§II: PECULIAR THING§

70 7 4
                                    

§Chapter II§

Peculiar Things

ALICE'S

The class was dismissed because of that event. Nagsidatingan na ang mga pulis dala ang kanilang mga sasakyan pati na ang mga media na dala-dala naman ang mga kagamitan nila, lahat ng mga estudyate at mga guro ay hindi na hinayaan pang pumasok sa loob. Hinarangan na ng mga police tape ang buong eskwelahan namin kaya wala kaming nagawa kung hindi ang tumayo sa labas ng tape na nakaharang.

"Are you sad Alice?" tanong ni Chesiree habang lumututang sa ere. Hindi ko na lamang s'ya sinagot dahil maraming mga taong nakapaligid sa akin ngayon at nakikiusyoso sa pangyayari, baka mapagkamalan pa akong baliw kapag sinagot ko s'ya ngayon. Tamang-tama at kadarating lang ng ambulansya, baka isama pa nila ako doon habang kinukuha ang katawan ni Aureus.

"To all of the students of Leondelle University who are still here, class will be suspended until the case of Judaureus Scyche is solved. We will be informing you when will be the resume of the class via text message" maotoridad na anunsyo ng Dean ng Unbersidad namin na pansamantalang nakikipag-usap sa mga pulisya at tinututukan na ng iba't-ibang camera ngayon.

Early vacation because of Aureus? I didn't thought that there will be a silver lining regarding this situation. Well, actually I felt a jolt of happiness because I'm sick of his shit but I didn't expect that it will result to a long break.

No shit. No class. Perfect.

But then, I still have to do my part time job though. Still, no classes though.

Noong dumating ang ambulansya ay agad naman silang kumilos at kinuha ang bangkay ni Aureus gamit ang stretcher habang may nakapatong na kulay puting tela sa katawan nito. Lahat ng mga mata ay nakatuon ang pansin dito, pati ang mga tunog at ilaw ng mga camera ay nagsisimula nang balutin ang lugar.

Hindi ko maiwasang taasan ng mga balahibo, naalala ko bigla noong ako ay nakahiga sa bakal na lamesa at may taklob ring kumot sa buong katawan gaya ng nasasaksihan namin ngayon . Remembering that day still gives me chills in my spine, I will never forget that feeling.

****

Sobrang lamig ng nararamdaman ko, para bang nasa loob ako ng freezer na nakapihit ang numero sa pinakamataas na temperatura.

"Alice, wakey wakey"

May naririnig akong nagsasalita at tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko mawari kung saang parte ito nanggagaling, para bang tumatalon ang boses n'ya kung saan-saan. Wala rin akong makita dahil tanging kadiliman lamang ang nakikita ko sa kahit anong direksyong lingunin ko.

"You're not awake Alice"

Muli, narinig ko nanaman s'yang magsalita pero kagaya noong una ay hindi ko parin mawari kung nasaan s'ya. Tutugon na sana ako sa kanya ngunit ngayon ko lang napagtanto na walang boses na lumalabas sa bibig ko--kahit anong sigaw ko ay walang lumalabas na kahit ano mang salita. Akala ko ito lamang ang hindi ko kayang gawin, ngunit noong sinubukan kong igalaw ang mga paa ko ay para bang naparalisa ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw...

But Alice, this is not wonderlandWhere stories live. Discover now