I s a

680 27 24
                                    

"Jae, gising na. May pasok ka pa." Yan yung alarm ko. Boses ko po yan para hindi nanakakarita. Maarte na kung maarte pero maganda parin ako.

Ginawa ko na ang daily routine ko tuwing umaga. Naligo, nagsipilyo, nagbihis, kumain. What a normal day to me huahua. Nagpaalam na ako kanila mommy na papasok na ako. Sila mommy? Nagreready narin sila. Papasok na din sila. Pero mas nauuna akong umalis kahit 7:20 pa pasok ko.

Anong oras na ba? 6:30 palang. Mas maganda na yung maaga sa school, atleast kung may nakalimutan kang assignment eh pwede mo na dun gawin!

Gawain yan ng author niyo.

Nagtr-tricycle ako papuntang school, bente lang naman kasi babayaran ko. Actually, walking distance siya pero dahil maganda ako eh kailangan ko magtricycle.

Nag aabang lang naman ako dito sa kanto namin ng tricycle at sa wakas, meron na. Kilala na ako ng nga tricycle drivers dito. Astig nga e, parang reyna ng mga tricycle haha.

Pumasok na ako at nagbayad agad. Para hindi na abala sa pagbaba 'no!

"Teka lang kuya!" Sigaw ng isang lalaki na hindi pa nakakalayo saamin. Sumilip ako sa likod at nakita ko si jaiho.

"Who u iho?" Sabi nung driver. Wag kayo! English spokening sila! HAHAHAHA

"Bagong lipat lang po kami dito. Pwede po bang makisabay? Malapit lang naman po yung eskuwelahan ko dito" Sabi niya tapos ngumiti. Ampanget naman neto potspa.

At napansin ko lang, mas maputi siya sakin. Wow ha? Ako pa 'tong hindi lumalabas ng bahay, tapos ako pa ang dakilang maitim sa classroom namin. Tapos siya? Kalalaking tao? Ang puti puti?

"Hoy, sabi ko usog. Di ka ba susunod?" Nagulat nalang ako ng nakita ko si Jaiho sa labas ng tricycle, nakatitig sakin. Bigla nalang ako umusog at hindi ko alam kung bakit.

Umupo na siya at nakita ko yung uniform niya. Pareho kami ng school na pupuntahan. Punyemas. Sa lahat ng schools dito, saakin pa talaga? Kapal ko 'no? Akala mo kung sino nag mamay-ari ng isang paaralan. Pero sana di ko siya kaklase. Ayaw ko ng kaklaseng panget HAHAHAHAHA

"Crush mo ako 'no?" Bigla niyang sabi. Eng kepel ng mekhe nye jeske pe.

"Hindi 'no. Pinagmamasdan ko lang yung mukha mo. Bakit kaya ang pangit pangit mo?" Sabi ko sakanya. Puti lang kaya yung nagdala sakaniya.

"Pwe, laos na yang rason mo." Di ko na siya pinansin kasi wala naman magandang maidudulot 'tong usapan namin.

Bigla niyang ginalaw yung pwet niya. "Ano bayan, ansikip naman dito. Antaba kasi ng katabi ko e" Bigla niyang sabi. Wow? Ako? Mataba? Fyi? Kapag kaya may runaway competition sa subdivision namin, ako kaya ang pambato ng street namin? At guess what, 3 years straight ang panalo ko?

Di ko nalang uli siya pinansin kasi walang kwenta ang topic namin.

Biglang tumigil yung tricycle sa tapat ng school namin. Baba na sana ako kaso hindi pa bumababa yung kasama ko. Ano problema neto?

"Pst, baba na." Sabi ko. Bigla siyang napatingin sakin at binigyan ng 'huh-look'

"Eto na ba yun?" Tanong niya dun sa isang building, which is yung school nga namin.

"Di mo alam yung school mo? Oo yan yun. Bumaba ka na bilis" Bigla naman siyang bumaba at pinauna na ako umalis. Dere-deresto lang ako sa hallway ng may tumawag nanaman sakin.

"Huy, alam mo ba yung 9-Narra na section?" Bigla siyang tumabi saakin habang naglalakas ako. Punyemas, bakit niya hinahanap yung section ko?

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon