L i m a

317 17 7
                                    

Hi! Dedicated for ate xiuminista :) Matatapos na kasi yung ODPS, isa sa pinakagusto kong stories niya huehue! Congrats sainyo! Tsaka sa lahat, Happy Mothers' Day! ❤️💞

"Jae! Wag kang magswi-swimming dun ha! Pagnalaman namin ng dad mo na naswimming ka dun, patay ka talaga samin!" Sigaw ni Mommy habang nag-aayos ako ng gamit.

"Ma, pumunta po ako dun para magpakabait. Hindi po para makipaglandian!" Sabi ko tsaka ako sumimangot. Hindi naman talaga e! Conservative ang ate niyo!

It's been 2 weeks since na-office kami. Nalaman ng buong classroom namin na masu-suspend kami. May ibang nagulat, may ibang nainis. Ako lang daw kasi ang babae, dapat kasama sila. Mga malanditera!

Si Jaehyun? Ayon ok na kami. We're close na tbh. And nakasama na rin siya sa team. Magkatabi kami so lagi kaming magkausap.

Si Taeyong? #LandianAngStatusNamin

Kasama pala namin yung EXO, oo alam ko na. EXO pala yun at nalaman ko kay Doyoung yun. Pinagtawanan pa nga nila ako nung sinabi kong ESO e :(

Okay so balik sa topic. 3 days kami don. May magbabantay din saamin dun pero hindi daw teacher or staff ng school. Yung may-ari daw nun, isang dating principal.

So bali, 20 kaming magreretreat. 12 yung EXO, 8 kami. Dami namin 'no!

AT MAY SARILI AKONG KWARTO! KWARTO KO LANG. AKALA NIYO HA! Pero yung iba, share share sila. Tig a-apat sila pero room. Spell special, J-A-E-Y-C-E-E.

Ilang sandali pagkatapos akong matapos sa pagiimpake, biglang dumating yung van sa tapat ng bahay namin. Yun na siguro yun. Sinusundo na ako ng mga angel kong kaibigan. Pwe!

Pumasok na ako sa loob. Sisigaw na dapat ako kaso natigilan ako. Iba pala kasama ko.

Yung ibang members ng exo. Grabe yung mga tingin nila sakin. Parang alien o kaya diring diri sila sakin. Naghanap naman ako ng mauupuan at dahil swerte ako, sa first row ako.

Tinignan ko yung katabi ko. "Noonaaaa~" bulong niya sakin.

"Oy Mark, anong ginagawa mo dito? Bat sila kasama natin? Bat nagkahiwalay tayo sa iba?" Sunod sunod kong tanong. Ang creepy kasi nila e.

"Wag kang matakot noona. Nasa likod lang naman sila Johnny hyung at Yuta hyung. Nasa pagitan pa nga ng exo si Taeil hyung. Pasalamat ka wala ka dun." At dahil dun, Tumingin ko sa likod ko. Nakita ko pwesto namin. At oo nga, kawawa si Taeil.

Driver//blank//Suho
Mark// Dyosang Jae// blank// blank
Yuta// Lay// Sehun// blank
Kris// Taeil// Tao// blank
Johnny// Chen// Kyungsoo// blank

(Diba apatan naman yung sa van? Hahaha)

"Nagulat nga kami nung sinuntok mo si Jongin e!" Sigaw ni Chen kay Johnny. Si Kyungsoo naman, tinignan ng masama ang katabi niya. Ang ingay daw kasi.

"Alam mo kung bat ko ginawa yun hyung?" Kunyareng bulong kay Johnny kay Chen ng biglang nagsalita si Kris. "Ang ingay" at yun ang nagpatahimil sakanila.

Tinignan ko sila sa likod tas nakita ako ni Johnny kaya kinawayan ako. Tinarayan ko tas natulog nalang ako sa byahe.

"Huy nandito na tayo." Sabi ng isang member ng exo. Inaalog pa nga ako e. Nakakahiya naman siya pa ang gumising sakin. Nakasandal pa ako sa balikat niya.

TEKA WALA NAMAN AKONG KATABING EXO MEMBER AH?

Minulat ko yung mata ako at nakita ko bigla si Jaehyun. "Hoy Hyun, bat ka nandito?" Nagtatakang tanong ko. Bat parang kaboses niya yung isang exo member? Luh.

Hyun pala nickname niya samin. Pag kasi 'jae' yung nickname edi pareho na kami? Kaya hyun nalang. Hyunnie pa nga paminsan e.

