§I: HE'S ALICE§

159 10 10
                                    

§Chapter I§

He's Alice

ALICE'S

"Good morning Alice in the Gaynessland!" Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang sa silid namin ay agad na sumalubong sa akin si Aureus at inakbayan ako gamit ang batak n'yang braso. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto kung saan ako tumigil at napabuntong hininga nalamang.

Don't get the wrong idea, This dude is not a friend of mine. Well, I don't really have friends in this room--- university rather.

In short...

I live alone.

"Kamusta ang pinaka paboritong alaga ko sa buong mundo?" aniya at sinimulang idiin ang kamao niya sa tuktok ng ulo ko. Kung s'ya ay galak na galak sa ginagawa n'ya ako naman ay napapangiwi nalamang sa sakit dahil sa diin ng kamao n'ya sa ulo ko.

"Ito, buhay parin naman" walang emosyon kong sagot sa kabila ng sakit na pinararanas n'ya sa akin.

"Tanga! Bobo! Walang utak! Kelan pa natutong magsalita ang isang hayop ha?" giit nito at sa bawat panglalait na binitaw ng bibig n'ya ay may kaakibat na sapok sa ulo ko pero tiniis ko nalamang ito, ni hindi manlang ako nakakaramdam ng urge para gumanti. Okay lang kung ibitin man n'ya akong patiwarik o kahit pagbubugbugin n'ya man ako sa harap ng mga kaklase ko ngayon. Well, the thing is I started not to care anymore.

"Hoy Alice the whimpy dumb dog, nalimutan mo na ba kung paano tumahol?" tanong nito sabay tulak sa akin sa sahig na syang dahilan para mapatigil ang lahat sa kani- kanilang usapan at buong atensyon nila ay napunta sa amin.

"Mas muka kang aso sa'kin bro"

Gusto ko sanang sabihin ito sa kanya dahil sa muka n'ya na parang pitbull dahil sa magkakasalubong na kilay nito na dahilan ng pagkakunot ng noo nito. Pero 'wag nalang, baka maoffend ko pa s'ya.

"Aba, nagiging asong ulol kana ata ngayon ah" bulyaw nito at kinuwelyuhan ako dahilan upang mapaangat ako sa kinauupuan ko at mapatapat ang muka ko sa muka n'ya. Nagulat nalamang ako nang tingnan ko s'ya, mata sa mata.

He looks like a angry pitbull that's ready to eat a bag of dog treats but this is not the thing that bothered me...

I know this familliar morbid feeling...

Even though this isn't the first time seeing death it still gives me the creeps.

"Time of death 12:30 PM"

"Place of death The University Cafeteria"

" Cause of death is food"

Kahit hindi ko man s'ya tanungin ay agad naman akong pinangunahan ni Cheshiree na bigla-bigla nalamang sumulpot sa likod ni Aureus galing sa kawalan at nakangisi pa na ani mo'y galak na galak dahil napag-alaman.

"Para ka yatang nakakita ng multo" puna ni Aureus na hangang ngayon ay hawak parin ako sa kwelyo.

"Any last words for him, Alice?" nakangising tanong ni Cheshiree habang patong patong ang siko niya sa balikat ni Aureus na walang kamalay-malay sa presensya niya. Well, actually all of them doesn't know her existence. Unfortunately, only I can see this haft human half cat thingy...

"I pity you, Aureus" sambit ko habang nakatingin sa mga mata n'ya na bakas ngayon ang pagtataka marahil sa sinabi ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak na s'yang nagpatumbang muli sa akin sa sahig.

But Alice, this is not wonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon