P r o l o u g e

1.1K 31 9
                                    


Umuwi nanaman akong masaya. Alam niyo kung bakit? Dahil mag-isa nanaman ako.

Siguro marami sainyong na-we weirdohan sakin pero eto ako e, masaya kapag malungkot.

Kinuha ko na yung susi ko galing sa bag at isunuksok na sa doorknob namin. Grabe, na eexcite nanaman ako. Manonood nanaman ako ng kdramas buong magdamag. Binuksan ko yung pintuan namin at nakasalubong ang walang kailaw ilaw naming bahay. Pumunta na ako sa hapag-kainan namin para buksan ang ilaw. Abot naman ng ilaw galing sa hapagkainan papunta sa sala e. Bali, maliit lang bahay namin.

50m^2 lang naman yung bahay namin. Maliit pero masaya. Punong puno siya ng picture naming pamilya.

Nasaan yung pamilya ko? Nagtratrabaho lang naman sila. Umuuwi naman sila ng mga 7pm. Maaga sila umuuwi pero mas maaga akong umuuwi

Kapatid ko? College na siya. Kaso nag-ddorm siya. Minsan lang siya dumalaw saamin. Lalaki pala siya by the way.

Hinubad ko na yung damit ko sa kusina namin. Di naman ako aware sa paligid ko kasi magisa lang naman ako.

Kinuha ko na iyon at nilagay sa maruming labahan. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng bagong damit at sinuot. Nilagay ko na rin yung baunan ko sa lababo at nagsimula mag-hugas. Pagkatapos nun eh humiga na ako sa sala at nag-isip isip.

Bakit ang tahimik ng buhay ko?

Deserve ko ba 'to?

Ansaya ko talaga, omygash!

"NEW HOUSE! NEW TRIPS!" Sigaw nung isang lalaki sa labas ng bahay. Nagmumuni muni ako dito e!

"Ayan ka nanamang bata ka! Di ka na nagbago! Subukan mo lang talaga gumawa ng gulo, lintek ka sakin" Rinig kong sabi ng isang babae. Siguro anak niya 'yun 'no? Bata daw e.

"Kaya nga tayo lumipat ng bahay e, dahil sa katarantaduhan mo. Nagkalayo tuloy kami ng girlfriend ko! Magkagirlfriend ka na rin sana!" Sigaw nung isang lalaki pero hindi yung unang lalaki ha?

Sinarado ko na yung pintuan namin ng malakas para masabi sakanila ang ingay nila.

"Hmp! Sungit ng kapitbahay natin!" Sabi ni boy-ingay

Kapitbahay

Kapitbahay

Kapitbahay

TEKA?! WAG MONG SASABIHIN MAY KAPITBAHAY NA KAMI?!

Nagkaroon naman kami ng kapitbahay dati. Ok lang naman kung magkakaroon kami ng kapitbahay e. Kaso yung dati naming kapitbahay, tahimik. Eh yung bago naming kapitbahay? MAINGAY ATA E.

Hanggang ngayon, nakasarado parin yung pintuan namin. At wala akong balak buksan yan. Mas maingay pa nga sakin yung lalaking yan e! Kaloka!

Mag-f 4:30 na pala. 30 minutes na akong nagmumuni muni dito. Grabe di ko namalayan. Gusto ko tuloy lumabas kaso walang tao sa bahay. Ok lang yan, may susi naman ako e. Kakain nalang ako sa All Day. Kinuha ko uli yung susi ko at nilock yung pinto. Napansin ko na rin na wala na yung nga tao sa labas kanina. Saya naman!

Habang naglalakad ako at medyo malayo na rin yung nararating ko, ramdam ko may tumatawag sakin.

"Ate ate penge piso" Bata lang pala jusko.

Pero nung dinukot ko yung bulsa ko, wala akong maramdaman. Ni isang barya wala. Tanging ang tunog lang ng susi ang naramdaman ko.

"Sht, sorry bata wala akong pera" Saka ako tumakbo palayo sa bata. Sa lahat ba naman ng pwede kalimutan, pera pa talaga 'no?

Tumakbo ako papunta sa bahay namin at di pa ako nalalapit sa bahay namin, nakakita ako ng isang lalaki gusto bukas yung doorknob namin. Napamura nanaman ako sa sarili ko, bakit ang malas malas ko ngayon?!

Tumakbo ako dun sa lalaki at sinuntok siya ng malakas. "Bakit mo ako sinuntok?" Nagtatakang tanong niya sakin habang siya'y nasa lapag hawak hawak ang kanyang pisngi. Ang kapal naman ng mukha niya.

Beastmode ako ngayon. Eh paano kung nabuksan niya yung pintuan? Edi marami siyang mananakaw? Tas ako masisi kasi umalis pa ako? Oh diba?

"Eh bakit mo binubuksan yung pintuan namin?!" Sigaw ko naman sakanya habang tinuturo yung doorknob. Napataas narin yung kilay ko dahil naiinis ako.

"Bakit? Bestfriend mo ba yung naninirahan dito at kailangan mo siya protektahan habang naliligo?" Tumayo na siya at tinaas niya rin yung kilay niya. Mas mataray pa sakin si kuya ey.

"Naliligo? Green Minded ka! At for your information, ako po yung nakatira dito!" Tinalikuran ko siya at nagsimulang buksan yung pintuan namin. Padabog kong binuksan yung pintuan namin kaso ayaw niyang bumukas! Sht! Nakakahiya!

"Ako na nga! Ang lambot lambot kasi eh" Binanga ka niya para buksan yung pintuan at dahil sa ihip ng hangin ng demonyo, nabuksan niya ito.

Biglang namula yung mukha ko dahil sa kahihiyan. Di pa ako nakaka experience ng kahihiyan ko sa isang ganitong tao. Kaloka nakakahiya!

Bigla niya akong hinarap at nagtaka kung bakit ako namula. "Oh bakit ganyan mukha mo? Nagwagwapuhan ka sakin 'no?" Kapal talaga ng mukha niya nyeta. "A-ah hinde! Nakain ko kasi yung sili diyan sa gate namin! S-sige bye na!" Pumasok na ako sa pintuan at pumuntang CR.

Punyeta, nakakahiya talaga. Sa tagal ko ng mag-isa dito sa bahay, ngayon lang ako nakaranas ng ganon. Di ko alam kung minalas ako oh ano.

"Ako nga pala si Jaehyun! You're new kapitbahay!" Sumigaw siya galing labas at narinig ko yung mga tapak niya paalis sa gate namin. Naghugas na ako ng mukha at kumaim ng pancit canton. Kahit gusto ko talaga ng ice cream ngayon, noodles na lang muna kakainin ko. Ayoko na mangyare uli sakin yung nangyare kanina. Nakakatrauma
lalo na yung jae- jai- jaiho? Jaiho ba pangalan nun?

Ewan ko. Bahala na.

Shet, nakalimutan ko yung shower na nakabukas.

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Where stories live. Discover now