"Kasama ako sa suspension bae. Nakipagsuntukan din ako para magkasama parin tayo" at bigla pa naman akong kininditan. Luh, di kami talo! Kunyari lesbi ako para kay Lami chos.

"Tangina mo Jung Jaehyun" at iniwan ko na siya sa van. Ako na lang pala yung natira sa van. Naglakad lakad lang ako hanggang sa nakita ko sila johnny kumakain ng tanghalian. Parang venue siya ng pang party pero outside siya. Psh Iniwan ako hala sila.

"Anlalaki ng kasalanan niyo sakin hoy!" Saka ko piningot sila Mark, at Johnny. Di nila ako ginising e "Hala jae! Anduga! Bat hindi mo piningot sila Yuta at Taeil?" Nagpout naman si Johnny. Wag ganon bhe, cute mo.

"Di naman nila ako kinausap kanina e" Umupo na ako saka kumuha na ng pagkain ko. Habang kumakain ako, biglang dumating si Jaehyun kasama yung mga gamit ko. Hala nakalimutan ko. Nakakahiya.

"Ako ang nagsabi sakanila wag kang gisingin. Tulo laway ka pa kanina e. Sayang tulog mo." Tas binaba niya yung gamit ko. Hindi na ako sumagot at tumingin ako kanila Johnny at nag-aegyo. They can't resist my aegyo.

After nun, umalis na din si Jaehyun. Di ko alam kung saan pumunta. Yung iba naman natapos na rin. Dahil ako yung huling dumating, ako narin ang huling natapos kaya ako nalang an naghugas ng mga pinggan nila. Nakakahiya kasi diba? Pwe.

Sabi nila Xiumin, sila nalang daw ang maghugas pero I insist. Ok na din 'to. Atleast parang retreat na talaga 'to. May magawa akong mabuti lol.

Buti may dumating na helpers, at sila na ang gumawa ng iba kong gawain. Tinuro na rin sakin yung room ko. Pagkapapunta ko din, agad akong humiga. Inayos ko na din yung gamit ko sa wardrobe.

Matutulog sana ako kaso biglang may kumatok. Pagbukas ko, isang middle age woman ang sumalubong sakin. "Good afternoon po" bati ko.

"Ikaw ba si Cruz Jaeycee?" Tumango naman ako.

"I'm Jung Julia but you can call me Mrs. Jung. I guess napakilala na ako ni Suzu?" Tumango uli ako. Pinababa niya ako pagkatapos.

Pumunta ako sa party venue uli. Nandun na pala sila. Tumabi ako sa gitna nila Hansol at Ten. Tahimik sila ngayon. Pero yung exo, hindi. Hmmm

Nagsalita na si Ms. Jung sa harapan namin. Ang ganda niya pala kung tutuusin. Mukhang bata. Ang ganda ng kutis niya. Sana ganon din ako paglaki.

Pero all in all, di ako nakinig sakaniya. Parang kasi inaantok ako. Ewan ko ba.

"Cruz Jaeycee" sabi ni Mrs. Jung. Bigla akong napatayo. Napatingin sila lahat sakin. "Po?"

"You're with my nephew, Jung Jaehyun since you're the only girl here." Without hesitation, tumabi ako kay Jaehyun which is nasa sulok ng mga upuan. Patuloy parin sa pagsasalita si Mrs. Jung.

Parang nagulat naman siya sakin. "Bat ka nandito sa tabi ko? Miss mo na agad ako?" Loko talaga 'to si Jaehyun. "Asa ka. Over my dead body, Jung Jaehyun. Wala akong gusto sayo at hindi ako magkakaroon ng gusto sayo. Itaya ko pa virginity ko" tinatarayan ko siya.

"Sige ha? Sabi mo yan ha. Isulat mo pa yan sa diary mo para di mo makalimutan. I'll make it sure na hindi mo makakalimutan 'tong sinabi mo." Inakbayan niya ako pagkatapos pero pinalo ko din yun braso niya. "Pero seryoso, bakit ka nandito?" Tinanong niya uli sakin.

"Sabi kasi ni Mrs. Jung, 'You're with my nephew, Jung Jaehyun since you're the only girl here'. Hindi ako nakinig, sorry!" Nagpeace sign ako after.

Nag-iba bigla yung mukha niya. Mga ilang sandali, hinugasan niya yung mukhang ng kamay niya. Mukha may problema ata? May mali ba akon sinabi?

"Partner mo ako. Ibig sabihin, dapat lagi tayo magkasama. Mapa-mission man yan ng retreat or what. Kahit saan ako magpunta, dapat kasama kita. Same with you. Kahit saan. Even at night Jae"

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Where stories live. Discover now