. Ayaw niya rin ng nakapirmi kami sa isang parte ng bahay, so we end up roaming around the house like everyday." Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi, kung dati ay halos tarayan niya ang lahat ng reporters... ngayon ay na-eenjoy na niyang makipagkwentuhan sa mga ito dahil ang topic ay ang kanyang baby.

"We all knew that this is your first modeling apperance since you came back to the country, so what are we going to expect from you this upcoming months?"

"Hindi pa namin nadidiscuss ng husband ko, pinagbigyan ko lang si Therine on this one. You know she's a dear friend. Hindi pa talaga ako tumatanggap ng mga modeling projects ngayon. I'll have to discuss it with my husband first because our daughter is our first priority right now." She smiled happily when she caught a glimpse of her husband carrying their daughter. [Blake and baby Althea--->]
Mukhang naglilikot nanaman ang anak nila dahil palingon-lingon ito sa paligid maging sa taas, pagkatapos ay ituturo nito sabay lingon kay Blake.

"Last question..."

Napabaling siya sa mga reporter. Halos makalimutan na niya ang existence ng mga ito.

"Is it true that your cousin, Rye and Therine are in a relationship again?"

Napakunot noo siya. Hindi niya alam ang pinagsasabi ng reporter. She'll have to talk with Rye later. Last time she checked wala na sila ni Therine.
"I don't really know anything about that issue. You know Rye's attitude when it comes to girls. He's always been a playboy. We all know what happened and he really hurt Therine." Tipid niyang sagot. "I'll go ahead, my family is waiting." Paalam niya bago pa mambubusisi ang mga ito.

Halos isang linggo pa lang mula nung makabalik sila ng Pilipinas. Sa Greece niya ipinanganak ang kanilang baby girl. Blake has been with her through out her pregnancy stage... hindi na ito bumalik ng Pilipinas mula ng nagkaayos sila. Ang parents nila ang siyang nag-asikaso sa kumpanyang hinahawakan ni Blake pati na rin ang Arcega University, minsan ay nagtatrabaho ito pero sa laptop lang. He never left her side. Mas paranoid pa nga ito kaysa sa kanya.
And now that baby Althea is eight months old, they decided to finally go home. It has been more than a year.

Baby Althea squealed in delight when she caught a glimpse of her. Nakangiti niyang nilapitan ang kanyang mag-ama.

"Mommy's here!" Masiglang bati niya habang binubuhat ang kanilang anak dahil nakaamba na ang mga munting kamay nito sa kanya. She kissed her temple.

"You did great." Bati ni Blake sa kanya. He is smiling happily while watching the two of them.

She raised her left eyebrow at him.

Umiling ito bago siya hinalikan ng mabilis sa labi. "You're not convinced?" Umakbay ito sa kanya.

Humilig siya sa dibdib nito. "Eh kasi kailangan pang pilitin yung gwapo kong asawa para dito sa fashionshow na ito."

He chuckled lightly. "Malay ko ba kung bikini ang isusuot mo dito. You know I hate it when other men oggle with what's mine."

"Hmp! Possessive." Pabiro niyang pagtataray. "Isa pa, rainy season na po hindi na uso ang bikini."

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang