Chapter 11

26.1K 521 9
                                    

Chapter Eleven

                  Gaya ng inaasahan niya ay nagtrending nanaman ang pinost niyang picture nila ni Blake. Perks of being a celebrity.

"Ano yan?"

Napaangat siya ng tingin. Si Blake na may hawak ng dalawang mug ang bumungad sa kanya. "Just scrolling through my instagram account."

Naupo ito sa kanyang tabi habang inilalapag sa coffee table ang dala nito. Nasa veranda sila ng kanyang flat. It's almost six in the morning.

Nakisilip ito phone niya. "One million followers huh?"

Tinignan niya ito. "What?"

"Nothing." Iling nito.

Napasinghap siya ng biglang mapindot ang picture nila habang nasa kotse nito. She felt shy all of a sudden. Agad niyang tinakpan ang screen ng kanyang cellphone.

"Bakit mo tinakpan?"

"Kasi nakakahiya?"

He smirked. "So you're being shy now? That's new." He said amusedly.

Tinampal niya ang didib nito. "Wala na ba akong karapatang mahiya?"

"Well, hindi ka nahiya sa libu-libong taong nakakita at makakakita niyan pero sa akin nahihiya ka?"

"Manahimik ka. Nang-aasar ka lang eh." Mataray niyang saad. "Why are you even up so early?" She asked trying to change the topic.

"Now you're changing the topic?"

"Blake!" Banta niya.

He chuckled  lightly. "Fine. I woke up and your not beside me that's why I decided to look for you."

She blushed. Naalala niya kasi ang posisyon nila kanina ng magising siya. Nakaunan siya sa dibdib nito habang nakayakap siya sa bewang nito samantalang si Blake ay mahigpit na nakayakap sa kanya. Their legs tangled under the sheets.

"Nagising kasi ako at hindi na ko makatulog kaya naisipan kong tumambay na lang dito. Eiffel tower is wonderful during dawn." Saad niya habang nakatitig sa tower. Hindi talaga nakakasawa ang tanawing ito. It's one place you'll never get tired of visiting.

Tumango ito.

Her phone dinged kaya nabaling doon ang pansin niya. Someone commented on their photo again.

They look good together! And seems like they're really dating because they're in Paris together!!!

Napangiti siya matapos basahin ang comment na iyon. She continued scrolling through the comments.

Here goes another playtoy for Ianna. And he even followed her in Paris huh.

I bet, they'll break up after a month or so.

They do not look good together! Me and that guy should be together!

"Papansin." Mahina niyang bulong. Sanay na siya sa mga rude comments. Hindi na bago iyan, mas malala pa nga iyong iba. Well, kung bitch ang mga ito mas bitch naman siya...

"Akin na nga yang phone na 'yan." Inagaw nito ang phone mula sa kanya at agad in-exit ang app na iyon.

"Hey, why did you do that?"

"Stop reading those comments. They won't do you any good." He scolded.

She chuckled. "Naaaliw pa nga ako sa mga rude comments eh! Believe me, I've read the worst, katiting pa nga lang iyan eh."

"And you're not even affected?" He raised his eyebrows.

"If I'm happy enough, why would I? Diba? Bahala silang mag-alburuto diyan. They can post rude comments for all they want. Basta ako, masaya. Sila, well bahala na rin sila sa mga buhay nila."

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now