D a l a w a

448 18 5
                                    

"Bye Jae!" Paalam sakin ng mga kaibigan ko.

"Bye mga panget!" Paalam ko rin sakanila.

At sa wakas, makakauwi na uli ako. Tatahimik na uli ang buhay ko. Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Nilagay ko yung earphones ko sa tenga ko at nakinig at hinawakan yung bag ko ng maigi. Ganito lang naman ako lagi.

Although malalapit lang ang bahay nila saakin, mas gusto kong umalis mag-isa. Tsaka late narin sila umuuwi, varsity eh. 

Habang naglalakad ako, naramdaman ko may kumakalikot na sa bag ko. Tumalikod ako at saka sinipa yung paa niya.

"Aray pota!" Sigaw ni mokong. Si mokong lang naman pota. Ugh!

"Bakit mo ako sinipa?" Tanong niya sakin habang hinihimas yung paa niya. Mukhang napalakas yung sipa ko pero tama lang naman yun!

"Eh bakit mo kinakalikot yung bag ko?!" Napataas yung boses ko sakaniya. Bakit ba siya nagagalit?

"Eh kasi, naiwan mo yung notebook mo sa classroom. Kanina pa kita tinatawag, kaso naka earphones ka. Kaya napagisipan ko na ako nalang mag-lalagay! Ako na nga lang 'to nagmamalasakit e" Iniwan niya ako dun at naglakad. Ang kapal niyang iwan ako dito ha? Edi sana kinalabit niya ako diba? PMS lang ang peg?

Nakita ko yubg notebook kong nasalapag. Siguro nahulog niya nung nilalagay niya. Eto yung notebook kong sinusulatan nung nakilala ko si Taeyong. Memories!

Nakapunta na akong bahay at ngayon magisa nalang uli ako. 4 hours akong magiging loner and masaya yun. Kinuha ko na yung laptop ko at nagsearch na ng kdrama. Pero dahil miss ko na yung TTBH (To The Beautiful You), mag mama-marathon ako dun.

Nung nandun na ako sa part na hahalikan na ni Tae Joon si Jae Hee, PUNYETA ANLAKAS NG SPEAKERS NG KAPITBAHAY NAMIN!

"BECAUSE TONIGHT WILL BE THE NIGHT THAT I WILL FALL FOR YOU, OVER AGAIN! DON'T MAKE ME CHANGE MY MIND~" Punyeta, wala akong pakialam kung may pinagdadaanan yung kapitbahay namin o meron. Pero sana may awa naman siya sa mga kapitbahay nila diba?

Ang nakakainis lang, puro pang senti yung songs niya. Kaloka, 2016 na! Emo ka paren?!

Hindi naman ako pwedeng mag earphones ng mag-isa. Baka may tumatawag na sakin sa labas, di ko parin naririnig. Malay mo may apocalypse na pala?

Kanina pa nagpapatugtog yung kapitbahay namin ng mga senti. Kung payabangan lang naman kung sino ang may pinakamalakas na speaker, edi lalaban ako diyan!

Kino-nek ko na lahat ng wire ng laptop dun sa mga dambohalang speaker namin. Speaker siya yung pang sa misa? Parang ganon. Meron kaming 3 ganun.

Nagpatugtog na ako ng mga KPOP song tulad ng Ring Ding Dong ng SHINee, Sorry Sorry ng Super Junior, Mirotic ng TVXQ with matching sayaw syempre.

"ABA MAGKAROON KAYO NG AWA SA SUBDIVISION NATIN!" Sigaw ng matanda. May hawak na siyang torotot para marinig namin.

May puso ako kaya pinatay ko. "Sorry po!" Tapos pumasok uli ako. Pero etong kapitbahay namin, hindi parin tumigil. Parang bingi lang? Tangina nakakita ka ba ng bingi ng naka-earphones? Ano iniinsulto lang yung sarili? Lumabas ako para tawagin siya.

"Bui!"

"Hoy!"

"Jaiho boy!"

"Koya!"

Tangina hanggang ngayon, di parin ako naririnig. Boset! Pag talaga nawalan ako ng vocal chords, siya sisihin niyo ah? Mawawalan yung mundo ng world class na singer. Pwe!

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Where stories live. Discover now