§III: WICKED§

73 6 7
                                    

§ Chapter III §

Wicked

ALICE'S


"Thank God" sambit ko nalamang nang tuluyan ko nang marating ang destinasyon ko.

Binuksan ko ang salaming pinto ng convenience store at agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin mula sa loob na s'ya namang aking dinama. Sobra kasi akong pinagpapawisan ngayon kahit na hindi naman ganoon kalayo ang nilakad ko. Dahil sa sobrang init ng panahon sa labas ngayon, nagmuka tuloy akong tumakbo  sa isang marathon.

"Hey Alice!" nang tuluyan na akong makapasok ay agad na may bumati saking isang pamilyar na boses.

"Hey Vlad" bati ko pabalik sa kanya na kasalukuyang nagta-trabaho ngayon sa bilang isang cashier.

His name is Vladimir Spade and he's my workmate. S'ya ang nakatoka ngayong hapon upang magtrabaho dito sa convenience store na ito na pinagtatrabahuhan ko rin.

"So, skipping class is your thing now?" aniya pa habang inaayos ang mga kaha ng  mga sigarilyong natumba sa cashier table.

"Early dismissal" tipid kong sagot at nagpatuloy lang sa paglalakad sa loob ng tindahan.

"Ang daya, bakit kami may klase pa?" dagdag pa nito pero hindi na ako tumugon dito at dumeretso na sa food area.

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid ng maliit na tindahan. Napatigil ang tingin ko sa isang shelf na nakahelera ang mga iba't-ibang uri ng mga cup noodles.

Naglakad ako papunta dito at nagsimulang hanapin ang paborito kong noodles. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang spicy shrimp flavored ramen na nag-iisa nalang sa pangalawang hanay ng shelf. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinawakan ko na agad ito dahil sa gutom, idagdag mo pa ang paglalakad ko sa mainit na kalsada.

Nang mahawakan ko na ito ay bigla namang may kamay na pumatong sa kamay kong kasalukuyang nakahawak sa noodles. Napalingon ako sa kanan ko upang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na ito at nakita ang isang babae na kasalukuyan na ring nakatingin sa akin.

Saglit kaming nagkatitigan, siguro dahil narin sa sitwasyon pero agad naman akong natauhan nang bigla siyang bumitaw sa kamay ko at napatingin sa baba na ani mo'y napahiya sa ginawa n'ya.

This is awkward...

"Sige na Miss, sa'yo na'to" suko ko nalamang kahit pa labag ito sa kalooban ko.

"Salamat" tugon naman nito sabay kuha ng noodles sa kinalalagyan nito sabay lakad palayo.

Wow, just wow. She didn't even hesitated, wala manlang pabebe style.

"That was interesting" panunuya pa ni Cheshiree kaya napabuntong hininga nalang ako at naglakad nalang patungo sa hanay ng mga tinapay.

****

"Thank you sir, come again" sambit ni Vlad sabay kindat matapos kong bayaran ang ham sandwich at tubig na binili ko, napatango nalamang ako bilang tugon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

But Alice, this is not wonderlandWhere stories live. Discover now