Desire 21

63.5K 935 39
                                    

Xiara's POV

"Oh God. Please, Xiara wake up. Baby wake up, please." nakarinig ako nf mahihinang pagmumura at naramdaman ko ang pag-angat ko.

Dahan-dahan kong imimulat ang aking mga mata at doon tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Simon habang buhat buhat ako.

"S-Simon?"

Napatingin sa akin to at nakita ko ang relief sa mukha niya. Nagawa pa nga ako nitong halikan sa noo.

Nagmamadali siyang pumanhik at ipinasok ako sa loob ng kwarto niya. Ibinaba niya ako kama atsaka ako niyakap ng sobrang higpit.

"T-teka.. A-anong problema mo at ganyan ka makaasta?" tanong ko rito at ramdam ko ang lamig dahil nakatuwalya lamang ako.

Nanlaki ang mga mata ko at saka itinulak si Simon palayo sa akin.

"BAKIT KA PUMASOK SA LOOB NG CR?" pasigaw kong tanong dito. Nakita ko naman ang pagkagulumihanan sa mukha nito.

"Its almost one and a half hour since you've entered in that fucking bathroom, that's why I went in! Im fucking worried that you might leave me or worst than that!" frustrated na wika nito at sinabunutan pa ang sarili.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa lalo pa sa itsura nito ngayon. Para bang hindi niya kakayanin pang mawalay o mawala muli ang taong mahal niya --- dream on, Xiara.

Masakit pa din pala talagang isipin na hindi ka niya mahal. Siguro natatakot lang si Simon na ilayo ko sa kanya ang anak niya, nothing more, nothing less.

"Edi sana hinayaan mo na lang ako doon sa bathtub. Ayaw mo nun? M-makukuha mo na sa akin a-ang anak ko. O kaya m-mapapanatag ka na kasi m-malay mo diba? M-mamatay ako doon." parang may bumikig sa lalamunan ko.

Kahit nanghihina ay tumayo ako upang lumabas na sana nang maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap galing sa likuran.

Napakagat labi na lang ako at pinigilang mapaluha. Tang ina. Ganito pala talaga kasakit kapag bumalik ka sa taong mahal mo na hindi ka naman mahal.

"Tama na naman, Simon. Nagmamakaawa ako sa iyo. Gusto ko ng tahimik na buhay. Iyong masaya kahit wala ka sa tabi ko k-kasi.. Nahihirapan na ako. Pagod na akong mahalin ang Simon Chromewell na katulad mo." napaluha na ako ng tuluyan at pilit na inaalis ang mga bisig niya na nakapulupot sa akin.

Walang namutawing salita sa kanya at iniharap niya ako upang gawaran ng isang malamyos na halik.

Gusto ko ang mga halik niya na para bang ipinararamdam sa aking mahal niya ako pero alam kong mali ito. May taong naghihintay sa kanya sa Maynila na dapat niyang pakasalan at hindi ako iyon.

Kahit masakit man sa loob ay inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mga mata gayun din ang awa kaya lalo akong nasasaktan.

"Parang awa mo na, Simon. Pakawalan mo na ako. Siguro nga hindi talaga ikaw ang para sa akin dahil sino nga naman ako? Isa lang naman akong alaala sa nakaraan na pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa taong hindi naman siya kayang mahalin. Isa lang naman akong babaeng walang pangarap kundi ang maging masaya sa piling ng taong mahal niya."

"At alam ko naman eh, wala akong pag-asa sa iyo Simon. Simula't sapul noong mga bata pa lang tayo alam kong makakalimutan mo din ako pagbalik mong Maynila. And guess what, I was totally right. Sino nga namang aasang babalik pa ang taong namatay na? Kaya diba, mas magandang kalimutan mo na lang? Masakit mang pakawalan ka pero.."

Napahagulgol na lamang ako at niyakap ang aking sarili. Ni hindi ko rin gustong hawakan niya ako sa mga oras na ito.

"Ayoko na Simon. Pinapakawalan ko na ang alaala natin noong mga bata pa tayo. Iyong mga alaalang magkasama pa tayo bilang isang sekretarya mo. At ang alaalang pinagsaluhan natin para mapag-isa ang mga katawan natin. Mahal kita pero sumusuko na ako. Kaya please, hayaan mo na din ako?"

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha nito ngunit mas nararamdaman ko ang bigat sa dibdib ko sa mga panahong ito. Panahon na para isuko ang isang taong alam kong hindi para siguro sa akin.

"Ayan ba talaga ang gusto mo? Ayan ba talaga ang makakapagpasaya sayo?" tanong nito at kita ko pa ang pagkuyom ng kamao nito.

Sinagot ko na lamang siya ng tango at pinunasan ang mga luhang naglalandas sa aking mga mata.

"Then, its all yours. Pero hindi mo kailan man pwedeng tanggalin ang karapatan ko sa anak natin." sabi nito at iniwan akong nag-iisa sa kwartong iyon. Napahagulgol na lamang ako at hinayaan ang sarili kong ibuhos lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko.

Simon's POV

Hearing her crying is really breaking my heart. I wanted to ease the pain that she's having right now but I know that I'm the reason why she's suffering.

Mahal ko rin siya pero hindi ko kayang aminin. Alam ko sa pagiging duwag ko, maaaring mawala sa akin ang babaeng mahal ko lalo na ang anak ko.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano.

Naguguluhang lumabas ako sa bahay at nag-drive paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o anong gagawin ko.

Dinala na lamang ako ng hangin sa isang daan kung saan kita ko ang mga kabahayan sa ibaba.

Umupo ako sa hood ng sasakyan ko at napabuntong hininga. Masakit talaga para sa akin abg makita siyang nahihirapan pero wala akong magawa.

Ako ang dahilan eh. Ako ang may kasalanan. Alam kong madami na siya napagdaanang paghihirap lalo na noong nasa Pangasinan siya pero dinagdagan ko pa ngayon.

I knew it from the start na nandoon siya at nagbabagong buhay. Pinapasundan ko siya at mayroong isang pagkakataon pa na ako mismo ang pumunta sa lugar na iyon.

Hindi ko lang alam kung bakit tinago sa akin ng mga tauhan ko ang tungkol sa anak ko. Kahit isa sa kanila ngayon ay walang makapagsalita tungkol doon.

Pero ngayon namang malapit na sila sa akin ay hindi ko pa rin kayang maging masaya ng tuluyan lalo pa at nakikita ko ang paglayo o pag-iwas sa akin ni Xiara. Iyong mga mapang-uyam niyang titig tuwing nag-aaway kami.

Hindi ko rin masyadong makausap si Sandro. Si Sandro na anak ko dahil lagi itong nakadikit sa kay Xiara.

I love them so much that it hurts. It hurts to see them with me but there is still a barrier that keeping us from apart.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at naiinis na napasigaw.

"BAKIT BA KAILANGANG MANGYARI SA AKIN ITO? BAKIT KAILANGAN KONG MARANASANG MASAKTAN NG DAHIL SA MGA MAHAL KO SA BUHAY! PUTANG INA! TAO LANG NAMAN AKO HA! NASASAKTAN! NAHIHIRAPAN!" napaiyak na lamang ako sa isang tabi at napasuntok sa hood ng kotse ko.

Mahal na mahal ko ang mag-ina ko pero dahil ngayong hinayaan ko silang umalis sa piling ko. Wala na akong pag-asang maging masaya.

My life is really a fucking messed up! A fucking difficult life!

Napatayo ako at nagmamadaling sumakay sa kotse. Pinaharurot ko ito.

Hindi pwede ito. Kailangan kong ayusin ito. Ayoko ng maiwang nag-iisa at nagsisisi sa mga maling desisyon ko.

Tama na iyong panahon na iniwan ko lang sandali si Xiara at pagbalik ko ay isang bahay na walang laman na lamang ang aabutan ko.

Kinakabahang inihinto ko ang kotse ko sa tapat at nagmamadaling pumasok. Doon. Bumungad sa akin ang madilim na kabahayan. Walang tao.

Walang batang naglalaro sa sala. Walang babaeng nakabusangot na titingin sa akin at sasabihin mahal kita.

Napaluhod na lamang ako at hinayaan ang sarili kong umiyak. Tangina. Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan kong umalis sa buhay ko ang taong mahal ko.

Lascivious Series #1: Intimate Desires (COMPLETED - SLOW HEAVY REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon