sorry

156 5 1
                                    

If you don't like ranting, you can leave this chapter

Mag uupdate na sana ako. KASO PUTA NAWALA YUNG ISANG CHAPTER AND HINDI KO NA SIYA MAREVISE.

Wala ng lumalabas sa revision history chuchu ko at hindi ko alam kung bakit. Sinisingit ko na nga lang yung pagtype neto kapag may free time ko, FREE TIME NA WALA TALAGA AKONG GINAGAWA NYETA KASO HUHUHU SO SAD MGA FRE.

Pero as a 'bawi' sainyo guys kasi hindi talaga ako makaka-update ngayon, i'll give you a poem. Actually, mag s-spoken poetry ako sa wed and naka dedicated ito sa crush ko hahahaha. Ayern na lang. Sana magustuhan niyo.








May kalungkutan na nadarama sa pagbabang hagdan
Napakasikip nd daan, tila bang nahihirapan ang isipan
At parang tadhana and paghulog ng dahil sa katangahan
Ako'y nahulog na pala ng hindi ko namalayan

Nagsimula sa isang pekeng halik
Ang kilig ko napaka tahimik
Tila bang tinggalan mo ang puso ko ng tinik
Para ito'y sayo'y umimik

Araw-araw tayo noo'y magkatabi
Madalas kong mapansin ang mapula mong labi
Hindi ko namalayan tayo'y naguusap na hanggang gabi
Grabe, mas nahuhulog ako saiyong sinasabi

Hindi ka naman ganun kagwapo
Pero ikaw ang natipuhan ng puso ko
Hindi ko alam kung bakit lumala ito
Basta ang alam ko, ikaw ang laman ng aking puso

Alam mo bang matagal ko na 'tong kinikimkikim
Isa ito sa mga pinakamatagal kong lihim
Ang malaman mo ang sikreto ko ay saki'y isang lagim
Pero ikaw ang nagbibigay liwanag sa buhay kong madilim

Dumating ang araw na kailangan natin maghiwalay
Isip ko'y tila hindi ba sanay
Para bang katawan ko'y tinaggalan ng buhay
Kaya't mata ko'y laging sayo'y nakabantay

Nalungkot ako sa balitang aking narinig
Mayroon daw isang babae sayo'y daw nakatitig
Biglang hindi mahanap ang mga tutugmang patinig at katinig
Sapagkat hindi ko maibuka ang aking bibig

Ano bang meron sayo?
Ano bang meron sayo at bakit ako nagkakaganto?
Bwisit na kupido!
Pero salamat at pinana mo rin ang kanyang puso

Hindi naman ako singkit
Ngunit pag ika'y nakikita, mata ko'y parang pumipikit
Sa sobrang saya, ako'y paminsan nanakit
Dahil ang puso mo ay aking nasungkit

Lumipas ang panahon at tayo'y mas nagkakilala
Tuwing bumabalik sakin ang mga ala-ala
Ngiti ko'y ko nangniningning parang mga tala
Kaya't nararamdaman ko'y mas lalong lumalala

Kahit ganito, ako'y naasa parin
Na kahit konti, ako'y bigyan mo ng pansin
Sana ipakita mo na ako'y mahalaga rin
Dahil minsan, sawang sawa na ako ika'y tanawin

Nabwibwisit ako
Bakit ba lagi nalang ako na ty-typo
Hindi ko naman sinasadyang mapindot ito
Pero dahil bang, parang, siguro nga, 'kasi walang tayo?'

Paminsan ako'y sayo'y naiinis
Kahit sa malayo ay ang sarap mong batuhin ng lapis
Sapagkat kahit ganun ay ako'y nagtitiis
Dahil sayo, tibok ng puso ko ay bumibilis

May karapatan ba akong magalit
Sa mga sagot mong napakalupit
Hindi ko maisip kung bakit
Kung umasta ka ay para akong isang gamit
Na kayang kaya mong ipagpalit

Ako ba ay nagmamadali
O sadyang ang isip ko ay may mali
Dahil sa bawat sandali
Ang aking pakiramdam ay hindi mapakali

Ako'y pagod ng mapagod
Dahil sa mga mabababaw na bagay ay utak ko'y laging nalulunod
Akala ko ang ating istorya ay wala ng buod
Sapagkat ang mga salita ay hindi na sumusugod

Ako'y humihingi ng tawad
Patawad kasi ang mali kong naramdaman ay nalantad
Pero sana tandaan mo na ika'y walang katulad
Kahit humantong ka sa kahit na anong edad

Gusto kasi kita
Gustong gusto kasi kita
Ngunit parang ayokong ipakita
Kasi hindi ko maipabatid gamit ang mga salita
O baka hindi mo lang makita gamit ang iyong magagandang mata
O baka ika'y magakala lamang na ako'y nagiingay na parang lata

Gusto kita
Gustong gusto kita
Kaya lang ako'y natataranta
Lalo na may dumidikit sayo na mga linta
Kasi natatakot ako na ang pag-ibig mo saakin ay biglang malanta
Lalo't na hindi ako isang magaling na makata
Kaya nga't ginagamit ko ang aking boses bilang sandata
Upang maipagtanggol kita
Kasi nga
Gusto kita

Sa pagtaas at pagbaba ng ating pag-iibigan
Hindi ko naisip na ika'y palitan
Kaya't hindi ako magsasawang ika'y hakgan
Hanggang sa tayo'y mauwi sa habang buhay na pagmamahalan

Dahil sa mga mata mong kumikislap
Alam kong tayo'y magsisikap
Para sabay natin aabutin ang ating pangarap
At uuwi akong masaya sa iyong mga yakap

Nagsimula sa hagdan ng eskuwelahan
At sana magtapos sa hagdan ng simbahan
At sana lagi mong tandaan
Na ang pagmamahal ko sayo'y walang hanggan


P.s: m.u. kami ng crush ko

The Sounds of Love [NCT JAEHYUN FANFIC]Where stories live. Discover now