Chapter 17

28.7K 556 23
                                    

Chapter Seventeen

"Ianna. Why are you such in a hurry?"

Nilingon niya ang iilan sa mga kaibigan niyang nandito sa Belladona. "May dinner date kami ng asawa ko." Tipid niyang sagot.

"Kaya naman pala eh!" Kantyaw ni Key.

"You've been married for two months now. Hindi ka parin ba nagsasawa sa kanya?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lj.

Inirapan niya ang mga ito. "Mga bitter lang kayo kasi wala kayong lovelife!"

"So yung meron kayo ni Blake, you consider it lovelife?" One ot the triplets asked.

"I thought it was just marriage with benefits not marriage with love?" The other one asked.

"Kayong triplets, wag niyo akong simulan ha." Banta niya. Mukhang ha-high blood-in siya sa mga kasama. Nakakairita sila.

"Umiiwas." Pang-aasar ni Erin.

She rolled her eyes in the air. "Mga papansin kayo! Ako pa talaga ang iho-hotseat niyo? Sige na I really have to go."

"Inuman tayo minsan!" Pag-aaya ni Key.

"Oo na. Agahan niyo lang ang pagsiset ng date." She waved her goodbye. Hindi na niya nilingon ang mga ito baka may maisip nanamang kalokohan. Matarayan niya pa ang mga ito ng di oras.

Dadaan na lang muna siya ng villa niya dito sa Belladona para makapagbihis tutal ay didiretso na siya sa napag-usapan nilang restaurant ni Blake. Kinalkal niya ang kanyang closet para mamili ng isusuot. Napangisi siya ng makita ang isang fuchsia dress. It shows a little bit of the abdomen part that's covered with lace. Atleast flowy ang skirt nito kaya hindi magaalburuto si Blake. Ayaw na ayaw kasi nito ng nagsusuot siya ng tight fitting dress. Nakabusangot ito kapag ganoon.

She took a quick shower and settled with the fuchsia dress paired with a peach pouch and heels. She let her hair down and did a light make up and her signature red lips. [Ianna's outfit-->]

At exactly seven thirty pm ay ready na siya. Eight ang usapan nila ni Blake kaya halos paliparin na niya ang kanyang kotse. Excited na rin siyang makita ang asawa, maaga itong umalis kanina kaya hindi na niya ito nakita dahil tulog pa siya. Nitong mga nakaraang linggo pakiramdam niya ay masyado na siyang nagiging clingy kay Blake. Gusto niya itong makita palagi. Kapag may commitments siya abroad halos magmadali siya palagi para lang makauwi.

"A reservation under Blake Arcega." Saad niya sa staff ng restaurant na sumalubong sa kanya.

"This way ma'am..."

Tahimik niya itong sinundan. Medyo hindi ganoon karami ang tao, sakto lang sa ambiance ng restaurant. Inilahad ng staff ang mesa na nasa gilid ng floor to ceiling window kung saan overlooking ang view ng city lights. It's very appealing in the eyes.

"Do you want anything ma'am?"

Nilingon niya ang staff. "No thanks. I'm fine, I'll just wait for him." She smiled a little.

Tumango ito at nagpaalam.

She checked her phone hoping for some text from Blake pero wala. She shrugged. Maybe he is driving. Inabala na muna niya ang sarili sa pagcheck ng kanyang instagram account. This is the only social media account which she operates on her own. Iyong sa iba kasi ay puro fanpage na minamanage ng admins. Napangiti siya ng tinignan niya ang kanyang profile. Meron iyong nagsiselfie siya at ang background ay si Blake na seryosong nagluluto sa kitchen nila. Merong picture ng paa nila habang nakaupo sa kanilang living room at nagmomovie marathon. Meron din iyong nakaupo siya sa office chair ni Blake, ito ang kumuha ng picture na iyon nang minsang nangulit siya sa office nito.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt